40

163 29 37
                                    


Ang tagal tagal ko pang naghintay sa kanya kasi halos hindi na siya humiwalay kay Park Jihoon. Nawala na nga yung lamig nung Dutchmill kakahintay ko sa kanya.

Ewan ko ba pero medyo nasasaktan talaga ako na pinansin lang niya ako ulit nung wala si Jihoon.

Akala ko pa naman magiging okay na ang lahat.

Akala ko lang pala iyon lahat dahil ginawa lang pala niya akong pampalipas oras habang wala si Jihoon.

Ano bang meron sa Jihoon na yun at ganun na lang niya iyon pahalagahan?

Ano bang meron siya na wala ang isang Kang Daniel?

Medyo nawala sa isip ko lahat ng makita ko si Migyung na naglalakad mag-isa habang umiiyak?

Tama ba ang nakikita ko?

Umiiyak ba siya?

O baka naman napuwing lang?

"Kwon Migyung!" Tinawag ko ang pangalan niya pero hindi man lamang niya ako nilingon. Kaya naman tumakbo na ako upang maabutan ko siya.

Hinigit ko ang balikat niya dahilan para tumambad sa akin ang umiiyak na Migyung.

"Kang Daniel. Bakit ganun?" Tanong niya sa akin at saka nagpatuloy sa pagiyak.

Hinawakan ko siya sa kanyang baba upang maiangat ang kanyang mukha. "Hindi ko man alam kung bakit ka umiiyak pero ang alam ko lang ay magiging maayos din ang lahat." Ngumiti ako ng marahan at saka ko siya hinila papalapit sa akin at niyakap ng mahigpit.

"Basta ba wag kang susuko may mapapala ka."

can you please shut your mouth? •강다니엘• [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon