Chapter 4:
We're late"Hey Nicks, can you pick me up?" tanong ko kay Nicks na nasa kabilang linya.
"Why?" tanong niya. "Marami akong ginagawa eh."
"Don't want to see Jester?" tanong ko.
I know she'll say yes on this.
"Ngayon na? Ready ka naba? Bihis na ako, paalis na nga oh." mabilis niyang sagot.
Natawa ako sa sagot niya. I know it. Haha.
"Wait, akala ko bang marami kang gagawin?"
"Pwede naman sigurong mamaya. Haha. Sige na. I'll be there in 5 minutes."
"Okay then, nasa bahay lang ako." sabi ko.
Agad niyang pinutol ang linya. Naghintay ako sa harapan ng bahay namin. At hindi rin nagtagal ay dumating na siya.
"Saan daw?" tanong niya pagkasakay ko sa sasakyan nila.
"Sa katabing village." sabi ko.
Agad kaming nagtungo doon at nakita sina kuya doon na naglalaro. Hinintay naming magbreak sila bago ko nilapitan si kuya kasama ang mga kaibigan niya. Hindi ko sila lahat kilala kaya hindi na ako nag-abala pang batiin sila.
"Oh, anong ginagawa mo dito?" tanong ni kuya ng namataan ako.
"Here." inabot ko ang kanyang cellphone sa kanya. Napatingin siya dito bago kinuha at bumaling sa akin.
"Aalis na kayo?" tanong nito.
"Nope. We'll watch." ngisi ko sa kanya.
"Okay." sagot niya.
Umupo kaming dalawa ni Anicka sa isang bench. 5 vs 5 ang labanan. Lamang ang kalaban ng 3 puntos. Hindi naging madali kina kuya ang bawiin ang 3 puntos dahil sa tuwing makakapuntos sila ay makakapuntos din ang mga kalaban.
"Ang gwapo talaga ni Jester!" impit na salita ni Anicka sa gilid ko. I can't help myself smiling from what she look like. Abot tenga ang ngiti niya na dinaig pa si McDonald.
"Teka, sino yon?" tanong ko ng mamataan ang isang hindi pamilyar na lalaki. Well, I know all of my kuya's friend. But this guy seems not familiar.
"Scott Gonzalez. New in town. Haha. He's a kinda famous back in his former school."
"Former? So you mean-"
Tumango lang si Anicka sa tanong ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at naglaro muna doon.
Nag-angat lang ako ng tingin ng natapos ang laro at talo sina kuya. Matapos iyon ay nagpaalam na si Anicka na uuwi na. Pinapauwi na daw siya ni tita. Sabay kaming umuwi ni kuya.
Hindi din nagtagal ay umuwi na din kami ni kuya.
"Ma! Alis na po kami! Kuya! Bilisan mo, malelate na ako!" himutok ko dahil tinanghali ako ng gising. Nagbabad pa kasi ako sa Twitter at Facebook. Kainis!!
I found a love for me
Darling, just dive right in and follow my lead
Well, I found a girl, beautiful and sweet
Oh, I never knew you were the someone waiting for me
Isang tinig ng lalaki ang nakapagpabaling ng ulo ko sa tapat ng isang room. This is the first day of school at late na talaga ako! Lakad-takbo na ang ginagawa ko at nahinto lang ako ng marinig ko iyon.
'Cause we were just kids when we fell in love
Not knowing what it was
I will not give you up this time
But darling, just kiss me slow
Your heart is all I own
And in your eyes you're holding mine
Dala ng kuryosidad ay sumilip ako sa isang room at nakita ko ang isang pamilyar na lalaki. Wait, what is the name of this guy again?
Tumunog ng malakas ang bell hudyat na magsisimula na ang klase.
"Shit!" mura ko. Late na nga ako ano ano pa ang inatupag ko!!
Mabilis akong naglakad para puntahan ang room ko ngunit may tumawag sa aking pangalan kung kaya't natigil ulit ako sa paglalakad.
"Blaire!" sigaw ng lalaki.
Lumingon ako at nakita ang kaninang kumakanta sa bakanteng room. Kinain niya ang distansya naming dalawa gamit ang mahahaba at malalaki niyang hakbang.
"Ah, where's room 9?" tanong niya.
Room 9?! Shit!
"Room 9?" tanong ko.
"Didn't you heard what I've said?" balik tanong niya.
"Tss. We have the same classroom, okay. I'm room 9 also." sagot ko at tinalikuran na siya. Mabilis akong naglakad, ganoon din ang ginawa niya.
Ng makarating kami ay kumatok ako at binuksan ang pintuan.
"Sorry ma'am, we're late." nagkasabay pa kaming dalawa ni I-don't-know-what's-his-name-cause-I-forgot.
Nilingon kami ng guro sa harapan at ganoon din ang aming mga kaklase, like we just killed someone that's why they're staring at me, no at us.
YOU ARE READING
The Taste of Forbidden Love
Teen FictionBlake Natividad, a girl who has a big dream. She likes capturing natures and everything that catches her eyes. Long eyelashes, pointy nose, thin and pink lips and a perfect jawline, that's her characteristics that everyone really admired. One day, s...