CHAPTER 53

1.7K 60 2
                                    

CHAPTER 53

Xia's POV

After 2 years...

"Mommy! Babbie," sabi ni Seven sa akin sabay turo sa barbie niya na nasa mesa. Kinuha ko naman ito at inabot sa kanya. Nang makuha niya ito bumalik na siya sa mga kapatid.

"Anak, ako na diyan. Pakitawag na lang Dad mo. Sabihin mo kakain na," sabi sa akin ni Mom. Nag-aayos kasi ako ng plato dahil kakain na.

Pumunta ako doon sa maliit na opisina ni Dad. Siya na yung gumamit nung mala-ospital na kwarto namin. Kung ano-ano pinag-aaralan niya doon sa loob. Hindi muna kasi namin sila pinabalik sa Manila dahil masyado marami yung mga bata. Siguro kapag medyo malaki-laki na sila pwede na nila kami iwan.

"Dad, kain na po."

"Sige nak. Susunod na ako," aniya habang pinag-aaralan yung dugo. Hindi ko alam kung kaninong dugo yun. Kapag nandito nga si Papa, dalawa silang ganyan.

Iniwan ko na lang siya at bumalik na sa dinning. Pagdaan ko doon sa mga bata, natawa ko nung mapansin ko si Twain. Nakaupo kasi siya tapos nakapikit tapos yung ulo niya pabagsak na pero didilat siya bigla tapos iaangat niya.

"Baby, inaantok ka? Tama na yan laro. Tulog ka na," sabi ko sa kanya. Kinuha ko yung kotse na hawak niya saka siya dinala sa crib. Pinasik ko na din yung tatlong lalaki. Tapos yung mga babae doon sa isa pang crib. Pink nga yung sa kanila tapos sa lalaki blue.

"Diyan lang kayo. Kakain lang si Mommy," sabi ko sa kanila bago iwanan.

"Hindi pa ba bumabalik si Zander?" tanong ni Mom.

"Hindi pa po. Kailangan pa daw siya ni kuya doon," tugon ko.

"Marami nanaman siguro costumer ngayon."

"Xia, yung cellphone mo kanina pa natunog. Tumatawag kuya mo," sabi ni Dad habang hawak-hawak yung cellphone ko na iniwan ko sa sala kanina. Binigay niya ito sa akin saka umupo.

"Kuya, bakit?" tanong ko agad nung sagutin ko ito. Hindi naman kasi ito tatawag kung walang importanteng sasabihin.

"Xia, wag ka mabibigla. Si Zander--"

"Ano nangyari kay Zander?"

Napatayo ako bigla nung marinig ko yung pangalan ng asawa ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Yung pagkakasabi kasi ni kuya halatang hindi maganda yung sasabihin.

"Patay na siya. May bumaril sa kanya sa puso siya tinamaan," aniya dahilan para mabitawan ko yung cellphone ko kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"Ano nangyari?" lapit sa akin ni Mom.

"Si Zander po binaril. Kayo po muna bahala sa bata. Pupuntahan ko siya" sabi ko.

ARTIFICIAL VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon