Chapter 1:
I want youBlake's POV
It was a sunny day and a perfect day for me to capture nice views.
"Camera pa more!" angil sa akin ni Anicka.
Nginitian ko lang siya at bumaling ulit sa hawak kong camera.
Anicka is my cousin/bestfriend/classmate. She's a nice girl.
Click!
Tunog ng camera ko kasabay ang pagkuha ko ng litrato sa isang ibon na nasa sanga ng puno."Hello?" pagpaparamdam na naman ni Gale.
Binalingan ko siya. Nakaupo na siya sa nakalatag na tela sa damuhan. Naupo ako sa tabi niya at itinabi ang camera sa gilid ko.
"Hindi ko talaga alam kung paano kita naging bestfriend." aniya na kinakamot ang ulo.
"Shh. Easy." natatawang sabi ko.
"Nasaan na ba kasi ang kapatid-" hindi natuloy ni Anicka ang kaniyang sasabihin ng narinig namin ang tawanan ng mga lalake.
Napalingon kaming dalawa doon, at nakita ang kapatid ko kasama ang kaniyang kaibigan.
"Speaking of the devil." sabi ni Anicka.
"Hey girls." bati ni kuya na agad umupo sa tabi ko.
"Hi kuya." bati ko pabalik.
"Hi Blake. Hi Anicka." nakangiting bati ni Jester.
Nakita kong parang naging balisa si Anicka. Natataranta siya habang naghahanap ng pagkain sa basket na naroon.
Okay? I know why she's acting like stupid.
"Hi Jester." nakangiting bati ko sa kanila. "Have a seat." sabi ko sabay muwestra sa bakanteng pwesto, sa gitna ni kuya at Anicka.
Napatingin si Anicka kay Jester ng naupo ito sa tabi niya. Nginitian siya ni Jester na dahilan upang pumula ang kaniyang mukha. Bumaba ang tingin niya sa kaniyang mga daliri sa kamay na walang tigil sa paggalaw.
"So Jester, may girlfriend ka na?" tanong ko kay Jester at bumaling kay Anicka na ngayon ay nakatingin na sa akin at pinupukol ako ng matatalim na tingin.
"Hoy, hoy Blake ah! Tumigil ka nga. Hindi ka papatulan nitong si Jes!" sumbat ng magaling kong kuya. Napangiwi ako dahil sa naisip niya. Natawa naman si Jester sa sinabi ni kuya.
"Parang matanong lang eh." sabi ko ng nakanguso.
"Bakit ka interesado Blake?" tanong naman ni Jester.
Bumaling muna ako kay Anicka na ngayon ay nanlalaki ang mga mata bago sinagot si Jester.
"Wala lang naman." natatawang sagot ko dahil sa ekspresyon ni Anicka.
"Hoy! Tumigil ka nga diyan Blake! Ang bata mo pa." sabi ni kuya sabay iling.
"Kuya Ace naman. Haha. Wala lang yon, okay?" pakalma ko sa kanya.
"Siguraduhin mo lang." nagbabantang ani niya.
Nakita kong inalok ni Jester si Anicka ng sandwich na hindi naman niya tinanggihan.
"May gamit ka na pala para sa pasukan Anicka? tanong ko sa kanya na ngayon ay kumakain na ng mansanas.
"Wala pa. Baka sa linggo, mamimili ako." aniya.
Tumango tango ako. "Sama ako ha."
"Sige." sagot niya.
Kinuha kong muli ang camera ko at tiningnan ang iba't ibang larawan doon na kinunan ko.
Itinapat ko iyon kina Anicka at Jester kasabay ng pagpindot ko nito.
Nice!
"Nicks, saan ka mamimili?" tanong ko habang patuloy na naglalakad at nagtitingin sa kaliwa't kanan na store na nadadaanan namin dito sa loob ng mall at lingon sa kanya.
"Sa National Bookstore nalang." sabi niya ng hindi ako nililingon.
Naglakad kami papuntang NB qt kumuha ng mga kakailanganin namin.
Habang kumukuha ako ng mga notebooks, may lumapit sa aking babae.
"Hi Blake." ngiti ng isang babae sa akin.
"Hi?" nag-aalangang tugon ko. Hindi pamilyar sa akin ang babae.
"By the way, I'm Maggie Salvador." lahad nito ng kamay. Inabot ko ang kamay niya para makipagkamay.
"Blar-" pakilala ko ngunit hindi natuloy dahil pinutol niya ito.
"No need. Kilala na kita." ngiti niya. "You're famous around the whole campus."
"O-Okay." ang naging tugon ko.
Binigyan ko siya ng nagtatanong na mga tingin dahil hanggang ngayon, hindi ko mawari kung bakit niya ako kinakausap at muling bumaling sa mga nakahilerang mga notebook sa harapan ko.
"I'm one of the dance troupe in school." she said.
"So?" I gave her a so-what-look.
"I've seen you dance in one studio last week, and you're too good for it." nakangiting aniya.
Inisip ko ang sinabi niya, at naalalang may in-attend-an akong dance studio.
"So, anong maipaglilingkod ko sa iyo?" nakangising sabi ko.
"I want you on my team." seryosong sabi niya.
I've never been into a dance troupe in our campus, even in elementary and junior high school days. But now, I'm on senior high school, I don't think so.
YOU ARE READING
The Taste of Forbidden Love
Подростковая литератураBlake Natividad, a girl who has a big dream. She likes capturing natures and everything that catches her eyes. Long eyelashes, pointy nose, thin and pink lips and a perfect jawline, that's her characteristics that everyone really admired. One day, s...