PAHINA 8

5.1K 135 0
                                    

Shaviel's Pov:

Nasaan kaya sina Tamara at Ally? Wala din si Miyaki nagpaalam na may pupuntahan muna siya. Naglakad lakad na lang muna ako. Paliko ko sa isang pasilyo biglang tumambad sa harapan ko si Zyfer.

O////O

"A-anong kailangan mo?" nauutal komg tanong.

Sa totoo lang matagal na akong may gusto sa kanya. Nahihiya lang ako pero. Alam ko na na hindi siya yung dahilan ng pagkawala ng malay ni Ally. Hinala niya ako bigla at niyakap.

"Luxtern

gusto kita."

Halos lumuwa ang puso ko sa aking narinig. Totoo ba ito? Hindi ba ako nananaginip? Si Zyfer Silverstone gusto ako? Hindi ako makapagsalita sa sobrang kasiyahan at kaba.

"G-gusto din kita." mahina kong sagot.

Inihiwalay niya ang katawan niya saakin at....

*tsup*

O/////O

Bigla na lang siyang nawala sa harap ko. Waaahhhhhh hinalikan niya ako. Sana naman kung panaginip to hindi na ako magising pa.

******

Herezett's Pov:

Papaalis na kami ni Tamara sa Black House ngayon malapit na kami sa gubat ng biglang sumulpot ang isang babae. Teka siya yung babaeng nagpapasok sakin dito dati.

"Amelia Cross? Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Tamara.

"Gusto kong makita si Primo." sagot nung Amelia.

"Ayaw ka nga niya makita di ba? Bat mo pa ba kinukulit si Kuya Primo?" inis na sabi ni Tamara.

Sa palagay ko may gusto ata kay Primo ang babaeng to?

"Ganyan mo ba kausapin ang nakakataas sayo? Ha? Ulila?" taas kilay nitong sabi.

Aba! Akala ko mabait siya hindi pala. At wala siyang karapatan na laitin si Tamara.

"Wag mo nga siyang laitin." sabt ko.

Ibinaling nito ang tingin niya sakin.

"At sino ka naman?" mataray niyang tanong.

"Edi ako sino pa ba alangan namang ikaw." pagpipilosopo ko sa kanya.

Bakas sa mukha niya ang inis.Nang walang anu ano'y may kinuha siyang patalim mula sa loob ng bota niya.

"Wala pang kahit sino ang sumagot sakin ng ganyan ang nabuhay." kinabahan ako bigla.

Ipinahamak ko nanaman ang sarili ko. Humakbang siya papalapit sakin akmang iwawasiwas niya ang patalim sakin ng harangan siya ni Tamara na may patalim din sa kamay. Buong lakas siyang itinulak ni Tamara dahilan upang mapaatras ito.

"Wala kang karapatang saktan siya. Hindi batayan ang katayuan mo kung nasa teritoryo ka namin." madiing sabi ni Tamara.

Ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Namumula na ang mukha nung Amelia sa sobrang galit. Bigla na lang nagliwanag ang mata nito naging kulay berde ito. Umihip ang malakas na hangin na tila ba ay may bagyo. Magkapareho sila nila Primo at Zyfer. Ano bang klaseng mga nilalang sila. Naghawakan kami ni Tamara pakiramdam ko ay liliparin kami sa sobrang lakas ng hangin. Unti unting umangat ang katawan ni Amelia mula sa lupa. May naaninag akong anino sa likod niya at bigla na lang may kamay na nakasakal sa kanya. Huminto ang malakas na ihip ng hangin at nakita kong hirap huminga si Amelia. Isang di pamiliar na lalaki ang sumasakal sa kanya mga nasa 50 pataas na ito.

"Tito Leandro?" gulat na tanong ni Tamara.

Binitawan ng lalaki si Amelia na ngayon ay walang malay.

"Tamara ayos lang ba kayo?" tanong nito.

"Opo tito." sagot ni Tamara sa kanya.

"Si Primo nasa loob ba siya?" tanong ulit niya.

Tumangi na lang si Tamara. Naglakad na ang lalaki papunta sa Black House.

"Tamara sino yun?" usisa ko.

"Yun si Leandro Silverstone,ang ama nina kuya Primo." paliwanag niya.

Siya pala ang ama nila. Mukha siyang nakakatakot mas nakakatakot pa kay Primo. Aish! Bakit ko ba nasasagi sa isip ko lagi ang Primo na yun.

"Tara na Ally." hinala ako ni Tamara.

"Teka pano yung babae?" sabi ko sa kanya.

"Hayaan mo siya kaya magigising din siya mamaya.

Nagpahila na lang ako sa kanya patawid ng gubat. Ano ba talaga silang nilalang. Isa din kaya si Tamara sa kanila?

*******


Third Person's Pov:

Sa isang silid magkakasama ang magaamang sina Leandro,Primo at Zyfer Silverstone. Prenteng nakaupo ang kanilang ama habang nilalaro ang isang baso ng alak.

"Primo yung babaeng kasama ni Tamara siya ba si Amarith?" tanong nito.

"Siya nga ama." sagot ni Primo.

"Ama sa tingin ko ay wala naman talaga siyang alam pa." sabat ni Zyfer.

"Mainam kung gayon. Mas magiging madali ang lahat." saad niya sabay inom ng alak.

"Pagkatapos ba nating gamitin siya ano na ang gagawin natin sa kanya?" seryosong tanong ni Primo.

"Kailangan niya ng mawala pagkatapos magiging handlang lamang siya." simpleng sagot nito sa anak.

Nagkatinginan ang magkapatid batid nila na hindi maganda ang pinaplano ng ama. Gustuhin man nilang tumutol sa gusto nito ngunit hawak ng kanilang ama ang kaisa isang taong iniingatan nila. Ang bunso ng lahat na si Victoria. Simula ng mamatay ang kanilang ina naging lubos na ang paghangad ng kanilang ama sa kapangyarihan. Nais nitong buhayin ang namayapang kabiyak kaya kailangan niyang makuha ang ang taglay na kadalisayan ng isang Amarith. Ang Amarith ay isang natatanging nilalang isa sa limampung taon lamang kung magkaroon ng isang Amarith. Kung kaya't nung nalaman niya na naisilang ng muli ang isang Amarith pinahanap niya ito. At ng matagpuan na niya hindi na siya nagdalawang isip pa na ipadala ang kanyang mga anak upang makuha ito. Labag sa loob ng magkapatid ang ginagawa ng ama alam nila kung ano ang kapalit ng pagbuhay nitong muli sa kanilang ina. Nais din naman nilang makasamang muli ang ina pero hindi sa paraan na kailangang may magbuwis ng buhay.

Tale of Fantasy: AMARITH #PHTimes2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon