2: SEVEN DEADLY SINS

1.5K 25 0
                                    

Andito kami ngayon sa DOM. Exclusive club to na pinatayo ni Dad para sa akin. Para sa gang ko. Hindi basta nakakapasok sino sino rito. Karamihan nang nakakapasok dito ay mga pulitiko at mga nasa alta sociedad.

Mayroon kaming secluded room para sa gang. Konti lang naman kami. Ako, si Michael, Trese, Josh, Gabby, Reese at ang wala kanina na si Ace. Kilala kami sa pangalan na "SEVEN DEADLY SINS". Si Michael nagisip niyan. Cool daw pakinggan eh.

'Leanne, mukhang may problema ka ah.' Tumabi sa akin si Michael.

'Call me Lean. Ilang beses ko nang sinabi sayo.' Etong si Michael lang ang tumatawag sakin ng Leanne. 'Gusto ni Dad na ipakasal ako kay Pro.'

'What! Fuck naman oh.... Anong sinabi mo?' Sinipa nito ang Lamesa sa harap ng sofa na inuupuan nila. Tuloy napatingin sa amin ang iba.

'Ang ingay mo.'

'Eh gago pala ng tatay mo eh.' Tumingin ito sa kanya nang mapansing nanatiling kalmado ang tinig niya. 'Shit!' sabi nito bago umalis.

'Lean, anong nangyari dun?' usisa naman ni Ace.

'Sundan mo na. Baka magpakamatay yun' ani ni Trese.

'Magbabae pa kamo tol' ani naman ni Gabby bago makipaglampungan ulit sa babaeng kasama nito. Tumayo na siya upang sundan si Michael. Nakilala niya si Michael unang taon niya sa highschool.Galing din ito sa may kayang angkan at tulad nang karamihan sa gang nila isa ito sa black sheep ng pamilya nito.Lumabas siya sa at nakita itong umiinom sa bar. Daming tao ngayon ah.

'Michael'

Umupo siya sa tabi nito at humingi ng tequila. 'Sinabi ko na kay Dad na ayaw ko.' Sa isip isip ko gusto kong sabihin sa kanya na 'Ang OA mo!'.

'Leanne, alam mo naman na mahal kita.' humarap ito sa akin at hinawakan ang kamay ko.

Tsk. Eto na naman po dramahan. 'Michael, mahal din kita bilang kapatid hangang doon lang'. Tinanggal ko ang kamay niya. Matagal na siyang nagtapat sakin pero talagang hangang kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya.

Kinuha ko kamay niya ulit at hinatak siya papunta sa Gang Room namin.

'Okey na kayo?' tanong ni Trese pag pasok namin.

'Shit ka naman Gabby. Get a room' sigaw ni Michael nang makita itong nakapasok na ang kamay ni Gabby sa loob ng palda ng babaeng kasama nito.

Tsk... Buti sana kung magtagal yang babaeng yan. Meet Gabby. Siya ang pinaka playboy sa gang. Iba-iba ang hinahatak nyan gabi-gabi. Nakita na rin niya itong makipag sex. Well, hindi naman sa sinadya ko. Napangisi ako nang maalala ko ang nangyari. Sa kusina ba naman kasi gawin?.

Nabigla ako nang bigla akong hatakin ni Trese. 'Ano bang problema?' tanong nito habang pinapa upo ako sa tabi niya.

'Gusto ni Dad akong ipakasal kay Pro.'

'What?' Sigaw nila. Yung iba naman nag curse at cuss.

Lumapit silang lahat. Pati na rin si Gabby na biglang binitawan ang babae nito. Eto ang gang ko. Kinatatakutan man pero pamilya ang turingan namin sa isa't isa. Si Trese ang tumatayo naming kuya. Siya lang ata ang mature kung mag-isip. Si Ace ang adventurous sa amin, si Michael, ang kanang kamay ko, si Gabby, ang playboy, si Reese, ang gentleman(DAW), at si Josh, ang mabait na anak. jaja

Si Josh ang pinaka matindi samin. Mapagkunwari yan. Mabagsik yan sa labanan pero nagkukunwaring mabait, nerd, gentleman, at di makabasag pinggan pag nasa harap ng magulang.

Nagkakilala kaming lahat sa LPA. At ako, ang prinses nila.

'Kung gusto mo iligpit na naten yang si Pro.' Suggestion ni Josh

Napangisi ako. Oo nga noh....pero.....'No. Kaya ko to. Bukas pag uusapan uli namin ni papa toh. Bahala na' saad ko sabay tayo.

'Wag kayong mag alala.' Nag smirk ako. 'Ano, ikontact niyo na lang ako pag may labanan ulit.' Yun lang at tinungo ko na ang pintuan.

Sumakay ako sa Ducati ko at tinungo ang lugar na pinagpapalipasan ko ng oras.

Hinaplos ko ang malamig na bato habang nilalandas ng kamay ko bawat letra.

DOROTHEA L. REALONDA

Eto ang libingan ng mama ko. Namatay siya noong sampung taon pa lang ako. Walang may alam kung bakit. Natagpuan nalang siya sa banyo na walang buhay.

'Mama, sana andito ka pa.' Nabigla ako nang may biglang nahulog na luha.

"Leanne." tumaas ang balahibo ko nang marinig ko yun. Shet! nananaginip lang ba ako o talagang may bumulong sakin nun.

'Ma, andami naming problema. Sana andito ka. Sana ma, hindi kita iniwan noong araw na yon.' Naiiyak na natatakot na sabi ko sa puntod ng mama ko.

'Pero ma, gagawin ko lahat. Magiging matatag ako para kay Daddy.' Hinaplos ko ulit ang puntod bago tumayo. Kaya ko to!..... Sasabihin ko kay papa ang sinasaloob ko.

==============================================================================================================================

Update? Yan na..... :) smile po tayo ngayon

BAMPIRA KA? PWES, GANGSTER AKO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon