PROLOGUE

13.5K 337 16
                                    

PROLOGUE

Simple lang ang buhay ko noon pero nagbago ang lahat simula noong mangyari ang trahedya dalawang taon na ang nakakaraan.


Trahedya na ayoko na alalahanin kailanman. 

Trahedya na bumago sa akin; mula sa masayahin at palakaibigang tao, naging isa na lamang akong tahimik at walang kabuhay buhay na tao.

Ayoko makipag-usap kahit kanino.

Ayokong magsalita dahil pakiramdam ko may masamang mangyayari kapag may nasabi ako na pwedeng ikapahamak ng iba.

Mas pipiliin ko na lang mag-isa kaysa mapahamak sila dahil sa hindi maipaliwanag na kapangyarihang taglay ko.

Ordinaryong tao lamang ako noon ngunit paggising ko isang araw may kapangyarihan na ako. Kapangyarihan na kamuntik na pumatay sa kaibigan ko.


Bakit nangyayari ito sa akin? Hindi pa ba sapat na wala na ang pamilya ko? 


Hindi ko na alam gagawin ko. Ayokong mag-isa pero natatakot ako na masaktan ko sila. Mas mabuti pa siguro mawala na ako sa mundo para makasama ko na ang pamilya ko sa kabilang buhay.


Nagpunta ako sa pinakadulong bahagi ng rooftop at doon tumayo. Huminga ako ng malalim at saka pumikit.


Pagbilang ko ng sampu, tatalon ako;

Isa... Dalawa... Tatlo... Apat... Lima...

 


Magkakasama na tayo Mama, Papa, Kuya at Rea.


​Anim... Pito... Walo... Siyam... Sampu...


"Siyet! Ano ba ginagawa mo?" galit na sabi ng taong yumakap sa akin bago ako tumalon. 


Bakit? Bakit lagi na lang ganito? Ilang ulit ko na sinubukang patayin ang sarili ko pero lagi na lang may ako hindi natutuluyan. Hindi ba ako welcome sa impyerno? 


"Kung magpapakamatay ka wag dito dahil damay ang school."


​​Nagpumiglas ako sa kanya. Noong oras na iyon wala pa ako ideya na darating ang araw na magiging kaibigan ko siya at ang grupo niya na tinatawag na Melancholic Knights.


Binubuo ito ng limang magkakaibigan na sila:


Bliss, pinakamasayahin sa kanila. Madaldal, makulit at nakakatakot kapag nagalit;

Claude, babaero pero mapagmahal na kapatid;

Claudine, mataray sa iba pero mabait sa mga malapit sa kanya;

Trevor, mabait, maalaga at ang peacemaker ng grupo;

at Zander, ang lalaking seryoso at misteryoso.

Silang lima ang naging rason ko para ipagpatuloy ang buhay ko.  


ARTIFICIAL VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon