PAHINA 51

2K 43 0
                                    

Herezett's Pov:

Matapos ang agahan at ang pagsunod ko kina Zyfer at Shaviel na nakikipagusap sa aking Kuya at ang buong araw niyang pagkukuwento saakin ng tungkol sa aming ina ay napagpasyahan ko na manatili muna sa hardin. Nakatanaw ako sa mga puno at halaman ng hardin. Mag-isa lamang akong nakaupo,hindi pala ako magisa kasi meron pang nilalang sa sinapupunan ko na nabubuo. Napahawak ako sa aking tiyan at huminga ng malalim.

'Primo...asan ka na ba?' tanong ko sa aking isipan.

Napaangat ako ng tingin dahil nagbabadya nanaman ang aking mga luha. Ayokong umiyak ngunit hindi ko mapigilan. Habang pinipigil ko ang aking mga luha ay may umupo sa katabi kong upuan. Lumingon ako sa kanya,ang kabiyak ng aking kuya. Nakangiti siyang lumingon saakin.

"Bakit ka mag-isa rito binibini at tila malungkot ka?" bakas ang pag-aalala sa kanyang boses.

"Nais ko lang mapag-isa." mahina kong tugon.

"Nangungulila ka sa kanya tama ba?" diretso niyang tanong.

Hindi ako nakapagsalita bagkos ay napayuko na lamang ako at humikbi ng mahina. Saang lupalop ba kasi siya nagpadpad at hindi siya mahanap. Naramdaman kong may humahagod sa aking likuran. Napaangat ako ng tingin at muli siyang tinignan.

"Ayos ang umiyak ngunit huwag sobra makakasama sa dinadala mo." malumanay niyang sabi habang hinahagod ang likuran ko.

Nakatingin lang ako sa kanyang maamong mukha.

"Mahahanap mo din siya binibini. Hindi ka dapat mabahala ng sobra sobra. Kilala mo siya higit sa kanino man hindi ba? Alam mo ang kaya niyang gawin. Kung ipinaglaban ka niya noon mas lalo kanyang ipaglalaban ngayong dinadala mo ang anak niya." mahaba niyang sabi.

Hindi ko maintidihan ngunit parang may ipinapahiwatig siya sakin.

"Maari ba akong yumakap?" nahihiya kong sabi.

Ngumiti siya ng napakatamis sakin.

"Oo naman kahit anong hilingin mo binibini." sabi niya.

Lumapit ako ng kaunti sa kanya at yumakap. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng ginhawa,lumuwang ang aking dibdib. Humiwalay ako mula sa pagkakayakap ko sa kanya. Pinahid niya ang aking pisngi at inayos ang aking buhok.

"Halika na sa loob magdidilim na." pagaya niya.

Tumango ako sa kanya at tumayo na. Naglakad kami papasok ng bahay. Nang malapit na kami sa pintuan ay napahinto ako at napahawak sa naninikip kong dibdib. Hindi ako makahinga.

"Binibini! Anong nangyayari sayo?!" puno ng pagaalala niyang tanong.

Pilit akong huminga ni hindi na ako makapagsalita dahil wala ng hangin na pumapasok sakin.

"Binibini!! CROXE!!" taranta niyang sigaw.

Parang sumarado ang daanan ng hangin sa katawan ko. Hinahawakan niya ako habang paulit ulit na tinatawag ang pangalan ng aking kuya. Inangat niya ako at tinignan nakita ko ang pamimilog ng kanyang mga mata. Kasabay nun ang pagdating ni Kuya.

"Anong nangyari?" sabi niya at hinawakan din ako.

Ramdam ko ang pagpatak ng mga luha ko.

"Ashren naririnig mo ba ako?! Magsalita ka!!" madiin niyang tanong.

Gusto kong sabihin na naririnig ko siya ngunit hindi ko magawa. Napahawak ako sa kanyang kamay ng malakas. Napaiyak pa ako lalo ng makita ang aking kamay. Tila may mga itim na ugat ang lumilitaw sa aking kamay. Tinignan ko din ang isa ko pang kamay at ganun din ito. Nakaramdam ako ng kaba at takot. Ano to? Anong nangyayari?

Tale of Fantasy: AMARITH #PHTimes2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon