Chapter IX ( Again )

20 0 0
                                    

 Naging magulo ang bagay bagay para sa kanilang dalawa, pinili siya pero nauna nang sinabi sa kanya na marahil walang chance na maging sila. Bagama't magulo ang lahat sa kanila hindi ito naging hadlang para sa kasiyahan nila sa isa't isa dahil patuloy pa din nilang pinapakilig ang isa't isa may relasyon man sila o wala sa paningin ng ibang tao, ang mahalaga na nga lang para sa kanila ay ang masaya sila sa kung ano man ang meron sila. Nasasaktan man o hindi si Sijey ay pinagpatuloy pa din niya ang pagpapasaya kay Alyza kagaya nga ng sinabi niya dito, masaya na din siyang nalaman na mahal din siya nito kahit sinasabi ng tadhana na walang chance na maging sila.

 Lumipas pa ang ilang araw at ang samahan nila ay mas lalo pang naging makahulugan at umabot na sa puntong halos lahat ng taong nakakakita sa kanila ay iniisip na may relasyon sila kahit wala naman, ang sayang nararamdaman ni Alyza ay napalitan ng mga luha noong dinala siya ni Sijey sa paborito nitong lugar kasabay nito ay nalaman niya na ang taong mahal niya ay may mga karamdamang dinadala na bihirang nakakagamot.

 Alyza: " bakit favorite place mo to? " ( ng may pagtataka)

Sijey: " kase para akong nasa probinsya. " ( ng may ngiti sa kanyang labi )

Alyza: " So? " ( nagtataka )

Sijey: " hindi pa kase ako nakakapunta o nakakaexperience na magpunta ng province. "

Alyza: " Weh?? " ( hindi makapaniwala)

Sijey: " oo nga, mukha ba akong nagbibiro?? hahaha. "

Alyza: " Bakit? saan ba province nyo? "

Sijey: " hindi ko alam eh. " (habang pinagmamasdan ang bituin)

Alyza: " bakit? bakit hindi kayo nagpupunta sa province nyo? "

Sijey: " hindi pa eh. takot kase ako sa dagat, takot akong sumakay ng barko. "

Alyza: " edi magbus na lang kayo. " ( bigla siyang tumingin sa mukha ni Sijey. )

Sijey: " hindi din pwede eh. " ( bigla siyang ngumiti )

Alyza: " bakit naman?? " ( lalo siyang nagtaka )

Sijey: " may sinusitis kase ako eh, tapos yung ilong ko pag nakaramdam ng aircon sumasakit tapos minsan dumudugo. " ( ng naka ngiti )

Alyza: " hala! " ( bigla siyang nagulat )

Alyza: " andami mo namang sakit, bawal ka ng chocolate tapos may ganyan ka pa. " ( biglang nalungkot ang mukha niya)

Sijey: " haha, dalawa pa nga lang alam mo na sakit ko eh. "

Wala silang napagusapan kundi puro patngkol sa sakit ni Sijey hanggang sa umabot na sila sa pinaka malalang sakit niya, at unti unti ng tumulo ang mga luha ni Alyza

Sijey: " hala, bakit ka umiiyak?? " ( nalungkot )

Alyza: " hindi ako na iyak ha. " ( tumingin siya sa gawing kanan upang itago na kanyang pag-iyak )

Sijey: " eh ano yan?? "

Alyza: " alin?? nasaan ?? ( habang nagpupunas ng luha. )

Sijey: " ayan oh " ( hinawi niya ang mukha nito paharap sa kanya upang makita )

Sijey: " buhay pa ako iniiyakan mo na ako eh. " (pabiro niyang sinabi)

Alyza: " eh kasi eh, ayoko kong mawala ka.. " ( ng may hikbi )

Sijey: " bakit ako mawawala?? buhay pa ako pinapatay mo na ako eh. " ( pabiro )

Sijey: " wag ka ng umiyak.. " ( ng nakangiti )

Alyza: " promise mo muna mabubuhay ka ng matagal. " (ng malungkot ang kanyang mukha )

Sijey: " promise! atsaka sinasabi ko naman lahat kay mama kapag may masakit sakin. " ( hindi naalis ang ngiti sa kanyang mukha)

Sijey: " tara na uwi na tayo.. "

Agad silang tumayo at nagsimulang maglakad palayo sa paboritong niyang lugar.

 Sa kabila ng lahat ng karamdamang iniinda ni Sijey ay nakukuha niya pa ding mabuhay ng normal tulad ng ibang tao, ginagawa niyang lakas ang mga taong naniniwala sa kanya, sa talino niya, sa kakayahan at talento niya. Maraming siyang bagay na kayang gawin kaya naman ang ibang tao ay sinasabihan siyang soba sobra daw siya sa talento, maging ang mga professor niya at idagdag mo pa dito ang pagiging mabait niya sa lahat ng tao. Never siyang nagdalawang isip na tulungan ang kahit sino,hilig niya ding iencourage o bigyan ng lakas ng loob ang bawat taong makikita niyang nawawalan ng pag-asa lalong lalo na sa pag-aaral. Lahat ng ito ang nagiging dahilan niya kung bakit nakukuha niyang ngumiti at maging masaya sa kabila ng karamdaman niya, para sa kanya hindi siya dapat kinakaawaan dahil gaya ng iba isa din naman siyang normal na taong may pangarap at nagagawa..

 Matapos malaman ni Alyza ang lahat tungkol sa kanya, naging sobrang maalaga siya kay Sijey at lahat ng hindi maganda para sa kalusugan ay iniiwas niya dito. At halos araw araw ay minomonitor niya ang pagkain at ang kakainin nito, hindi naman maiikakaila ang kasiyahan na nararamdaman ni Sijey sa ginagawa sa kanya ni Alyza. Hindi niya inasahan na matapos niyang sabihin ito kay Alyza ay magiging ganoon ang resulta, dahil ang inaakala niya ay hindi na siya nito pagaaksayahan ng oras dahil nga sa mga sensitibo nitong sakit. Sa puntong iyo ay muling nauutusan ni Alyza ang puso ni Sijey na muling umasa sa kanyan, bagay na ikinabahala ni Sijey, Matapos ang ilang araw na iyon muli na naman niyang iniiwasan si Alyza.

Pinky SwearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon