karanasan sa retreat house

118 5 0
                                    

KARANASAN SA RETREAT HOUSE

Fourth yr. h.s ako noon, Excited na ako dahil retreat na namin kinabukasan. Pangatlong batch kami na pupunta doon dahil by section ang retreat bale 3 days and 2 nights kami doon. madami sa mga naunang section na pumunta doon ay pinaramdaman daw. Yung iba daw sa kanila nakakita ng multo. Pagdating namin sa retreat house, pumasok agad kami sa aming kwarto (2 person each room). Pagpasok iba agad naramdaman ko dahil yung room na yun ay isa sa mga napaguusapang may nagpaparamdam ayon sa mga naunang section kaya nagsalita ako sa kwarto ng ""magparamdam ka nalang, wag ka ng magpakita"". tumawa lang yung clasmate ko.
kinabukasan habang nagtotoothbrush ako sa lababo ng aming room nakatingin lang ako sa salamin dahil ayaw kong ibaling ang tingin ko sa ibang bagay dahil baka pagharap ko ulit iba na ang makita ko sa salamin. kukunin ko na sana yung baso dahil magmumumog na ako nang bigla nalang natapon ung baso na para bang hinampas ng kamay. tumayo ang balahibo ko at knabahan na ako, buti nalang biglang dumating ang clasmate ko galing c.r sinabihan nya akong maligo na. pagpasok ko ng c.r(malaki at may 10 cubicle) palabas na ang mga kasama ko dahil tapos na silang maligo so mag-isa nalang akong maliligo. habang naliligo ako may naririnig akong naghahum tapos biglang tumigil, hnd ko na pinansin baka clasmate ko lng. tapos may sumisitsit na sa akin palakas ng palakas at palapit ng palapit. bumanlaw na ako agad at umalis. pag bukas ko ng pinto tiningnan ko lahat ng cubicle. lahat nakabukas at walang tao ng biglang sumara ung dulong cubicle at tumakbo na ako sa takot. hindi ko na din sinabi sa clasmate ko baka matakot din sya. last night na namin ginising ako ng clasmate ko mga quarter to 3 na nun kasi naiihi sya at nagpapasama. nasa tapat lang ng room namin ung banyo, nung patulog na ulit kami. naririnig ko na gumagalaw ung takip ng basurahan namin na para bang pinaglalaruan di ko nalang pinansin. maya maya nararamdaman ko na may umuuga ng kama namin(double deck bed) pati yung upuan at basurahan umuuga din. kahit ang dilim ng kwarto bigla kong pinaandar ang ilaw kahit pumapasok na sa isip ko na pagbukas ko ng ilaw may makikita kaming multo. pagbukas ko ng ilaw may lalaking nakatayo sa gilid ng kama namin, wala syang mukha. di kami makagalaw o kahit makasigaw man lng. Pumikit nalang ako at sinabing umalis ka dito!! in Jesus name!! then nagpray ako ng malakas. Please LORD GOD help us, then bigla nalang natigil ung pag.uuga ng kama,upuan at basurahan, pagdilat ko wala na din yung lalaking walang mukha. di na din kami natulog at nagdasal nalang kami hanggang umaga. kinaumagahan sinabi ko sa guro namin ang nangyari. nag-alay kami ng dasal at sinabihang wag nang ipagsabi sa iba ang nangyari.
-THE END-

pasensya po sa pagconstruct ng kwento ko hindi kasi ako bihasa magtagalog. salamat po sa pagbasa.

Les of 2009

spookified stories part 2Where stories live. Discover now