Joshua's POVNaiirita talaga ako Kay Unggok. Di ko mawari kung bakit pero parang alam ko na. Paano ba naman kasi dinadaldal nya Si Jia. Na bubuwiset ako hmp... Kaya pasimple kong kinalabit si Cherish at tumingin naman sa akin ito.
" May sasabihin ako sayo " bulong ko rito habang napatingin ako sa dalawa na nag uusap ng pabulong.
" Ano yun bakit " bulong nito sabay tingin sa tinitignan ko kaya umiwas nako ng tingin baka ano isipin eh.
" Umubo ka " bulong ko habang nakatingin sa board kasi may sinusulat kami.
" Ha?? Bakit naman ako --" hindi na nya natuloy ang sinasabi nya ng biglang sumulpot sa harapan nya si Ma'am na hindi pa nag iintroduce sa amin. Kasi pinasulat nya agad yung schedule namin for this week.
" Ms. Llave may kinakausap kaba?? "tanong ni ma'am kaya pinagtitinginan na sya ng mga kaklase namin.
Magsasalita sana ako kasi Kasalanan ko naman diba Kaso nga lang biglang umubo ito. Kaya nag alala ako. Kaya tinap ko yung shoulder nya.
" Cherish okay ka lang ba?? "sabay na tanong naming ni Jia at hinagod naman ni Jia yung likod ni Cherish para mahimasmasan.
" Cherish may masakit ba sayo at parang namumulta ka ah " tanong ni ma'am na nag alala din.
Biglang tumigil ito sa pag ubo at tumango ito kaya lalo akong nag alala pati narin si Jia nag alala din.
" Mr. Dee paki samahan mo nalang Si Cherish sa clinic para maging OK pakiramdam nya " awtoridad na sabi ni ma'am kaya inalalayan kong tumayo Si Cherish.
" Hoy!!! Joshua Dee ingatan mo yang si Cherish kungdi nako matatamaan ka sakin " sigaw ni Jia sa akin grabe naman to makasigaw may teacher di nahiya.
" Joshua alalayan mo yan kungdi nako aabangan kita sa gate mamaya " sigaw din ni Leslee sa akin. Grabe silang dalawa parang may hawak akong ginto grabe kung mag banta.
" Eh kung kayo kaya mag alalay dito payag kayo?? " tanong ko sa dalawang to at pagkatingin ko sa direksyon nila. Nakatayo na sila wow talaga as in wow gusto talaga nila eh.
" Sige payag ka---" Hindi na nila na tuloy yung sasabihin nila ng sumabat Si ma'am.
" Heppp!!! Tama na. Diba ang sabi ko si MR. DEE PAKI SAMAHAN NAMAN SI CHERISH PATUNGO SA CLINIC PARA MAGING OK PAKIRAMDAM NYA DIBA. WALA AKONG SINABING MS. HALILI AND SAYSON DIBA. SO SEAT DOWN TO YOUR PROPER SEAT MS. HALILI AND MS. SAYSON. " sabi ni ma'am habang dinidiinan ang nakacapslock na words dyan. Kaya umupo nalang yung dalawa habang tinignan sila ng mga kaklase namin.
" Mr. Dee and Ms. Cherish " tawag nito sa amin.
" Yes ma'am " sabay na sabi namin.
Habang nakatingin ako kay ma'am." Pumunta na Kayong dalawa sa clinic at Mr. Dee alalayan mo sya understood " awtoridad na sabi nito. Kaya napatango nalang ako.
At naglakad na kami ni Cherish habang panay ubo ito kaya hinahagod ko ang likod nito nito upang maginhawaan. At inalalayan ko sya baka madapa pagtawanan ko pa sya hahaha.
" Joshua ........." sabi nito sabay tingin nya sakin.
" Bakit?? " Tanong ko rito habang nakatingin ako sa kanya.
" Ginawa ko na " nakangising sabi nito. Kaya ako ay naguluhan.
" Ano ba ginawa mo?? "tanong ko rito kaya sya naman natawa ng kaunti. Hala sya nabaliw na. Tumigil ito sa pag tawa at napatingin sya sa akin.
" Diba sabi mo umubo ako so ginawa ko na. So Ano na next sa kalokohan na ito " sabi nito kaya naalala ko na.
" Loko ka!!! " sabi ko sabay batok sa kanya ng kaunti.
BINABASA MO ANG
The Man Who Can't Be Moved
Novela JuvenilNAGMAHAL,NASAKTAN,NAGMOVE ON Normal na linya iyan ng mga nasawing mga kabataan sa panahon ngayon. Pero di ko inakalang mapapasama ako doon. Hindi ko inakalang MAGMAMAHAL AKO ng ganon Hindi ko inakalang MASASAKTAN AKO ng ganon Hindi ko inakalang MAG...