Chapter 5

6 0 0
                                    

"Ayoko sa lahat, 'yung nasasaktan ka Kaye"- Zack

"Talaga? Ayaw mong nasasaktan ako? Ayaw mong nasasaktan ako kahit na ikaw ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon?"- Kaye

Kaye POV
Another morning! Magaling na 'ko, pagkatapos namin mag-usap ni Caleb tungkol du'n, hindi naman din agad siya umalis, sinabi niya na he cares for me pa rin daw. Tsaka medyo naalisan ako ng tinik. Nakokonsensya na kasi talaga ako eh. Kaso lang, sad pa rin ako. Oo nga at wala na kami ni Caleb pero is there any chance for Zack and I? I think none. Sa nakikita ko, lagi niya nang kasama ngayon si Jecca. Ewan ko lang kung anong meron sa kanila.

Recess

Papunta na 'ko sa canteen ngayon, si bes? Ewan ko. Bigla na lang nawala, kasabay niya atang lumabas si Caleb eh. Alam ko namang gusto niya si Caleb, kunwari lang, kinikilig siya sa'min para hindi ko mahalata. Nako! HALATANG HALATA KAYA. Well, I don't call her plastic o kung ano pa man kasi hindi siya ganun kung wala na talaga, tatanggapin niya, hindi 'yung kagaya ng iba na gagawin lahat ng bagay masira ka lang.
Pagdating ko sa canteen, hindi nga ako nagkamali, magkasama nga sila. Napangiti ako, sana maging masaya sila.
At may pahawak hawak pa si Caleb sa pisngi ni bes! Sarap sigawan na "WALANG FOREVER". Hahaha! Pero syempre, hindi ko sinabi 'yun, nakakahiya kaya, ang daming tao.
Pero nag-iba 'yung expression ng mukha ko nang makita ko na naman sila Zack at Jecca na magkasama. At alam niyo ba? Holding hands pa. Hindi ko alam pero sa time na 'to, hindi ko napigilan 'yung luha ko na bumagsak, tumingin na lang ako kila Caleb pero ewan naiiyak talaga ako.
Nagulat na lang ako nang biglang may humigit sa'kin at dinala ako sa malayo.
"Ayos ka lang ba? Niloloko ka ng gago na 'yun? Bakit hindi mo nilapitan kanina!?", sigaw sa'kin ni Zack.
Tumingin lang ako sa kanya. Ngayon ko lang ulit narinig 'yung boses niya.
"Ano? Ayoko sa lahat, 'yung nasasaktan ka Kaye"
Hindi ko na napigilang sigawan din siya.
"Talaga? Ayaw mong nasasaktan ako? Ayaw mong nasasaktan ako kahit na ikaw ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon?"

-------------------------------------------------------------
A/N: Ansakit ni heart! Nyetsi!>_<

MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon