THIS STORY IS WORK OF FICTION!!!
PLAGIARISM IS CRIME!!!
MATAGAL MAG UPDATE!!!
Enjoy reading..........
Joshua's POV
" Uy! Joshua di ko gets yung position ng kamay kapag nagvovolleyball eh. Pano ba kasi?" Napakamot nalang si Jia sa kanyang batok habang sinasabi nya iyon. Natawa tuloy ako sa inasal nya.
" Oh! Bakit ka tumatawa nagtatanong lang ako ah " Sabi nya at parang nagagalit na sya [ Oh talagang galit na sya ] .
" Ang bilis mo naman mapikon bahala ka di kita tuturuan " pagbabanta ko sa kanya kaya bigla sya nataranta na ikinatawa ko.
" Hala anubayan pagtawanan ba naman ako." Sabi nya at nag cross arms pa siya kaya lalo akong natawa.
" Joke Lang di ka mabiro masyado mo sineseryoso Yung mga sinasabi ko " Sabi ko sa kanya at ngumiti ako sabay lapit sa kanya tapos ginulo ko Yung straight nyang buhok.
" Ano ba Joshua kakarebond ko lang nyan eh tapos guguluhin mo lang sayang Yung binayad ko Kung gaganyanin mo lang " Sabi ni Jia na naiinis ng konti.
" Alam mo Jia kahit magulo pa yang buhok mo magandang ka pa rin " Sabi ko at umakbay pa ako sa kanya at tinignan sya at ngumiti.
" Hoy! Joshua di ako bola ng volleyball para lang pagtripan mo " naiinis nyang sabi
At bigla nyang tinanggal Yung kamay Kong naka akbay sa kanya at nagwalk out sya na di ko inasahan kaya hinabol ko sya. Buti nalang nahatak ko yung kanang braso nya palapit sa akin." Uy! Jia Huwag kanang magalit " sincere Kong sambit. Nakayuko parin syang nakatayo sa harapan ko nakaramdam ako ng sakit kasi may galit sakin yung the one and only best friend ko na babae naguguilty tuloy ako.
" Jia........ Huwag kanang magalit please........" Sabi ko ulit anak ng may anak oh naluluha na ko anubayan nakakabakla tuloy. Nabigla ako ng tumingin sya sa akin at nakangiti ito at bigla nalang syang tumawa. Anak ng may anak so ang ibig sabihin pala nito ay............
" Joke Lang di ka rin mabiro hahahahahahahaha sorry Kung napaiyak kita ah naisipan lang kitang pagtripan hahahahahahahaha Kung nakita mo lang itsura mo kanina para Kang--- "
" TANGA. Kung lalaki ka lang nagulpi na kita kanina pa " naiinis kong Sabi. Halos maguilty ako sa mga pinagsasabi ko tapos magjojoke sya ng ganun at napaiyak pa nya ako ng di oras nakakabakla tuloy. Aalis na sana ako para magpalamig ng ulo ng biglang may yumakap sa akin mula sa likod ko.
" Uy! Sorry na.......... Di Ko kasi expect na magagalit ka ng ganon ikaw kasi eh nambobola ka na naman eh alam mo namang di ako hiyang sa mga pinagsasabi mo eh... Sorry ulit Joshua........" Sabi ni Jia habang nakayakap pa din sya sa akin likod.
" Alam mo Jia di talaga kita matitiis eh kasi best friend kita eh kaya pinapatawad na kita sa mga kalokohan mo huwag mo Yun uulitin ah understood." Sabi ko at humarap pa ako sa kanya at bumitiw na sya sa pagyakap sa kin. Tingnan ko sya ng seryoso.
" Yes! Sir! " Sabi nya at nagsalute pa ito kaya ginulo ko ulit Yung buhok nya at ngumiti na ko sa kanya ganun din naman sya .
" Anak ng --- Aray " tinig ito ng isang babae kaya napatingin ako sa gawi ng gate Kung saan pumapasok Ang mga estudyante .
" Sino kaya Yun??" Bulong ko na may halong pagtataka .
" Natural tao angalan namang hayop hahahahaha " Sabi nito at tawa ng tawa kaya pinitik ko Yung noo nya para matauhan.
" Aray!! Bakit mo ko pinitik ha " Sabi nito at nakapamewang pa sya kaya ngumisi ako.
" Para matauhan ka baka pagkamalang baliw ka dyan eh Wala na kasing bukas Yung tawa mo eh kaya Ayan na pala mo " Sabi ko at nakita ko na nag aalburoto na ito sa galit kaya bigla syang tumakbo patungo sakin kaya napatakbo ako palayo sa kanya napaka amazona pa naman itong si Jia malakas kasi yang manuntok eh hehehehe pero mas malakas parin ako at guwapo pa.
" Hoy! Tumigil ka sa pagtakbo kungdi matatamaan ka " sigaw nito sakin habang tumatakbo sya palapit sa kin at dahil guwapo ako napagod na ko kaya umupo muna ako sa bench na malapit rito sa basketball court.
" Oh ano pagod kana kaya heto sayo " Sabi nito sabay suntok nya sa dibdib ko pero agad kong nahawakan Yung kamao nya .
" Oy! Jia nakalimutan Kong sabihin na may hika pala ako buti nalang at nagpahinga ako kungdi nako pinaglalamayan na itong best friend mong ubod ng guwapo " nakangisi Kong Sabi pero medyo hiningal ako .
Inhale............
Exhale.............
" Wow ha ubod talaga noh ubod ng guwapo saang Banda ha!" Biglang Sabi nya kaya ngumiti ako ng napaka lawak sa kanya.
" Hindi ko na kailangan sabihin Kung saan kasi kusang nakikita Yan eh di na kailangan pang ituro " Sabi ko at ngumisi ako sa kanya .
" Wow ha Joshua wow napaka galing mo noh kaya halika na at turuan mo na ko Kung paano ba yung position sa kamay kapag nag vovolleyball kaya tayo na!" Sabi nito sakin at hinila nya ko patayo kaso tinatamad ako eh pero dahil mapilit itong si Jia ay napatayo ako ng di oras at pumunta ako kabilang side para mag serve Yung bola.
" Uy!!!!! Saglit lang ah. Pano ba yung position sa kamay ganto ba? " Tanong nya tinignan ko yung position ng kamay sya kaso Mali eh kaya binatawan ko muna Yung bola.
" Hindi ganyan ganito like this" Saad ko at pinosition ko Yung kamay ko kapag naglalaro ng volleyball.
" Ganto ba?" Tanong nya at tinignan ko Yung kamay hay nako Mali na naman.
" Jia Mali na naman. Ganto kasi di ganyan. " Sabi ko at inayos nya pero Mali na naman.
" Eh Pano ba haist anubayan " iritang Sabi nya kaya lumapit ako sa kanya at nasa likod nya ko at inayos ko Yung position ng kamay nya at lumingon sya sakin at tumingin naman ako sa kanya at ngumiti .
" Ayan ok na " Sabi ko sabay balik sa puwesto ko kanina at kinuha Yung bola.
" Ano Ready kana " tanong ko .
" Yeah I'm Ready " nakangiti nyang tugon kaya sinerve ko na Yung bola then tinira naman nya pabalik sakin at ganun lang ginawa ko. Nakakatuwa kasi nagets na nya Yung position sa kamay at mukhang determinado talaga sya sa paglalaro nito.
" Uy! Time out muna ah nagugutom na ko " Sabi nya .
" Sige mamaya nalang ulit at Kain tayo sa canteen para di kana magutom " Sabi ko at hinila ko na sya patungo sa Canteen para makakain na kami kasi gutom rin ako eh nakakapagod pala magturo pero masaya naman .
CheCheDelaCruz7
BINABASA MO ANG
The Man Who Can't Be Moved
Teen FictionNAGMAHAL,NASAKTAN,NAGMOVE ON Normal na linya iyan ng mga nasawing mga kabataan sa panahon ngayon. Pero di ko inakalang mapapasama ako doon. Hindi ko inakalang MAGMAMAHAL AKO ng ganon Hindi ko inakalang MASASAKTAN AKO ng ganon Hindi ko inakalang MAG...