Chapter 3

24 4 0
                                    

Chapter 3

 It’s already a month since the start of class but Ryan hasn’t looked my way. Isang buwan! Sinubukan kong kausapin siya pero hindi ko alam paano siya i-approach lalo na ngayong obvious na iniiwasan niya ako. Palagi akong nagnanakaw ng tingin sa kanya or stare at him when he recites which was very often kasi matalino pala ito pero he never looks at me! Feeling ko invisible ako. Alam mo yung feeling? I feel so lonely. Para lang tanga! Hindi ko alam kung bakit gustung-gusto ko makuha talaga ang atensyon niya. I mean, we were never close pero I somewhat wants us to be friends. What really surprised me was that Eric choked his sorry for me sa harap ng buong klase two days after our incident. Imagine that?! That was totally unexpected. Pagkatapos nun, he never bothered me anymore. Which is very unusual para kay Eric. Feeling ko, gaganti lang ito pag nagkataon. Tsumityempo lang kumbaga. Bwisit na tsonggong yun!

I have three more girl friends now. Kumportable na akong pumunta sa canteen. Sa kasamaang palad, kailangan ko pa rin ng kasama pag pupunta sa CR.

Suot na namin ang school uniform namin and I feel more like a freak than I already was. Sobrang naiinggit ako sa mga lalake na slacks ang suot. Parang ang free na free nila gumalaw samantalang ako, pakeme-keme epek dahil baka masilipan. I hate skirts.

I still feel conscious when people stare at me but they are friendlier now simula noong humingi ng tawad ni Eric. Pero naririnig ko pa rin silang nagbubulungan patungkol sa aking pagsipa kay Ryan. I would feel my face heat up and I would stay out of their way.

Ryan… hahay. Nadiskubre kong maliban sa matalino ito, sikat din ito. Palakaibigan, palangiti at sobrang approachable sa lahat, maliban sa akin. Kung status ang pag-uusapan, nasa tuktok siya habang ako, nasa pinakailaliman.  Nagpaplano na nga rin itong sumali sa student council bilang senator. Ano na lang ako? Mas lalo niya na akong hindi mapapansin pag nagkataong manalo nga siya. Hindi naman sa hinihiling kong hindi siya manalo. Pakiramdam ko lang, talagang hindi ko na siya maabot. Ang corny ko. Para nagka-crush lang.

I was totally hopeless in finding a solution on how to talk to Ryan when the opportunity came knocking. Sadly, it is not the best way to say sorry and thank you.

“…because those who oppose to mining are ignorant. They don’t know a thing about the safety procedures and environmental preservation methods engineers do yet they raise their placards to rally against mining…” Dahan-dahang umangat ang ulo ng teacher namin sa binabasa niyang sagot ng isa naming kaklase “Class, who among you thinks this, is an incorrect answer?” Tanong niya.

Itinaas ko ang kamay ko totally expecting everyone else would raise theirs too. I mean, duh? Dapat nga illegal na talaga sa bansa natin ang mining. Well para sa akin anyway. Unfortunately, it’s just me who’s going to defend my side. The class gave me reluctant pitiful stares and other girls gave me glares. Kahit nga si Mae, nanlalaki ang mata sa akin na umiling-iling at sinesenyasan akong ibaba ang kamay ko. Ibababa ko na sana ang aking kamay nang tinawag ako ng teacher ko.

“Well? Do you have another idea?” Tanong niya.

Super confident ako kanina sa sagot ko. Ngayon, my confidence dropped really low dahil sa kakaibang reaksyon ng class. I hate the attention but I was more disturbed on their reaction. Ayokong bansagan na a teacher’s pet. Nakita ko ang ngiting aso ni Eric paglingon ko and I suddenly thought what trouble have I put myself into now? Sumagot lang naman ako ng tanong ng teacher ko ah...

“Well, ahmm…” I said lamely.

Tumaas ang sobrang kapal na kilay ng teacher ko habang tiningnan ako na para bang ang bobo- bobo ko and it made me decide to do whatever I think was right. Pinakaayaw ko yang ini-intimidate ako.

The Ryan ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon