Special chapter 1

4 0 0
                                    

"You're the most beautiful gift from him that I have, Kaye"- Zack

Kaye POV
It's been a month since naamin ko na kay Zack na mahal ko siya. Pagkatapos nu'n, tinanong niya 'ko kung pwede daw ba siyang manligaw ulit. Syempre, oo ang sagot ko. Tatanggi pa ba 'ko? Hahaha. And now, we're here in mall. Bibili lang kami ng new year's gifts namin. Malapit na ang new year. Yey! Parang dati lang, nangangaroling pa 'ko. Hahaha!
"Kaye, pupunta lang ako sa Comfort Room. Ayos ka lang ba diyan?", tanong niya sa'kin.
"Oo, sige punta ka na. Baka abutin ka pa diyan eh. Hahaha!", pang-aasar ko.
"Humanda ka sa'kin mamaya, maghahame-hame wave ako"
"Hmf. Alis na! Daliii!", pagtataboy ko sa kanya.
Pagkaalis niya, pumunta ako sa shop para sa mga damit panlalaki, syempre, dapat may regalo ako para sa kanya 'no! Hihihi. Mahal ko 'yun eh. Holo? Landeee! Hahaha!
May isang damit na naka-attract sa'kin. Angganda niya kasi! Black t-shirt siya na ang nakasulat ay, "I love you Z"
Tamang tama 'diba? Agad agad ko itong binili at pagdating ko dun sa pinagkitaan namin kanina, buti na lang wala pa siya. Nag-act ako ng normal para hindi halatang umalis ako. Hahaha!
Lumipas ang ilang minuto, dumating na rin siya.
"Oh bakit ngayon ka lang?", tanong ko.
"Wala, ang haba kasi ng pila", sagot niya.
"Sus, binili mo lang ako ng gift eh, aminin mo! Hahaha!", pangangantyaw ko.
"Hindi, baka ikaw! Yiiie. Nakita kitang umalis kanina eh", pambawi niya.
"Che! Assuming! Baka nga! Uwi na tayoo", pag-anyaya ko sa kaniya.
Pumayag naman siya at pumunta na sa kotse niya, yes, he has his own car pero syempre bawal pa siya magdrive kaya may driver. Haha!
"Future misis ko, sa new year ha? Pupunta ako sa inyo", sabi niya.
"Sure, future mister ko", sabi ko naman. Hahaha! Wala lang, lakas ng trip ko 'no?
"Yiiiie, gumaganyan ka na ha! 'Wag nga! Kinikilig ako eh", sabi niya na parang kinikilig pa nga.
"Ayts, ambakla mo! Hahaha"
"Sir, andito na po tayo"-driver.
Bumaba na si Zack para pagbuksan ako ng pinto. Nung nasa may tapat na kami ng pinto namin, hinalikan niya ko sa noo.
"Sa new year baby ko ha?", bulong niya sa'kin.
I can see how much he loves me. Mahal ko rin naman siya eh, the way that he do.

New Year's eve
As what Zack said, pupunta siya dito sa bahay. Actually, whole family nila ang nandito. Kasi nga 'diba? Magkaibigan 'yung parents namin kaya kami naging childhood friends. It's already 11:58 pm. Malapit na! In 2 minutes na lang!
"Baby ko! Malapit na ang new year! I'm so happy! Sana ikaw din!", sabi sa'kin ni Zack.
Nandito na kaming lahat sa harap sa may pagkain at magfafire works display din kasi dito mamaya.
"Syempre naman! I'm so happy!", sagot ko.
Nagulat ako nung bigla siya abutan ni papa ng flowers at mas lalo akong nagulat nung lumuhod siya sa harap ko. Parang magppropose ganun? Shems!
"Kaye, baby ko, future misis ko, pwede ka na bang maging akin?", tanong niya sa'kin.
Ang sweet^_^
Syempre tatanggi ba naman ako?
"Oo naman, Zack, baby ko, future mister ko", sagot ko.
Pagkatapos kong sumagot, binigay niya sa 'kin 'yung flowers at tumayo. Grabeee! Naiiyak akooo!
Niyakap niya 'ko.
"I love you, baby", sabi niya.
"I love you too baby", pagsagot ko naman.
"5
.
.
.
.
4
.
.
.
.
3
.
.
.
.
.
2
.
.
.
.
.
.
1"
"HAPPY NEW YEAR!", sigaw ng lahat.
"Happy new year baby, You're the most beautiful gift from him that I have, Kaye"

-------------------------------------------------------------
A/N: Walang forever kay author! Hahaha! ^_^

MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon