Hapon na, at naghihintay sila Sijey sa study area kay Alyza dahil may usapan sila na tutulungan niya si sijey na magtechpen (archi term) ng plate niya. Dahil Engineering student si Alyza iniisip ni Sijey na marunong at matutulungan siya nito pero ang hindi niya alam bago pumuntqa si Alyza sakanya ay nagtanong tanong pa muna ito kung paano magtechpen dahil nga sa nais din ni Alyza na makasama at makausap si Sijey ng personal sa unang pagkakataon. 4:30 pm dumating si Alyza sa usapang tagpuan dala ang napakagandang ngiti sa kanyang mg labi,
Sijey: " Hi " ( nahihiya )
Alyza: " Hello" ( nahihiya )
Sijey: " Marunong ka ba talaga magtechpen? "
Alyza: " Oo nga. " ( nakangiti )
Sijey: " oh eto, itechpen mo yung border nito ha. "
Alyza: " Tapos? "
Sijey: " Yun lang. " ( nakangiti )
Muling pinagmasdan ni Sijey ang kanyang mukha at mga labi habang gumagawa, na parang biglang bumagal ang oras habang pinagmamasadan niyang mabuti ang mukha ni Alyza at sa pagkakataong iyon naramdaman niya na bumibilis ng bumibilis ang pagtibok ng puso niya. Sa kabilang banda, bigla niyang naalala na may usapan din sila ni Nikka kaya tinignan niya ang oras at nakita niyang late na siya kaya agad agad siyang tumayo
Sijey: " Uy Dito ka muna ha. Nanjan naman si kuya Jason eh. "
Alyza: " Bakit saan ka pupunta? " ( nalungkot )
Sijey: " Jan lang, may kakausapin lang ako. Kuya Jason ikaw muna bahala ha. "
Jason: " Sige bro. "
Nagmadaling umalis si Sijey papunta sa Anniversary Hall ng school nila kundi saan naghihintay si Nikka sa kanya, sa pagkakataon palang na iyon ay buong buo na ang desisyon ni Sijey na hiwalayan na si Nikka.
Nikka: "San ka galing bakit ang tagal mo? " ( nagagalit )
Sijey: " Sa study area lang, may ginagawa kase kame ni kuya Jason. "
Nikka: " aa.. Kanina pa ako dito e. "
Sijey: " aa. Ganun ba, sorry hindi ko kase namalayan yung oras. "
Nikka: " May sasabihin ka ba? "
Sijey: " Ummm ..."
Nikka: " Ummmmm??? "
Sijey: " Ikaw muna, baka may sasabihin ka. "
Nikka: " Okay, ummm ... Aalis na ako, lilipat na ako ng U.E "
Sijey: " Bakit? "
Nikka: " Bagsak ako sa mga majors ko. Tapos balak ko magshift ng Educ. "
Sijey: " Aaa.. Goodluck! "
Nikka: " Ikaw, anung sasabihin mo? "
Sijey: " Ummmm.. Tigilan na natin to.. "
NIkka: " Ha? "
Sijey: " Wala namang nangyayari sating maganda eh.. "
Nikka: " Okay, so friends na lang? "
Sijey: " Sige friends! "
Nikka: " May tanong ako bago tayo maghiwalay."
Sijey: " Ano yon? "
Nikka: " Sino si Alyza? NIliligawan mo ba siya? o girlfriend mo na? "
Sijey: " Aaaaa.. yun ba?? kaibigan ko siya. ECE student nakilala ko siya sa P.E, actually hinihintay nya nga ako e.. o sige alis na ako ha, atska may class ka pa. "
Agad ding umalis si Sijey at iniwan si Nikka sa lugar na iyon, at madaling madali siya dahil alam niya na hinihintay siya ni Alyza. Sa pagkakataong iyon ay, naginhawaan ang pakiramdam niya sa naging desisyon, inaamin niya na sa sarili niya na minsan siyang nabulag ni Nikka sa mga mabubulaklak na salita pero agad din naman siyang nagising. Bumalik siya sa study area ng may ngiti sa mga labi taliwas sa karaniwang reaksyon ng karamihan.
Jason: " oh, ano? Kamusta, okay na lahat? "
Sijey: " Oo, okay na lahat. "
Sijey: " Oh tapos ka na? "
Alyza: " Oo, pasensya na ha hindi perfect. "
Sijey: " Okay nga eh. Thank you ha. "
Sa Unang beses at pagkakataon naagkausap silang dalawa, hindi man matagal pero dinagdagan nila ng kwento ang pagkakaibigan nila. Pagkatapos ng araw na iyon, mas lumalim pa ang pagkakaibigan ng dalawa. Kung dati ay nagtatago si Sijey sa likod ng classroom nila habang dinudungaw siya ni Alyza, ngayon maging siya ay nakikipagdungawan na din kay Alyza at kung dati ay palagi siyang nakaearphone pag nasa labas ng classroom, ngayon ay hindi na dahil sa pagbabaka sakaling makasalubong niya at tawagin ulit siya ni Alyza. Tila naging inspirasyon si Alyza para kay Sijey, at kahit malapit na matapos Semester noon nagkaroon pa din sila nagpagkakataon na magkatagpo at makilala ang isa't isa..
BINABASA MO ANG
Pinky Swear
RomansaSabi nila ang totoong pagmamahal ay nangyayari sa di inaasahang pagkakataon at di inaasahang tao. Paano kung ang relasyon na dumating sayo ay sa kapwa mo babae o lalaki. Isang lang ito sa nga patunay na ang ganitong uri ng relasyon ay nagkakaroon di...