15

223 33 17
                                    


"Hyung. Nakabusangot ka nanaman diyan." Natatawang sabi sa akin ni Baejin.

Tiningnan ko siya ng masama at saka ibinalik ang tingin ko kay Jihoon at Migyung.

"Ayan tuloy hyung. Ayaw na mag pabawi sayo ni Migyung-noona." Sabi niya sa akin.

"Tss. Noona naman pala siya ni Jihoon." Naiinis na sabi ko.

"Nako hyung. Gusto pa naman ni Jihoon-hyung yung mas matanda sa kanya." Pangiinis sa akin ni Baejin.

"Alam mo Jinyoung kung wala kang matinong sasabihin eh tumigil tigil ka na diyan." Inis na sabi ko sa kanya.

"Mag isip ka na kasi ng plano kung paano mo babawiin si Migyung-noona." Huminto siya sandali at sinubo at candy niya. "Hindi yang hanggang tingin ka na lang at naiinis ka."

"Teka nga Baejin balit ang dami mong alam diyan? Bata ka pa." Nagtatakang sabi ko sa kanya.

Itinaas lang niya ng sabay ang kanyang mga balikat bilang sagot.

can you please shut your mouth? •강다니엘• [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon