Chapter Eight [ Bonding Moment ]

7 0 0
                                    


Jia's POV

Nakakagutom ang haba kasi ng pila eh. Kung di Lang mahaba yung panigurado kumakain na kami.

Bigla ko tuloy naalala yung kanina...

" Parang mga baliw tayo noh " sabi ni Joshua kaya napangiti nalang kami .

" Kay Jia ka mo" natatawang sabi ni Cherish ibang klase talaga tong si Cherish kaya kinanchaw pa tuloy kami ni Joshua. Pati mga kaibigan namin inasar din kami. Grabe Napaka supportive nila sa kaabnuan ni Cherish.

" Ayieee... " sabi nila gigil nila ako eh pasalamat sila at pagkain lang nasa isip ko ngayon kundi nako baka masapak ko sila isa isa eh.

Nagulat ako ng biglang hinawakan ni Wyne yung braso ko.

" Wyne..." sabi ko angalan namang sabihin ko na Oy! Anong gagawin mo natural hinawakan nya ko tangoks nga naman. Ilang Saglit lang ng biglang tumingin Si Wyne kay Joshua kaya napatingin ako sa kanilang dalawa . Ang sama ng tingin nila sa isa't isa. Hala ano bang nangyayare???

" Let's eat " biglang sabi ni Wyne sabay hila sakin patungo sa labas. Pero bago kami makalabas ay may narinig akong napatid o natisod tapos biglang may nagtawanan. Napatingin tuloy ako sa paa namin. Baka kasi natisod ako ng di ko nalalaman eh. Pero imposible naman ata yun. Kasi kung sakali lang na napatid ako madadamay si Wyne kasi hawak nya yung braso ko diba. Bahala na nga..

Di ko namalayan na nakalayo na pala kami sa classroom namin. Kasalukuyan kaming naglalakad naglalakad ng biglang akong narinig.

" Oy Joshua wag mo kaming iwan " sabi ni Arnel bakit naman iiwanan ni Joshua si Arnel parang Bata naman tong si Arnel.

" Ganyan talaga kapag nagmamahal ginagawa lahat " rinig Kong sabi ni Leslee hala Anong nangyare sa isang to pumapag-ibig na kaya sya. At sino naman yung tinutukoy nya sa sinasabi nya ?? Bahala na nga.

" Go Wyne kaya mo yan " rinig kong sabi ni Cherish seryoso ba sya at bakit naman nya chinecheer si Wyne. Baka... Baka sa Ano ako ipupunta ni Wyne. Ayyy Jia bat kaba nagiging green minded. Hayss erase erase.

Biglang tumingin namang bigla itong si Wyne sa likod. Panigurado dahil yun sa sinabi ni Cherish. Sabihan ba naman sya ng Go Wyne kaya mo yan. Ano ba kasi yung dapat nyang kayanin. Arrrgghh... Nagegreen minded nako sa pinagsasabi ni Cherish. Nako Mamaya matataman ka sakin. Kaya napalingon ako sa likod at medyo bumagal ng konti yung paglalakad namin. Bigla kong nakita si Joshua nakatingin sya kay Wyne. Tapos nabaling yung tingin nya sakin.

May sasabihin yata sya kaso.....

Hinila ako bigla ni Wyne kaya nabaling yung tingin ko sa braso namin. Dapat ko yata na tanggalin yung pagkakawahak nya sa braso ko kaso.........

Nakakatamad....

Bigla akong natauhan ng biglang nagsalita si Wyne kaya napalingon ako sa likod. Kasi nga nandun sya.

" Oh? " sabi ko nung nakalingon nako sa kanya sabay taas ng kilay. Kaya natawa sya ng konti sa aking inasal.

" Parang kang Bata ah. Naalala ko tuloy yung aksidente kitang nabangga habang nagtatakbo ako sa hallway ng isang kompanya ng ka-business ng parents ko nun. Tinulungan na nga kita kaso tinarayan mo pa ako. Grabe di kana nagbago " sabi nito habang nakangisi kaya tinampal ko yung kaliwang pisngi nya .

" Ouch!" sabi nya kaya natawa ako at tinignan nya ko tapos ngumuso pa sya.

" Tinampal ko lang pisngi mo tapos nasaktan kana kaagad. Yung iba nga nasaktan kasi nagmahal tapos iniwan ikaw tinampal lang pisngi mo ouch ka agad. Grabe naman. " sabi ko at may bigla akong naisip kaya natawa tuloy ako.

The Man Who Can't Be MovedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon