Kabanata 6

106K 2.9K 259
                                    

Kabanata 6



Narinig ko ang iyak ni Artemis kaya lumabas ako ng kwarto upang puntahan ang kambal. Nakasalubong ko si Eros na mukhang papunta din yata sa kambal, inirapan ko lang siya at dumeretso na sa kwarto nila Artemis at Apollo. Binuhat ko na si Artemis at pinatahan but she keeps on crying.

Sinilip ko ang pinto. Hindi naman siguro papasok si Eros. Hindi naman kasi siya pumupunta sa kwarto ng kambal kapag nandito ako at lalong hindi ako pumapasok na nandito siya sa loob. I pulled up my t-shirt and started to breastfeed Artemis. Napatingin ako sa pinto ng bigla itong bumukas. Napaubo naman si Eros kaya tinaasan ko siya ng kilay.


"Ano ngayon ka lang nakakita ng nanay na nagpapa-suso sa anak?" Hindi ko alam kung kay Artemis pa ba nakatingin si Eros o sa suso ko dahil medyo nakanganga pa siya.

"Sorry." Nag-iwas siya ng tingin. Napansin ko din na medyo namula ang tenga niya. I held back a smile. At para malaman kung naiilang nga siya tumayo ako at lumapit sa kanya while still breastfeeding Artemis. Napatingin nanaman siya doon and he blinked so many times. I should really feel awkward, but I'm enjoying teasing Eros.

"May kailangan ka?" I raised both my eyebrows forming an arc waiting for him to talk.

He cleared his throat before talking. "I was just thinking of the twins' name?"

"And?" Napansin ko na hindi siya nakatingin sa akin. Ang pula na din ng tenga niya.

"I want them to have my surname." Oo nga pala hindi pa pala nabibinyagan sina Apollo at Artemis. At dahil hindi ko alam noon kung sino ang ama, apelyido ko ang gamit nila. Nakulangan kasi ako ng budget nung mga panahon na yun kaya wala akong pangpa-binyag sa kanila.

"Ano nga ulit ang apelyido mo?" Tumingin siya sa akin ng deretso na para bang hindi siya makapaniwala na hindi ko alam ang apelyido niya. Hindi ko naman talaga alam kaya hinintay ko nalang na magsalita siya.

"Montagne." Tumango nalang ako sa kanya at hindi na ulit siya pinansin. Artemis is almost sleeping kaya ibinaba ko na siya sa crib at isinubo ang pacifier.

"And their birthday." Natigilan pa ako sa pag ayos sa crib ni Artemis. So he knows the birthday of the twins, hindi ko naman kasi nabanggit sa kanya.

"Matagal pa naman. Nine months palang sila." Lumapit naman ako kay Apollo at inayos din ang higaan niya.

"Oh? Nandiyan ka pa pala?" Tanong ko nang makita ko parin si Eros sa may bukana ng pinto. Hindi na kasi siya sumagot kaya akala ko umalis na siya. I shrugged when he did not say anything again at naglakad na palabas ng pinto pero bago pa man ako makalabas he pulled me and trapped me on the wall.

"Galit ka parin ba?" My breathing became heavy and my heartbeat makes it even more harder to breathe. I gulped.

"B-bitawan mo nga ako." He looked me in the eyes and I can't see any emotion. Is he sorry? Angry? I can't tell but it feels like he can see right through me. Nag isas ako ng tingin, he sighed then moved back.

"It was a joke Psyche." He just stood there in front of me habang ako nakatingin sa kaliwa at hindi siya pinapansin.

"Hindi ako natuwa." Humakbang na ulit ako palayo pero agad niyang hinawakan ang braso ko. "Ano ba? May gusto ka ba sakin? Ang clingy mo ah!"

One Stupid MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon