Fumi VI: Vine Lady, Explosion, and Halo-Halo

118 5 0
                                    

Fumi VI is here!!!!!! Sorry now lang nakapag UD, hindi pa kasi namin alam kung anong susunod na mangyayari eh. And, we're still busy on listing magics para sa story. Si Persia na ang pinaasikaso ko doon, sya na rin bahala sa mga description nila xDDD!!! Hahaha, so here's Fumi VI, hope you enjoy :DDD!!!

-Kenneth-

------------------------------------------------------------------ 

[Zia's POV]

Friday na pala ngayon. 2 days na lang at Monday na. Sa Monday na kasi yung first day of school eh. Tsaka kung tinatanong nyo ako kung ano ng nangyari doon sa room mate or dorm mate ko, hindi ko alam -.-! Palagi kasi syang wala sa room eh. Pag gising ko, wala na sya sa kwarto nya at wala na rin sya sa room. Gabi na sya umuuwi tapos pag tatanungin ko kung saan sya galing, nagagalit. Tss. Kapareho sila ng ugali ni Lalaine, nakakabwesit -.-

Ano bang gagawin ko ngayon? Ang boring naman kasi kapag magkukulong ako dito sa kwarto. Yung cellphone ko naman, kinuha nina mommy, bawal daw yun dito eh. Ewan ko ba kung bakit. Bawal daw kami makipag-usap sa mga Mere HumansYun ang tawag nila sa mga taong walang magic.

Ugh! I miss my best friends na talaga. Kamusta na kaya sila? Ewan ko ba pero namiss ko rin si Daisy. Namiss ko yung naiinis nyang mukha sa tuwing nananalo ako sa arguements namin. Gusto ko ng bumalik sa AA!!! Aish, makalabas na nga lang sa building nato at maglibot-libot.

******

Andito ako ngayon sa garden ng MA, nagpapahangin. Ang ganda kasi dito sa MA eh, napaka fresh ng air nila. Samantalang sa outside world, napaka polluted ng hangin doon.

*BOGSH!*

"ARAAAAYYYY!!!!" Hindi ko talaga mapigilang hindi mapasigaw. Kasi habang nagpapahinga ako dito may tumama saking bola ng volleyball -.-

"Oh my gosh, I'm so sorry"

Napatingin naman ako sa babaeng lumapit sakin.

"Tss. Sa susunod kasi mag-ingat kayo. Yan tuloy, nakakasakit kayo ng tao -.-!" sabi ko sa kanya

"Eh bakit ka kasi nakahiga dyan?" mataray nyang sabi sakin

Aba't napaka maldita ng babaeng to ah! Suntukin ko sya dyan eh!

"Eh sa gusto ko eh! Tsaka kailan pa naging volleyball court ang garden aber?" sabi ko sa kanya. Hindi naman sya makasagot sa tanong ko. Totoo naman kasi ang sinasabi ko eh-.-!

So instead of answering, bigla nya akong sinugod at sinabunutan ang buhok ko!!!! Sigawan lang nya ako, okay lang sakin wag lang nyang mahawak-hawakan ang buhok ko kasi magkakaroon talaga ng WWIII!

"ANO BANG PAKIALAM MO KAPAG DITO KAMI NAGLALARO HA?!"

"EH SA GARDEN NGA TO EH! HINDI VOLLEYBALL COURT! GANYAN KA BA TALAGA KA STUPID?!"

This time, sinuntok nya ako sa tyan dahilan para matumba ako. Sumusobra natong impaktang to ha! Naalala ko tuloy si Daisy sa kanya. Pero maarte si Daisy eh, hindi nya kayang manuntok, sampal lang ang kaya nya -.-

"KEBAGO-BAGO MONG STUDYANTE DITO GANYAN KA NA MAKAASTA!"

"EH KASALANAN KO BANG BOBO KA? Siguro napatalsik ka sa school nyo dahil dyan sa kabobohan mo!"

"SUMUSOBRA KA NA HA!"

Sinugod nya ako at aakmang suntukin ako pero naunahan ko sya. Sinuntok ko sya sa palaka nyang pagmumukha. And as unexpected, ang layo ng lipad nya ha! Mga 5 meters away lang naman. Mas layo pala ng lipad yung kay Daisy eh.

Mahōtsukai AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon