Chapter Nine [ Away? ]

4 1 0
                                    


Joshua's POV

" SINAMPAL KA NUN!!! " sigaw na sabi ni Jia kaya napagtitinginan na tuloy sya ng mga tao sa canteen.

" Dapat pala di ko na ikunuwento " bulong ni Cherish pero sapat na upang marinig namin. Haist ikunuwento kasi ni Cherish yung tungkol dun kaya eto na ang nangyare.

" Buti nga ikunuwento mo kundi nako talaga tss.  Makakalagpas yung flirty bitch na yun tss. " sabi ni Jia sabay inom ng Chuckie nya. Haist nakakabuwiset talaga yung babaeng sumampal Kay Cherish tss.

" Matapang lang yung babae na yun.  Porket madaming kasamang lalaki Lakas ng loob manakit ng Iba. " sabi ni Arnel habang nakasimangot ito

" Mukhang Tama lang yung sinabi ni Arnel. Kumuha lang ng back up. Duwag naman kapag sya lang mag-isa" singhal ko habang niyukom ko ang kamao ko. Nakakabuwiset talaga ang babae na yun.

" Feeling nya porket may back up syang ganun di ko sya uurungan. Pwes Lagot sakin yung flirty bitch na yan. Kayang kaya kong bangasan pag mumukha nun tss. " singhal ni Jia habang nilulukot na Parang papel na nilukot yung softdrinks in can na wala nang laman ni Mhyro. Kinakabahan ako baka kung ano mangyare Mamaya.

***********

" So class, what is the process of  photosynthesis?" tanong ni Ma'am Loida habang ang Iba kong mga kaklase eh kunyareng nag iisip, pasimpleng silip sa notes, at mga nagtataas ng right hand nila.

" Miss Jaime " tawag ni ma'am sa kaklase namin.

" It absorbs--" Hindi na natuloy ni Jaime ang kanyang sasabihin ng biglang may kumatok.

" Oh! Wait " sabi ni ma'am bago bukasan ang pinto at lumabas na ngang tuluyan.

Kaya pasimpleng daldal ang mga kaklase namin. May tayo ng tayo, lipat ng lipat ng upuan para makipagdaldalan at yung ibang naghaharutan lang.

Gusto ko man na makipagdaldalan pero may kanya kanya silang ginagawa si Cherish busy sa pagbabasa ng libro nya at si Jia naman parang may kung anong isinusulat sa notebook nya. Parang madiin yung pagsusulat nya at grabeeee yung hawak nya sa pencil parang mababali.

Biglang nalang bumukas yung pinto kaya nagsitahimikan na yung mga kaklase kong parang nakawala sa Koral Kanina.

" Okay class, please read page 10 to 16 then answer page 18 to 20.  Mamaya babalik ako. " sabi ni ma'am kaya dali dali namin kinuha yung libro namin.

" Anubayan self study nakakatamad" sabi ng mga kaklase kong tamad mag Aral kung sabagay nga naman tama sila Nakakatamad talaga. First day eh Haist.

Kaya agad ko nang binuklat yung libro at binasa na yung mga kailangan basahin.

Tsaka sinagutan ko na yung pinapasagutan ni ma'am. Di naman sya ganun kahirap true or false lang naman ang isasagot eh. Kaso nga lang madami dami yung sasagutan.

Pagkatapos kong sagutan yun at agad ko nang isinara yung libro ko habang tinitignan yung mga kaklase kong nagsasagot,nagdadaldalan,nagtatayua–n habang kumokopya ng Sagot.

Maya maya nakita kong tumayo Si Jia. Kinabahan tuloy ako naalala ko yung huli nyang sinabi nung nasa canteen pa kami.

Feeling nya porket may back up syang ganun di ko sya uurungan. Pwes Lagot sakin yung flirty bitch na yun. Kayang kaya kong bangasan pagmumukha nun tss.

Pinagpapawisan na ko ng konti dahil sa kaba kaya kinuha ko muna yung panyo ko sa bulsa ko. At ginamit ko ito para punasan yung noo ko na pinagpapawisan.

Nakatayo na Si Jia sa harapan ni flirty bitch.Kaya lalo akong kinakabahan. Trouble na naman ba ito??

Jia's POV

The Man Who Can't Be MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon