kinulam ng sariling tyahin

147 4 0
                                    

"Kinulam ng Sariling Tiyahin"

Hi Spookify readers. Isang Makababalaghang Gabi po sa lahat...
itong e kkwento ko ngayon sa inyo ay nangyari nong nakaraang Taon lang April 2016, Mula Cagayan de oro Umuwi kami ng Lanao del Norte kasi mag e Election na sa May. Doon kasi kami bumuboto, Pagdating namin sa bahay ng Partner ko Napansin namin ang isang Lalaki na nakaHiga Folding Bed na nakalagay sa Sala. pagkatingin ko Namamaga yong Mukha niya at Pati yong Mata niya di mo na makita sa Sobrang Maga. Para bang pinagtulong tulongan siyang bugbugin. Bigla dumating ang mama ng partner ko at syempre tinanong ng partner ko kung sino yang nakahiga sa sala at bakit ganyan yong Hitsura. Sabi ng mama niya Pamangkin daw na galing Ozamis, Hindi pa ito na nameet ng partner ko niminsan kahit nong bata pa siya. so di niya talaga ito kilala. Bundok kasi yong sa kanila doon sa ozamis hindi ko na sasabihin yong Specific place. Pagkagabi non Nag iinoman kami ni Buddy (bayaw ko, naekwento ko na rin siya dati sa Kulam Vs Revenge) Close kasi kami ni buddy lalo nat sa inoman at music, magkakasundo talaga kami. Nag iisang lalaki lang c buddy sa limang magkakapatid ng partner ko at itong si buddy ang bunso pa. back to the story, Nong gabing yon napag alaman ko rin na kaya pala andito sa lanao del norte itong pinsan nila dahil nagpapagamot dahil kinulam daw.( here we go again andito na naman ang witch craft matters na yan) Nakinig lang ako sa mga sinasabi nila dahil ang sabi daw ng mangagamot kinulam daw ito ng naka alitan dahil sa Lupa. at iisa lang daw ang naka alitan nito tungkol sa Lupa, Ang Sarili lang nilang Tiyahin na kapatid lang din ng ina ng Partner ko. Napailing ako nong marinig ito at syempre kami ni buddy patuloy lang sa inoman na Tuba (Lambanog). 10pm hindi pa kami tapos ni buddy sa pag iinom nang pumunta ako ng likod bahay nila para umihi. Pero nagulat nalang ako,. nakita ko yong nilalang ulit na nakapatong sa puno. Iba yong Hitsura niya Pula na yong Mata. At parang aakma na siyang susugod sa akin. so ayon umatras ako at dali daling pumasok sa loob ng Bahay. Grabi di ako mapakali kasi dati hindi naman ito ganito. galit kaya siya sa akin? Hinayaan ko na lang at doon na ako nagpatuloy umihi sa Cr sa loob ng bahay. bakit pa kasi doon ko pa naisipan sa labas umihi. Nong matapos na kami sa inoman ay agad na kami natulog at Hindi na e noOff yong ilaw kasi nga maysakit na binabantayan sila. itago natin sa pangalang elyong. Si kuya elyong ay 36 y.o na walang asawa, Walang bisyo at breedWiner ng mga pamangkin niya doon sa lugar nila. may mga baboyan siya at isa rin siyang Habal habal driver (yong Motor single na pinapasahero). Alam niyo kaya siya binabantayan tuwing gabi hanggang madaling araw. kasi ang ingay ingay niya nagsasalita siya ng kung anu anu at tinatawag niya yong mga kamag anak nilang patay na lalo na yong ina rin niya na patay na rin. Unang gabi na marinig ko siya na ang ingay niya hindi ako nakatulog non hanggang umaga ang partner ko na kasi ang nagbabantay kasi kailangan muna mag pahinga ni mama kasi ilang gabi na rin daw siyang puyat. (So nadamay na talaga kami since andito na rin eh) Kapag umaga tulog c kuya elyong, Kaya yon Sinubukan ko itong kausapin nong Nagising siya. Tinanong ko kung anu ang mga nararamdaman niya sabi niya wala naman daw masakit Bukod sa wala siyang gana kumain. Tinanong ko rin siya kung anu yong mga sinasabi at tinatawag niya pag gabi. Sabi niya hindi niya alam at wala siyang maalala. Wierd man pero nakikita ko sa kanya na nahihirapan siya sa kalagayan niya. Kaya ayon napagpasyahan kong Subukang Tulungan siya. Nagpakuha na ako ng Sanga ng Toba-Toba (Halamang Herbal) at yong Sanga na kinuha ay kiniskis at kailangan pinohin at kailangan ibalot sa dahon ng saging lagyan ng Asin, bawang, Linement oil, ipapatong ito sa apoy o bagah lang para Hindi Masusunog kailangan bantayan ito mga 30mins.
6pm Sinimulan ko na siyang gamotin at sa bawat pagpiga ko ng katas nong toba-toba sa kanya kasabay ng dasal na Latin. Napapansin ng lahat na nasasaktan talaga si kuya elyong makikita mo sa mukha niya na Tinitiis niya yong sakit. Hindi dumadampi yong kamay ko sa kanya tangig katas lang ng Tuba tuba ang pinipiga ko para dumampi sa balat niya... Nong sinubukan ko na siyang Hawakan Bigla akong nag halucinate kaya binitawan ko kaagad sabi ni mama bakit? lahat kasi sila nakatingin lang sa ginagawa ko. napailing ako at humingi ng yosi at sinindihan ng partner ko yong yosi. Sinubukan kong hawakan ulit kamay niya sapagkakataon na yun Tumindig na lahat ng Balahibo ko pero Hindi na ako nag patinag kinausap ko si kuya elyong kung nakikita ba niya yong gusto kong ipakita sa kanya sa pamamagitan ng isip. Sabi niya oo kaya yon nakita ko tumutulo na luha niya umiyak si kuya elyong.
At alam niyo ito ang nakakatakot na First time encounter ko. Walang Pulso si kuya elyong pero humihinga naman siya at malamig yong katawan niya at tanging Tyan na lang niya ang maiinit pero yong ulo kamay at paa kahit likod Malamig. Nong matapos ko na ang pagamot kay kuya elyong. May nararamdaman akong hindi mabuti kaya lumabas ako at sinabi ko kay buddy na pwede ba kami mag inoman para mawala yong nararamdaman ko.
[FastForward]
Natulog agad kami lahat matapos yong inoman namin ni buddy. doon ako natulog sa Kwarto ng kapatid ng partner ko kasi alam kong di ako makakatulog kapag sa sala kasi yong partner ko ulit nagbabantay kay kuya elyong at doon din ang iba pang kasama sa bahay na mga kapatid lang din ng partner ko. Nabigla ako nong biglang bumukas ang pinto ng kwarto at may matandang babae na pumasok Lumapit sa akin at biglang Umilaw ng Pula ang boung Kwarto at nakita ko sa kanang kamay niya ang hawak niyang Bungo ng tao. Nanlilisik ang mga mata niya, tatanongin ko na sana siya ng bigla niya kinuha ang kamay ko at Sinabi ang mga Katagang to.."Ang Kasing Kasing Puno og Dugo..!! Kasing kasing Nga Puno sa Kasuko...!!! Yawa...!!!"
(Ang Puso Puno ng Dugo..!! Ang Puso na Puno ng Galit...!! Yawa) ang Yawa po ay pangalan ng Satanas o Demonyo. Nong sinabi niya sa akin ito gusto kong kumawala sa pagkakahawak niya kaso mahigpit at malakas ang matanda at nakikita ko unti unti nagbabago ang Hitsura niya naging Si kamatayan, yong Kalansay na ang mukha niya at yong hawak niyang bungo ibinato niya at naging mga halimaw na may mga mahahabang kuko at pangil. Sinabihan niya akong Huwag Daw akong makiAlam Dahil... Hindi natuloy ang sinabi niya dahil nilabanan ko yon ng dasal na latin at tuluyan niya akong nabitawan. Pero kahit nagising ako ay nasa dimension pa rin niya yong paligid ko (Sleep paralysis) Gising na ako pero yong boses ng mga halimaw niya naririnig ko pa na kumakaloskos sa paligid. kaya nag dasal ulit ako kailangan kong makagalaw, halos mawalan na ako ng hininga nong makarecover ang katawan ko agad akong Bumangon at Kinuha ko ang celphone para tingnan ang oras. 2am pa pala naririnig ko mula sa sala si kuya elyong na nagsisigaw na naman at yong sinisigaw niya na may matanda daw na gusto siyang kunin at ipinapalayo niya ito. agad ako lumabas ng kwarto at dumaan sa sala Tiningnan ko lang siya kasi papunta ako non sa kusina para kumuha ng tubig. Nararamdaman ko yong presensiya ng Matandang babae na naging c kamatayan na nasa paligid lang. Kaya kumuha agad ako ng Abu (ash) sa may dirty ketchen nila at nilagay ko ito sa ibabang higaan ni kuya elyong. Pagkatapos non bumalik ako sa kwarto at nilagyan ko rin ang ilalim ng hinihigaan ko ng abu. ayaw ko na matulog nong mga oras na yon kaya nag laro ako ng Coc (Shout out Artistahin clan). Pero Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako na nakaUpo at bigla akong inatake nong kamatayan Tinamaan ako sa Dibdib nong dala niyang matalim na karet ata tawag dun. nagising ako at hinawakan ko ang dibdib ko walang sugat pero mahapdi. Kaya lumabas na talaga ako ng kwarto at doon na sa tabi ng partner ko humiga total maingay c kuya elyong Hindi na ako makakatulog.
Masyado pa mahaba to at abangan niyo ang mga kababalaghang mangyayari sa karugtong nito.
Salamat mga Ka Spookify,
Sana po ma post ng Admin.
God Bless sa Lahat...
-Silent Rasta

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 29, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

spookified stories part 2Where stories live. Discover now