Chapter XVI ( The Plan )

17 1 0
                                    

" Ang isang relasyon ay di nagiging perfect kung ito ay puro saya lamang, at walang pagaaway o pagtatalong pinagdadaanan. "

" Ang pag-ibig ay isang sugal, kung saan para makuha mu ang minamahal mu ay kinakailangan mung isugal ang pag-ibig mu para sa kanya at gawin ang lahat upang ipanalo siya kahit pa alam mung maari kang matalo at umuwing luhaan. "

" ang pag-ibig ay parang isang kayamanan na kung saan marami ang nakapalibot sayo upang makuha ito sayo kaya kinakailangan mung ipaglaban sa kanila ang karapatan mu sa kayamang iyon. "

 Ito ang ilang sa mga linya ng mga eksperto sa pag-ibig at ang ilang sa mga taong sumugal, nakipaglaban, ipinaglalaban, nasaktan, nasasaktan, lumuha, lumuluha, sumaya at masaya sa pag-ibig noon man o ngayon.

 Ang relasyon nila Sijey at Alyza sa isa't isa ay nagumpisa ng maayos, sa isang buwan nilang magkarelasyon ni minsan ay hindi pa nila nasusubukan na magtalo o mag-away. Naging maganda ang takbo ng samahan nilang dalawa, na tila komportable na agad sila sa isa't isa kaya alam at nararamdaman ni Sijey na ang meron sila ay totoo at walang bahid na kasinungalingan ng pag-ibig. Bagay na ikinumpara niya sa normal na relasyon kung saan ang involve dito ay isang lalaki at isang babae, dahil dito sinabi niya sa kanyang sarili na " Kakaiba kami, at alam ko na totoo ang sa aming dalawa. "

 Mapaglaro ang tadhana kaya gagawa at gagawa ito ng paraan upang subukin ang tao.Kaya sa isang buwan napansin ni Sijey na unti unti na silang binibigyan ng mga pagsubok. Mga pagsubok na nag magsasabi kung hanggang saan nila kayang ipaglaban ang pagmamahal nila sa isa't isa, unti unti silang nagkaroon ng tampuhin, at mga di pagkakaintindihan pero dahil sa pangako nila sa isa't isa na " pagmakakaproblema tayo, dapat ayusin din natin to with in this day, hindi tayo pwedeng matulog hangga't hindi tayo okay. " kaya bawat problema nila sa ay agad din naman nilang naaayos.

 Makailang beses silang binigyan ng pagsubok, pero dahil sa mahal nila ang isa't isa kaya nagagawa nila itong maayos. Dumating ang isang araw na hindi na malaman at maintindihan kung bakit ngayon ay napapadalas na ang tampuhan nila.

 " Ano bang mali? Bakit madalas na kaming ganito?" bulong niya sa kanyang isipan. Dahil doon ay madalas na niyang kinekwestyon ang tadhana kung bakit sila nagkakaganoon. Ang madalas nilang pagtatalo ay ninais niyang huwag na lamang ipaalam sa kanyang mga kaibigan dahil sinabi niya sa kanyang sarili na " ang problema namin, at dapat sa amin lamang at hindi problema din ng iba. " Dahil naniniwala siya na wala din naman ibang makakaayos noon kundi sila.

 Sa kabila ng kaliwa't kanan nilang tampuhan at magtatalo, hindi pa din naman nawawala doon ang pagmamahal nila sa isa't isa at hindi pa din naman nawawala sa isip ni Sijey na sa susunod na linggo ay 2nd Monthsary na nila. Sunod sunod man ang kanilang pagaaway hindi pa din naman niya nakakalimutan ang ipinangako niyang panliligaw kay Alyza kapag siya ang pinili, kaya naisp niya itong supresahin.

 Naisip niya itong bigyan ng isang bagay, kaya lang wala siyang idea kung ano ang ibibigay niya. Kaya nagpasya siyang kumonsulta sa mga kaibigan niya.

Sijey: " king, kailangan ko ng tulong nyo please.. " (nagmamakaawa)

Jealine: " bakit? "

Sijey: " Monthsary na kasi namin next week, eh gusto ko siyang isurprise. "

King: " anung surprise naman ba gagawin mu? " ( excited )

Sijey: " Hindi ko nga alam eh, Gusto ko siyang bigyan ng isang..... " (nagiisip)

Jealine: "Isang??? "

Sijey: " anu bang magandang ibigay? "

King: " anu bang gusto niya?? " (nagiisip)

Elaine: " saan ba siya mahilig? "

Sijey: " ummmmm.. saan nga ba siya mahilig?? "

Jealine: " hindi mo alam?? " (nagulat)

Pinky SwearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon