Prologo

18.4K 373 5
                                    


Gabi na at naliligaw sa gubat na bahagi ng unibersidad ang isang dalaga. Di niya alam kung san siya pupunta,masyado itong malawak at kakatransfer niya pa lang dito kaya di pa niya kabisado ang lugar.


'Natatakot na ako!' Sabi nito sa sarili.


Naglakad pa ulit ang dalaga at napadpad siya sa isang bahay sa gitna nito. Nagtaka ang dalaga kung bakit mayroong ganun sa lugar. Unti unti siyang naglakad patungo sa bahay na iyon at nagbabakasakaling may tao sa loob.


Nang makalapit siya ay agad siyang kumatok sa pinto,ng oras na iyon ay walang sumagot. Kumatok ulit ang dalaga ngunit wala pa ring sumagot. Naisipan ng dalaga na buksan ang pinto upang malaman kung may tao sa loob.


Pagpasok niya sa bahay dahan-dahan siyang naglalakad.


"Tao po?! May tao po ba dito?" Wika ng dalaga.


Wala siyang narinig na kahut anong tugon kaya sa isip niya ay lalabas na lamang siya. Ngunit sa paglingon niya dun niya nakita ang isang nilalang na nakatingin sa kanya. Biglang nagliwanag ang mga mata nito at binalot ng takot ang buong katawan ng dalaga.


"Hindi ka dapat naririto!" sabi ng nilalang sa dalaga.


"Pa-patawad di ko g-gusto na--"


Ngunit bago pa man matapos ng dalaga ang sasabihin hinawakan siya ng binata sa kamay ng mahigpit. Para bang babaliin nito ang kamay ng dalaga.


"May kabayaran ang pagpasok dito ng walang pahintulot!"


Wika ng nilalang na iyon di na nakapagsalita sa takot ang dalaga. Nagkulay lila ang mata ng nilalang at tinitigan ng mabuti ang dalaga hanggang sa ito ay......


Tale of Fantasy: AMARITH #PHTimes2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon