Chapter XX ( Sijey where are you )

16 0 0
                                    

"Turn up the love turn up the love; We turnin up the lo-uh-ove!"

Ang kantang iyon ay hudyat na kailangan ng bumangon ni Alyza para pumasok sa eskwelahan. Agad agad namang pinatay ni Alyza ang kanyang alarm clock at umusal ng panalangin... Lumuluha...

"Ama, salamat po sa araw na to, sa mga biyayang ipinagkaloob ninyo sa akin. Ama nawa'y patawarin niyo po ako sa aking mga kasalanan. Kung nakasakit man po ako ng damdamin ng aking kapwa namalayan man o di namalayan. Ama, hinihiling ko po na kung na saan man si Sijey ay ingatan niyo po siya. Ama please po wag niyo siyang kukunin sakin. Siya lang po talaga ang nagpapasaya sakin. Amen."

*******

Maagang nakadating sa eskwelahan si Alyza...

"30 mins. pa bago magLogic." (Binalik ang telepono sa bulsa)

Habang nanghihintay siya sa labas ng room nila nakita niya ang mga batch mates niya sa kabilang kwarto, ang makulit na si Alyza ay pumasok naman agad doon...

Alyza:"Elaaaaaaay!" (Sabay yakap sa kaibigan)

Sonny:"Uy si Alyza oh!"(Tinuturo sa mga kaklase)

Ian:"Oh anong ginagawa mo dito? Dito ka ba?"(nangangasar)

Alyza: (pout)

Ian:"Joke lang. Anong ginagawa mo dito?" (Nakangiti)

Alyza:"Wala pakong class e."

Elisha:"Asan si Sijey?"

Alyza:"Wala nga siya e, ......." Pinaliwagan niya kay Elay lahat, at kinumbinsi ito na samahan siya sa mga ospital na naaalala niyang nabanggit ni Sijey... Nagcut siya ng classes. Alam niyang hindi magugustuhan ni Sijey iyon pero hindi na niya matiis na wala lang siyang ginagawa kundi maghintay sa text ni Sijey...

Una ay pumunta muna sila sa malapit na computer shop sa kanilang school at nagsaliksik kung ano ano ang mga ospital around Cubao at kinuha ang mga numero nito. Agad na humanap ng pay phone si Alyza at tinawagan ang mga numero, ngunit kahit isa dun ay walang nagkumpirmang may Sijey na naka-admit dun...

Alyza:"Wala talaga Elay." (Malungkot na malungkot)

Alyza:"Alam ko na! Hihingin ko nalang yung number ng mama nila kay Kakai! Sa kapatid niya, alam ko Kung San yung school nun!"(nabuhayan ng loob)

Agad naman silang tumungo dun...

Papasok na sila ng biglang may humarang sakanilang isang lalaki, lalaking sakto lang ang tangkad, bilugan, at moreno.

Guard:"San po kayo Ma'am?"

Walang Kaide-ideya si Alyza Kung anong sasabihin niya tanging alam niya lang ay ang pen name at apelyido ng kapatid ni Sijey...

Alyza:"Kuya kay Kakai De Jesus lang po."

Guard:"Ano pong section Ma'am?"

Alyza:"Kuya hindi ko po alam e, basta po kuya 3rd year yun tapos De Jesus po apelyido."

Guard:"Magiwan nalang po kayo ng I.D."

Alyza:(Iniwan ang I.d.) (tuwang tuwa) "ay kuya San po yung mga 3rd year?"

Guard:"Dyan lang po sa likod ng stage." (Nakaturo Kung San ang stage)

Alyza:"sige po Salamat po."

Di nagtagal ay namataan agad ni Alyza ang kaklase ni Kakaki na si Maureen...

Alyza:"Feeling ko ito na yung room."

Maureen:"Uy di ba si Ate Alyza yun?" (Nakaturo sa labas ng room)

Pinky SwearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon