Chapter 4

7 0 0
                                    

"Alam ko namang siya talaga ang mahal mo Kaye eh kaya kahit masakit, I am ready to set you free"-Caleb

"Even if we didn't got our forever in each other's arms Caleb, I am always here for you"-Kaye

Kaye POV
Ansakit ng ulo ko! Nabasa kasi kami sa ulan kahapon ni Caleb eh! Gabi na kami nakauwi! Siya nga pala, it's been 2 weeks na pala simula nang maging kami ni Caleb, bilis no?^_^ At 2 weeks na rin akong hindi pinapansin ni Zack؛(
Alam niyo 'yung mahirap? 'Yun 'yun eh. Feeling na nasanay ka na lagi ka niyang kinukulit tapos dahil lang sa isang pangyayari, nagbago ang lahat.
Biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Pasok"
"Kaye, hindi ka ba papasok? Tanghali na. Kanina pa naghihintay si Caleb sa labas. Aalis na din kami"
"Ansakit po ng ulo ko eh", sabi ko.
Hinawakan ni mama 'yung noo ko.
"Mainit nga, sige. Sasabihin ko na lang kay Caleb na hindi ka makakapasok. Kaso pa'no 'yan? Wala kang kasama dito?", tanong niya sa pag-aalala tone.
"Ok lang po ako ma. Kaya ko naman po dito", sagot ko.
"Ah sige. May gamot naman tayo diyan eh, pagaling ka ha?"
Tumango lang ako at umalis na siya.
Lumipas ang ilang minuto, matutulog na lang sana ulit ako kaso nang may biglang nagbukas ng pinto ko.
Napatingin ako sa kanya.
"Caleb? Bakit ka nandito? Akala ko ba umalis ka na? Hindi ka ba papasok?", tanong ko.
"Syempre, hahayaan ko ba namang mag-isa ka dito tapos may sakit ka? Boyfriend mo 'ko kaya responsibilidad kong alagaan ka"
"Ahhh", sabi ko na lang.
"Ito, pinagluto kita, hindi ka pa nakain eh"
"Ang sweet mo talaga, baka may gayuma 'yan ha?", pang-aasar ko.
"Kahit naman hindi ko lagyan ng gayuma 'to, alam ko namang inlove ka pa rin sa'kin"
Natahimik ako. Ewan ko ba 'kung bakit. Kung bakit biglang pumasok sa isip ko si Zack. Sinabi sa'kin ni bes na si Zack daw talaga 'yung mahal ko at kaya ko lang nasasabing si Caleb ang gusto ko ay dahil 'yun ang naitatak ko sa isip ko. Ayokong isipin 'yun, dahil masasaktan ko si Caleb. I don't want anyone to get hurt because of me.
"Caleb...", pagtawag ko sa kanya.
"Hmm?"
"What if, hindi pala tayo ang dapat para sa isa't isa?", tanong ko.
Napatingin siya sa'kin at bumuntong hininga.
Hinawakan niya 'yung kamay ko.
"Kaye, I know, I'm not a perfect man for you. Nagpakatanga ako kasi akala ko, mamahalin mo rin ako. Alam ko naman dati pa na gusto mo 'ko kaya nagkalakas ako ng loob na ligawan ka pero mali pala ako, hanggang d'un na lang pala talaga 'yun." Napatigil siya ng konti.
"Alam ko namang siya talaga ang mahal mo Kaye eh kaya kahit masakit, I am ready to set you free"

Tumingin ako diretso sa mata niya at sinabing,
"Even if we didn't got our forever in each other's arms Caleb, I am always here for you"

-------------------------------------------------------------
A/N: Pareho kami ni Kaye na masakit ang ulo. Hahaha!

MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon