16✓ PREPARATION

2.5K 100 0
                                    


Riyana's POV

"10:30pm"

Halos manginig ang buong kalamnan ko habang papalapit ng papalapit ang oras na pinag-usapan namin.

TT___TT

Hanggang ngayon din ay wala pa sila Lian.

Dalawang oras nalang ang natitira, kaylangan kong pumunta at hindi na ako pwedeng umatras pa.

Kapag hindi ako pumunta ay guguluhin at guguluhin lang din nila ako.

"Ayos ka lang?" Si Amelia.

Tumango lang ako at sinuksok ang mga kamay ko sa Jacket na soot ko upang hindi nya mapansin na kanina pa ito nanginginig.

"Asan naba kasi sila" halos walang tunog na sabi ko. Lumipas pa ang Isang oras at nasa ganun parin akong sitwasyon.

"Nako! Bwisit na lalaki yan san naman kaya sila nagpunta?" Nanggigigil na sabi ni Sarah.

"Sino ba?" Si Amelia

"Aishhh. Sino pa ba edi yung bwisit na Emil na yun.!!"

"Psh. Wala din sila Don at Lian dito bat kay Emil ka lang nagagalit?" Nakangising ani Ame at natigilan naman si Sarah.

"Tsaaah! You're too obvious Sarah" maarteng sabi pa nya.

"A-ano ba m-manahimik ka nga"

"Matulog nalang kayo ako nalang ang maghihintay sa kanila" sabat ko.

Tumingin naman agad sila sakin.

"What?" Si Ame

"No" si Sarah.

"Anak ng tokwa naman, ako na bahala sa mga lablyf nyo" asar na sabi ko. Hindi manlang kasi nagpaalam sa mga syota nila.

"A-anong----hoy sinong syota?" Si Sarah.

"Tsh. May sinabe ba akong syota? Wag kang ngang maingay baka magising yung mga demonyo patayin pa tayo"

"Psh. Para kang sira Riyana hmft!.... Matutulog na ako, pakisabi kay Don kapag dumating wag syang magpapakita sakin dahil talagang hahambalusin ko sya ng tubo!"

"Aish!!! Sabihin mo rin yan kay Emil punyeta. Hindi pa man kami pero nambababae na" si Sarah.

Pfffft. Kaya ayaw ko ng may kalove team e. Bwhahaha.

"Pffft. Haha. Sige ako nalang maghihintay sa kanila at sasabihin kong gusto nyo ng magpa trahe de boda."

O_O

Agad silang napahinto at pinagbabato nila ako ng unan.

"Aray--ano ba tama na"

"Hyst. Ewan ko sayo matutulog na kami"

"Night!!" Habol ko pa bago nila masara ang pintuan at doon ako nakahinga ng maluwag.

Nagsimula na namang manginig ang mga kamay ko.

11:30 na at 30minutes nalang ang natitira.

Agad akong tumayo at kinuha ang kakaylanganin ko

-Flightlight

-Bag

-Jacket

Kinuha ko rin yung binigay noon ni Lian na patalim sakin.

Huminga muna ako ng malalim bago ko tahakin ang pinto.

"Wala ng atrasan 'to"

Napatingin pa ako sa parihabang salamin at tinignan ang kabuoan ko. Sobrang kapal ng Jaket na soot ko sigurado kasi akong malamig sa labas.

Pinihit ko ang pintuan upang bumuaks ito. Huminga muna ako ng malalim bago ako tuluyang lumabas ng kwarto. Eto na, hindi ko alam kung makakabalik pa ako ng buhay o hindi na.

Pagkasara ko pinto ay may biglang mga kamay ang tumakip sa bibig ko at pinunta ako sa isang bakanting espasyo.

Halos manlambot ang tuhod ko ng makita ko ang mukha nya.

>_<

Shit!

KILLING ACADEMY: School Of Monsters [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon