Kabanata 4

111K 2.9K 136
                                    

Kabanata 4





Pagkatapos naming mag usap ni Eros, agad niya akong pinasakay sa loob ng kotse niya upang kunin daw ang gamit namin ng mga anak ko. Iniwan lang namin ang kambal kasama si Ethos na halos hindi mo na mahiwalay sa mga anak ko.


"Wait. Eros." Tumigil siya nang mag red light at humarap sa akin. Ang galing ng timing ko. Bakit nasakto na red light pa? Umiwas ako ng tingin. I can't even look at him in the eyes!

"What?" Malamig na sabi nito.

"Parang ang bilis naman yata. Ayaw kong makipag live-in." He raised a brow then looked at me.

"We're not going to sleep in one room Psyche. Were just doing this for my kids." Inirapan ko siya. My kids daw pero hindi naman siya ang nagbuntis at nagluwal. Magaling lang siyang mag iwan ng kambal na sperm.


"Syempre alam ko di ba, kaso hindi ba masiyadong mabilis?" Nagsimula na ulit siyang mag drive.


"No." I sighed. Ano ba namang buhay to, bakit ba sa dinami-rami ng lalaki nung gabi na yun kay Eros pa ako nakipag-sex? It could have been anyone. Anyone na hindi cold at jerk kagaya nitong tao na to. Cold nga ang personality pero hot naman at yummy.


At bakit ba wala akong masiyadong maalala nun? Ang naalala ko lang yung mga biceps niya.. Parang nag-init ang mukha ko dahil sa naalala ko.


"What are you thinking?"


"Pake mo ba?" Mataray na sabi ko sa kanya. Napansin ko ang paminsan-minsan na pagsulyap niya sakin.


"Hearing you say that line brings back a lot of memories." Mabilis akong napatingin sa kanya but he kept a straight face.


"Anong ibig mong sabihin?"


"I actually remember now. You're the maid of honor during the wedding." Napanganga ako. Ibig sabihin naaalala na niya yung nangyari sa amin nung gabi na yun? Ako kasi konti lang ang naaalala ko eh.

"You remember? Even the details?" Napatakip ako sa bibig ko. Gusto ko na din iumpog ang ulo sa windshield ng kotse. Why did I have to say it out loud? He stopped at red light again.


"You don't?" He glanced at me. Umiwas ako ng tingin then I shook my head.


"Konti lang ang naaalala ko." I said in a very small voice. Hindi ko alam kung bakit ako nahihiya samantalang may nangyari naman na sa amin at nakita na niya ang buong katawan ko.


"You're the one who jumped me." He said as he started to maneuver the car again. Napanganga ako dahil sa sinabi niya.

"Ang kapal ng mukha mo! You're the one who kissed me!"


"You provoked me." Sabi niya sa mahinahon na tono habang ako naman dito halos magsilabasan na ang usok sa ilong at tenga ko.


"I did not! Ugh!" I said as I stomped my feet. I'm a mother of two kids pero para akong mababaliw kapag kasama itong antipatikong lalaki na ito.


Nakarating kami sa bahay ng hindi ako nagsasalita. Nakasimangot lang ako buong biyahe. He looked at my place na para bang ngayon lang siya nakapunta sa ganito kaliit na lugar.


"You live here?" I rolled my eyes at him.

"Obvious ba?"

"With the twins?" Napa-irap ako.

"Ay hindi. Nasa labas sila natutulog sa may dog house." I sarcastically said habang tinuturo ang dog house sa labas na dati nang nandoon nung lumipat ako dito. He looked at me. I sighed. "Syempre dito sa loob. Sira ka ba?"

He looked around again. "Your house is too small." Hindi ko nalang siya pinansin at nagsimula na akong mag empake.


Iniwan kong bukas ang pinto ng kwarto ko habang nag iimpake. Napansin kong pumunta siya sa kitchen at binuksan ang cabinet. Puro gatas ang makikita niyang laman non at konting noodles at mga delata. Hindi siya nagsalita at isinara na ang cabinet. He continued walking around. Muntik ko na ngang isipin na baka isa siyang detective. Ang galing eh, lahat ng cabinet binubuksan kala mo drugs ang hinahanap. Nagpatuloy lang ako sa pag impake.


Hindi naman talaga ganon kapangit at kaliit ang apartment ko. In fact, bagong tayo ito nung lumipat ako dito 3 years ago. OA lang talaga itong Eros na to.


"How's it like?" Sumulyap ako sa kanya. Nakatingin siya sa mga picture frame na display sa sala. Lahat yun pictures ni Artemis at Apollo.

"Ang alin?"

"Living with the twins." Hawak na niya ngayon ang picture na katabi ko yung kambal pagkatapos kong manganak sa hospital. Naalala ko pa nung habang nag labor ako, iniwan ko sa nurse at sinabihan ko siya na kuhanan ako kapag katabi ko na ang kambal.

"Mahirap syempre." Sabi ko habang nilalagay yung mga tsupon at iba pang gamit nung kambal.  "Ang kulit nila pareho. Si Artemis iyakin, gusto palagi siyang karga. Mabuti nalang si Apollo tahimik.. pero matakaw." I chuckled.


I looked at him. He's now holding Artemis and Apollo's picture. Lumapit ako sa kanya. "Ang cute nila noh?" Hindi siya nagsalita. "Don't worry. You'll get to know them too." Ngumiti ako sa kanya.

Sandali kaming nagtitigan. Nawala ang ngiti ko. His eyes are looking at me with so much intensity. Ngayon alam ko na kung bakit brown ang mata ni Apollo at Artemis. Nakuha nila yun sa kanya. Even their lips and their nose. They got it all from their handsome father. Napalunok ako at nag iwas ng tingin. Naglakad na ako pabalik sa kwarto.

"A-anyway, wala ka bang girlfriend o asawa na magagalit kapag dun kami tumira sa bahay niyo?"  Tanong ko habang isinasara na ang zipper ng isang bag.

"Wala."


"Wala kang girlfriend?" Gusto kong sampalin ang sarili ko. Bakit parang masaya ako nung nalaman ko yun? Ang malala pa, halata sa boses ko nung sinabi ko yun. He raised a brow at me pero hindi siya nagsalita.

"How about you? Don't you have a boyfriend?" Inirapan ko siya.

"Nine months akong buntis sa kambal at anim na buwan palang sila ngayon. Sa tingin mo may panahon akong lumandi?"

"How about Idan? Weren't you in love with him?" Natigil ako sa ginagawa ko. I actually felt fine when I saw Sofia and Idan together. It's like I wa never in love with him. Siguro nabuhos lahat ng pagmamahal ko sa dalawa kong anak.

"I'm over him." Hindi siya nagsalita. Gusto ko din sanang itanong kung siya ba naka move on na din kay Sofia kasi nung gabing yun parang pasan niya lahat ng problema sa mundo. Nagalit din siya sakin nung nalaman niya na dahil sakin kaya nagkakilala sila Sofia at Idan. Kaso natakot ako, baka mamaya bumalik yung aura niya kanina. Nawala lang kasi yun nung inilapit ni Ethos sa kanya yung kambal.


"I'll help you with that." Kinuha niya sakin ang mga bag at siya na ang nagbuhat. Napansin ko pa ang pag flex ng braso niya. I gulped. Ano ba to? Weakness ko ba talaga ang braso niya? I stared at his back habang naglalakad siya sa harap ko papunta sa sasakyan.


Natigilan ako when I unconsciously touched his back. Nanlaki ang mga mata ko.


"What?" He asked.

"Ay..  ano.. sandali may naiwan lang ako." Dali-dali akong tumakbo pabalik ng bahay. My goodness, nagiging manyak na ako!

One Stupid MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon