PORPLEY

5.4K 29 1
                                    

Nakakasilaw na light mula sa mga lightning ang naging light ko sa paghakbang patungo sa balkonahe ng aming palasyo. Makabasag eardrums na dagungdong naman ng mga thunder ang background music sa aking pagsilay sa aming nasasakupan. Super cold ang patak ng ulan ang dumapo at tuluyang dumaloy sa aking perpektong katawan. Lalong naging kapanin pansin ang aking pinagpalang hinaharap nang mabasa ang aking suot na puti at mahabang dress na may pagkainosente at mapang akit na dating.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga kalahi kong Nodede na nakatayo sa harapan ng palasyo. Halo-halong emosyon ang mababakas sa kanilang mga fes. Maraming nabaliw sa aking alindog, ang iba naman ay nabighani sa aking ganda. Maraming nakalimot huminga sa aking pinagmamalaking biyaya.

Nakangiti ang aking inner self habang tinatapik ang sariling balikat.

Napaka gandang nilalang mo talaga Roma! Bwua-ha-ha-ha-ha!

Inayos ko ang aking tindig at ipinakita sa madla ang aking pinag praktisang concerned and in pain look.

"Nangyari na ang ating kinatatakutan mga kapamilya, kapuso, kapatid, kabarkada, mga kalahi kong Nodede! Tuluyan nang sumuko at nadedo ang ating pinakamamahal na Inang Reyna Dede! Kasabay pa nito ay ang pagkawala ng ating magic formula!" anunsyo ko na halos manginig-nginig ang aking tinig.

Rinig ko ang pagsinghap ng ilang, ang iba naman ay humagulhol. Ang iba ay tahimik na naghihintay ng aking sunod na sasabihin. At ang iba naman ay tila walang naintindihan at nakatulala pa rin sa aking kagandahan.

I imaginarily flipped my hair. Wala talagang kakupas kupas! Kahit ata mag lupasay ako ay isa pa rin akong dyosa sa paningin nilang lahat.

"Ngayon ay nagluluksa ang whole wide Nodede palace, ang buong Dedehell! At marami sa ating mga Nodede ang pinanghihinaan ng loob. Ngunit wag kayong matakot! Wag kayong mangamba! Sapagkat nandito pa....ang Dedemigoddesses!" at nag grand entrance ang aking mga pabebeng mga kapatid.

"Kaming mga anak ng pinagpalang Inang Reyna Dede ang mamumuno sa ating sibilisasyon! Gagamitin namin ang aming heavenly beauty and magic powers para mabawi natin ang dedeng nararapat sa'tin! Muling tatayo, at lulusog ang mga dibdib ng mga Nodede!"

Nabuhayan ang madla at nagsisigaw ng papuri sa aming kadyosahan.

"Dedemigoddesses!"

"Nodede to Bigdede!"

May narinig pa akong sigaw na nakapag pangiti ng todo sa akin.

"Roma, our queen!"

I flipped my hair as I turn my back.

Kailangan kong mabawi ang magic formula hindi lang para sa akin ngunit pati na rin sa mga kapwa ko Nodede. Balita ko ay ninakaw ito ni Dedemon, ang kasalukuyang hari ng mga Babyag na taga-Babyaglonia.

"I will see you Dedemon! I will see you!" sabi pa ng aking inner self na naghahamon.

DEDEHELL [WARNING: MATURED CONTENT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon