25

193 28 16
                                    

HI

"Kwon Migyung!!!" Sigaw ko sa pangalan niya mula sa di kalayuan.

Nakakatawa kasi nakita ko siyang napaface palm

Well at least ngayon alam niya na yung feeling na pagtinginan ka ng iba dahil sinisigaw ang pangalan mo.

"Kwon Migyung-ah!!!" Sigaw ko pa ulit ng mas malakas. Natuwa ako kasi nakikita ko na siya na tumatakbo papalapit sa akin.

"Kang Daniel. Ano ba?!" Sigaw niya agad sa akin ng makalapit siya.

Ngumiti ako sa kanya. "Miss mo na ako noh?"

Mukhang hindi niya ako namiss kasi sinapok niya ako sa may dibdib.

"Heh! Miss mo mukha mo!" Siga nanaman niya sa akin at akmang aalis na pero napigilan ko siya.

"Kahit ngayon lang please. Samahan mo ulit ako." Huminto ako sandali at tiningnan siya sa mga mata. "Hindi ka naman huminto sa panggugulo ng buhay ko eh. Hanggang ngayon ginugulo mo pa rin ang isip at puso ko.",

can you please shut your mouth? •강다니엘• [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon