CHAPTER 14

4K 134 0
                                    

CHAPTER 14

Xia's POV

"Nandyan na si sir!" sigaw ng isa sa mga kaklase namin.  Kasunod niyang pumasok si Sir Navaro.

Pagkakita ko sa kanya naalala ko muli ang nakita ko kahapon. Dahil doon hindi din ako nakatulog nang maayos. Sino mag-aakalang ang gwapong guro namin ay isa palang ng bampira? Siguro hindi ko alam na dati pa akong may nakakasamang bampira. Hindi ko lang ito alam.

"Pansinin niyo si Ynna. Kanina pa yan tulala. Ayos lang kaya siya?" sabi ng kaklase ko sa likod.

Lumingon ako kay Ynna. Kanina pa nga siya napapansin na nakatulala sa blackboard. Pati mga kaibigan niya hindi kinakausap. Para bang katawan lang niya ang nandito pero ang isip niya wala.

"XIA!"

"Oh?" sambit ko dahil sa gulat. Sinamaan ko ng tingin si Jason dahil nakapagsalita ako nang hindi oras. Bakit kasi bigla niya ako tinatawag?

"Tulala ka nanaman diyan. Nakaalis na si sir."

"Huh?"

Tumingin ako sa harap. Wala na nga si Mr. Navarro Hindi ko alam na tapos na pala ang klase. Wala man lang ako maalala sa tinuro niya. Masyado yata napalalim ang pag-iisip ko tungkol kay Ynna.

Napatayo ako bigla nang mapansin kong palabas si Ynna ng room.

"Xia, saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Jason pero hindi ko ito pinansin.

Nagmadali akong lumabas para sundan si Ynna. Pumasok siya sa cr at dumiretso sa pinakadulong cubicle. Tumayo ako sa tapat ng salamin habang pasimple siyang hinihintay lumabas.

"Xia, malapit na mag-umpisa ang klase. Wala ka bang balak pumasok?" tanong ni Bliss sabay pasok sa loob.

"Amoy dugo," sambit ni Claudine. Naglakad siya sa cubicle na pinasukan ni Ynna. Tumingin siya sa sahig kaya sinundan ko din ito ng tingin.

Nanlaki ang mata ko nang makita kong may dugo na umagos mula sa loob.

"Si Ynna!" sigaw ko. Tumakbo ako palapit kay Claudine para buksan yung pinto. Pero nakalock ito.

"Bliss, humingi ka ng tulong," utos ni Claudine saka ako pinaatras.

Bumalik si Bliss kasama sila Zander. Nilapitan nila ang pinto at saka ito sinungkit upang mabuksan. Pagbukas, bumungad sa amin ang duguang katawan ni Ynna. Hawak pa niya ang kutsilyo habang nakasaksak ito sa puso.

Napatakip ako ng ilong at bibig saka lumabas. Kahapon lang ayos siya. Bakit bigla na lang siya nagpakamatay?

"Ano nangyayari dito?" napatingin ako kay Mr. Navarro nang marinig ko ang boses niya. Kausap niya ang mga istudyante na nakikisilip sa labas ng cr.

"Sir, may nagpakamatay po sa loob," tugon ng isa sa kanila.

Pumasok si Sir Navarro  sa loob kaya bumalik ako ulit upang bantayan siya. Malakas ang kutob ko na may kinalaman siya sa pagpapakamatay ni Ynna.

ARTIFICIAL VAMPIRETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon