PAHINA 48

2K 51 0
                                    


Herezett's Pov:

Nakaupo ako sa mahabang upuan kasama sina mama at ang pamilyang tumulong samin bukod samin wala ng iba pang naririto. Tahimik ang lahat kaya hindi ko maiwasang maisip si Primo. Naikuyom ko ang aking mga kamay,nagbabadya nanaman kasing pumatak ang mga luha ko.

"Allyson ayos ka lang ba?" dinig kong sabi ni mama kaya napatingin ako sa kanya.

"O-opo." mahina kong tugon.

"Allyson may...sasabihin sana kami sa'yo." mahina at basag na sabi ni mama.

Diretso ko lang silang tinignan nakita ko ang pagdadalawang isip sa kanyang mga mata.

"Ano po yun?"

"Allyson...patawad." naiiyak niyang sabi.

Naguluhan ako sa sinabi niya. Bakit siya hihingi ng tawad?

"Po? Hindi po kita maintindihan mama."

Napatakip siya ng mukha kasabay nun ay tumayo siya tsaka niya ako niyakap. Umiiyak siya habang nakayakap saakin hinahagod ko ang kanyang likuran.

"Ma,bakit ka po umiiyak?"

"P-patawad p-atawad A-allyson h-hindi k-ko i-nintensyon n-na m-maglihim sayo." iyak niya sakin.

"Ano bang ibig mong sabihin?"

Kumawala siya at hinawakan ang pisngi ko tsaka niya ako tinignan ng diretso.

"A-allyson..hindi ako ang tunay mong mama." mahina niyang sabi.

Hindi ko alam kung anong irrereaksyon ko sa sinabi niya sakin.

"P-po? Ano po bang sinasabi mo?"

"H-hindi a-ako,k-kami a-ang t-tunay mong m-mga m-magulang."

"Ma?"

"Patwad kung nilihim namin sayo ng ganito katagal,Allyson napamahal ka na samin. Itinuring ka na namin na tunay naming anak."

"M-ma.." naiiyak kong sabi.

"Patawad talaga Allyson.."

Napayuko siya habang hawak ang pisngi ko. Hindi ko na napigilang hindi maiyak,sa loob ng ganito katagal na panahon hindi pala sila ang mga magulang ko?

"Shhh Allyson."

"K-kung hindi kayo ang tunay kong magulang ..sino?"

Tumigil siya saglit at huminga ng malalim.

"A-ang p-pamilyang t-tinutuluyan niyo ngayon...sila ang totoong pamilya mo."

Sa bahay na ito? Inilibot ko ang tingin ko sa paligid at isa isa silang tinignan. Lahat sila nakatingin sakin, ang mga nilalang na ito ang tunay kong pamilya?

"Alam kong darating ang panahong ito pero hindi sa ganitong sitwasyon." dinig kong iyak niya.

Hindi ko napigilan ang sarili ko napatayo ako at mabilis na naglakad palabas ng silid na iyon. Pinahid ko ang mga luha ko habang papalabas ng bahay. Naguguluhan ako ngayon,sana kung nandito si Primo. Mas lalo pa akong naiyak ng pumasok siya sa isipan ko nasaan na ba kasi siya? Patuloy lang ako sa paglalakad kahit walang patutunguhan ang mga paa ko. Napatigil ako sa paglalakad ng may mabunggo ako mabilis kong inangat ang paningin ko. Napatitig ako saglit sa kanya malabo ang paningin ko dahil sa luha sa aking mga mata.

"P-primo?" naiiyak kong sabi.

Pinahid ko ang aking mga mata at tumingin muli sa kanya ngunit ibang tao na ang nasa harapan ko. Napaatras ako ng konti.

Tale of Fantasy: AMARITH #PHTimes2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon