Chapter 3

7 0 0
                                    

"It just hurts a lot because everything has changed"- Kaye

Kaye POV
Monday morning
Hays. Nakakatamad pumasok lalo na dahil sa nangyari kahapon. Ano na kayang mangyayari ngayon? I really don't know and nobody knows.
Tinignan ko 'yung cellphone ko at nakita kong may text si Caleb.
----
From Caleb:
Babe, sunduin kita ha? I love you:*
----
Yes, sinagot ko na kahapon si Caleb after what happened yesterday.
Parang dati lang, hays wala.
'Diba dapat masaya ako? Kasi kami na ni Caleb? Siya naman talaga ang gusto ko 'diba? Pero bakit parang ang gulo?
"Kaye, bumangon ka na diyan. Tanghali na", sigaw ni ate.
"Sige", sigaw ko rin.
Bumaba na 'ko at nakita ko agad si Caleb.
"Ang aga mo ah?", tanong ko.
"Syempre miss na agad kita eh", sagot niya.
Nginitian ko lang siya at pumunta na sa kusina. Sinundan naman niya 'ko.
"Kumain ka na ba?", tanong ko.
"Oo naman"
"Ah sige"
Bakit ganun? Hays.
Dinalian ko na ang pagkain dahil nakakahiya naman kay Caleb, naghihintay siya.
Pagkatapos ko kumain, niyaya ko na si Caleb na umalis. Since walking distance lang naman 'yung bahay namin sa school, naglakad na lang kami.
"Babe, sabay tayong maglunch mamaya ha?", sabi niya.
"May choice pa ba 'ko babe?", tanong ko.
"Wala! Akin ka na eh"
"Suus, pinilit mo lang ako eh", panloloko 'ko.
"Eh! Ako nga 'yung pinilit mo na itanong sa'yo kung pwede kitang maging girlfriend eh"
"Hahaha. Hoy! Kapal mo! Hindi kaya!", depensa ko.
Ayun, nagkulitan lang kami hanggang sa makarating na kami sa school.
Pagdating namin du'n, una agad namin na nakita ay si Zack, nanghihinayang ako. Nanghihinayang ako sa friend ship na nasira dahil sa 'kin. Kasalanan ko 'to eh.
Umalis lang agad si Zack at hindi kami pinansin, parang dati lang, siya 'yung unang unang mangugulit sa'kin. Pero ngayon, hindi na. Nakakamiss na.
"Ayos ka lang ba?", tanong sa'kin ni Caleb.
Nginitian ko siya.
"Oo naman"
"Bes!", pagtawag sa'kin ni Trisha.
"Oh bes?"
"May sasabihin ako sa'yo, hiramin ko muna si bes ah?", sabi niya kay Caleb.
Tumango naman si Caleb at hinigit agad ako ni Trisha.
"Oh? Ano ba 'yon bes?", tanong ko.
"Bes! Anyare na? Anong feeling? Masaya ka na ba? Shocks! Kayo na ni Caleb?"
"Isa isa lang bes! Mahina ang kalaban! And well, yeah. Kami na ni Caleb", sagot ko sa napakaraming tanong niya.
"Yiiiie. Oh? Eh pa'no na si Zack?", tanong din niya.
Hindi agad ako nakasagot, ano nga ba? Kasi the way that he treat me, it looks like that he's mad at me.
"Ano na bes! Tagal naman!"
"Excited ka bes eh! Ano ba!"
"Ehhh! Nasasaktan ka 'no! Ano ka! Nakita ko kanina! Hindi niya kayo pinansin, at ikaw! Hindi ka niya pinansin! Totoo ba 'yun! Huehue!"
"Ang hype mo bes!"
Grabe na sa hype 'tong bestfriend kong 'to. Hindi nakainom ng gamot. Hahaha!
"Pero hindi seryoso bes, ano na?"
Napatigil ako at sinagot na rin siya ng seryoso.
"It just hurts a lot because everything has changed"
-------------------------------------------------------------
A/N: Awtsuuu! Hansakit ng ulo ko kaya ganyan!>_<

MistakesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon