Kabanata 8

106K 2.8K 179
                                    

Kabanata 8



"Psyche," tawag sa akin ni Eros. "Breakfast?" Tumango ako sa kanya at sumunod pababa ng kusina.

Nagsimula na kaming kumain. Ganito lang kami palagi, tahimik. He's really not into talking pero it's not that awkward at all. In fact, it's so comfortable. Kahit ako gulat sa sarili ko dahil ayoko ng tahimik, ngayon ang naririnig ko lang ay ang mga kalampag ng kutsara at tinidor namin sa plato pero okay lang. Inabot ko ang kanin pero sakto din na kukuha siya kaya nagdikit ang kamay namin.


"You go first." Ngumiti ako sa kanya at naglagay na ng kanin sa plato ko. He sighed. "I'm sorry if I'm always too silent. Hindi lang ako sanay ng may kausap." Natawa naman ako sa kanya.

"Sa korte ka lang sanay?" His lips lifted to one side.

"I don't have friends. At sanay ako na mag isa lang dito sa bahay." Tumango naman ako sa kanya. Pero hindi mawala ang ngiti sa mga labi ko. For two weeks of eating together, this is the first time that we actually had a conversation. Dati kasi hindi ko siya sinasabayan kumain, palagi akong kumakain kapag tapos na siya. I only started to eat with him when Ethos and I had that talk.

Ever since he told me that Eros became like this because of his past, I actually tried to be patient with him. He's like a book that's so hard to understand but once you get to know the story you'll be drawn into it.

"Maybe it's because they're scared of you."

"And I wonder why." He smiled at me. Gosh heart relax ka lang. I've also come to admit that I have a crush on Eros.

Nagsimula to nang makita ko siyang nakikipaglaro sa kambal. Ang cute niya non, yung puso ko hindi na natitigil sa sobrang bilis ng pag tibok. Ngumingiti na din siya sa akin kapag nakakasalubong ko siya dito sa bahay at ang overacting kong puso palagi nalang tumatalbog.

"I like it when you smile." Mas lumawak ang ngiti niya at alam ko na yang tingin na yan. "Wala akong gusto sayo." He shrugged pero yung mukha niya parang hindi naniniwala. Ganon ba ako ka obvious?

"Oh, right. The maids are not here today." Kaya pala kanina pa ako tumitingin sa paligid hindi ko sila nakikita. Wala akong nakikita ni isang maid.

"Nasan sila?" I asked nang hindi niya dugtongan ang sinabi niya. Jusko pati nalang pagsasalita ang tipid niya, ano pa kaya kung sa gastos na?

"I gave them three days off. Pinapauwi ko sila kapag wala akong masiyadong trabaho at nasa bahay lang ako. Manang Selma's sleeping, she doesn't have a family so she stays here." Tumango naman ako. He's not as evil as I thought. Masiyado yata akong naging judgemental pagdating sa kanya.

"So tatlong araw tayong walang kasama dito sa bahay?" He smirked. Gosh ang gwapo. I swear kahit magkamukha sila ni Ethos mas gwapo siya kesa kay Ethos. Those glasses added to his appeal. Bihira lang ang mga lalaki na gwapo kapag may salamin and it suited Eros well.

"If you're planning to seduce me, I'll let you." Inirapan ko siya. Nasanay na din ako sa pang aasar niya sakin. Paminsan-minsan lang naman kasi siya magsalita pero kapag nang asar sagad.

"Don't hold your breath Attorney." He chuckled. Woah, he seems to be in a really good mood today. Ang gwapo niya talaga kapag ganito siya.

Natigil kaming dalawa sa pagkulitan nang makarinig ng doorbell. Nagkatinginan pa kami ng ilang segundo. "May bisita ka bang hinihintay ngayon?" Tanong ko.

One Stupid MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon