EPILOGUE

2.6K 66 6
                                    

EPILOGUE

Phoenix's POV

"Labing anim na taon na Xia, simula nung nawala ka. Labing anim na taon ko din pinagsisihan yung kasalanang ginawa ko sayo. Sorry Xia," sambit ko habang nakatanaw sa dagat at hawak ang pusong iniwan ni Xia sa akin.

Death Anniversary ngayon ni Xia kaya nandito ako ngayon para dalawin siya. Simula nung namatay siya hindi na ako pinatahimik ng konsensya ko. Dahil ako ang nasa likod ng kamatayan niya. Ako ang nagbigay ng pangsaksak sa secretary ni Mr Tan. Ako din ang nasabi kay Mr Tan kung nasaan sila Zander. Ako din nagsabi ng tungkol sa pagkatao ni Zander. Lahat yun ako may gawa. Pinalano ko ang lahat ng yun para patayin ang babaeng mahal ko.

"Hoy!" panggulat sa akin ni Hexa. Sa sobrang lutang ko nabitawan ko bigla yung puso ni Xia. Nahulog ito mula sa cliff na inuupuan ko patungo sa dagat na nasa ibaba.

"Siyet! Yung puso," sambit ko sabay tayo.

"Sorry," sabi sa akin ni Hexa. Tinignan ko lang siya saka naghanda sa pagtalon para hanapin yung puso pero niyakap bigla ni Hexa.

"Ano gagawin mo? Bakit ka tatalon? Gusto mo ba mamatay? Ang lakas kaya ng alon ngayon gabi," pigil niya sa akin.

"Wala ako paki sa alon. Ang mahalaga mahanap ko yung puso. Saka hindi ako mamatay," inis na sabi ko sa kanya. Inalis ko yung kamay niya saka ako tumalon. Lumangoy patungong ilalim pero hindi ko na nakita yung puso.

"Ano ginagawa mo?" tanong ko kay Hexa nang lumusong din siya sa dagat.

"Tinutulungan ka. Kasalanan ko kung bakit nahulog yun," aniya habang naglalakad palapit sa akin. Lumangoy ako patungo sa kanya saka umahon.

"Wag na. Hayaan mo na," pigil ko sa kanya sabay hila sa kanya paalis ng dagat. Ako kasi malalagot kay Zander kapag nakita niyang lumalangoy yung anak niya ng ganitong oras kasama ko.

"Pero puso yun ni Mommy. Saka  mahalaga din yun kay Daddy," nag-aalalang sabi niya.

"Bukas na lang natin hanapin," sabi ko sa kanya para tumigil na siya.

*******

Third Person's POV

Habang pabagsak sa ilalim ng dagat ang puso ni Xia, muli itong tumibok. Unti-unting nabubuo ang isang katawan ng babae dito habang inaalon ito sa ilalim ng dagat.

Sinubukan pa ito hanapin ni Phoenix, ngunit hindi na niya ito nakita pa.

"Naloko na," sambit nito dahil may ideya na ito sa maaring nangyari sa puso ni Xia.

"Ano nanaman ginagawa mo diyan?" tanong ni Zander kay Phoenix nang makita siya nito.

"Wala. May hinahanap lang," tugon nito saka umahon. Huminto sa ito sa harapan ni Zander.

"Hinihiling mo pa rin ba na sana bumalik si Xia?" tanong niya dito.

"Hindi naman nagbabago yun," tugon ni Zander.

"Patay na siya. Hindi na siya babalik."

"Alam ko. Hindi ako tanga pero wala namang masamang humiling."

"Sabi nila be careful what you wish for; you just might get it. Who knows? Baka bukas paggising mo buhay na siya," sambit ni Phoenix saka naglakad palayo.

Samantala sa kalagitnaan ng dagat, isang lumulutang na katawan ng babae ang nakita. Nababalutan ito ng rosas. Wala itong saplot at tanging ang bulalak at dahon nito ang tumatakip sa katawan ng babae.

-End-

Author's note:

Dito na natatapos ang Artificial Vampire. Mamaya magpopost ako about sa powers na meron sila.

Anyway kung napapansin niyo bitin yung ending. Bakit nga ba bitin? Dalawa lang naman reason yan, bahala na kayo mag-imagine ng pwedeng mangyari sa kanila after kaya bitin o may book 2 yung artificial vampire kaya ganyan. Hulaan niyo. lol.

-ImaXlover

ARTIFICIAL VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon