Chapter 2

50 10 16
                                    

KIM's POV.

King inang si Kylie hindi mo naman inaano bigla nalang gumanon. Tapos kanina bigla nalang nagyaya? Hanep!

Kakaupo ko lang. Ayun nga dumating nga yung lec. Tsaka dumakdak nag dumakdak. Ano pa nga ba aasahan mo sa lec? Alangan namang magsulat lang siya diba? Tsk!

DISCUSS.

DISCUSS.

DISCUSS.

Natapos na yung unang subject. At nagpatoy lang kami hanggang sa matapos hanggang last subject bago ang luch break.

LUNCH BREAK!

"Kim, tara na." Anyaya pa ni Kylie sakin. Mukhang matutuloy nga kami ah. Napangisi pa ako. I te-text ko si Noah na isama si Blake! Haha! Ang talino mo talaga, Kim! Natatawang sambit ko pa sa isip ko.

"Hoy, sabi ko tara na! Mukha ka ng baliw sa pinag-gagagawa mo!" Singhal ni Kylie. Tsk! Pasensiya ni bakla hindi umaabot kahit hanggang EDSA man lang.

"Ayan na." Tsaka ko inayos ang gamit ko at dinampot ang cellphone ko.

Naglakad na siya palabas, hanggang sa makarating kami ng parking lot. Sumakay din agad kasi sa kotse namin at pinaandar yun patungong mall.

Pagdating namin ng mall pumunta kami sa isang Korean Restaurant. Tsaka siya umorder ako naman ay naghanap ng upuan tsaka ko tinext si Noah.

To: Noah
Hi! Punta kayo ng mall dito malapit sa school. Nandito kami sa Kaya. Isa siyang korean restaurant. Isama mo si Blake, sabihin mo kasama ko si Kylie. Salamat! ^_^

12:00 nn. Message sent!

Maya maya ay dumating nadin si Kylie na may dalang pagkain.

"Oh, sayo yung barbeque diyan. Akin yung sushi." Sambit niya.

"Putsa! Ang daya naman! Bigyan mo 'ko ng sushi!" Inis na inis na sambit ko.

"Wag na, ibibili nalang kita." Nagulat ako nang may biglang sumagot. Si Noah! Yiee! Este yun adyan na silang dalawa!

"Ahh..ehh..sige?" Utal na sagot ko at tumingin kay Kylie at nag peace sign.

"Ahh. Blake upo ka dun. Dun sa tabi niya." Dagdag ko pa habang tinuturo yung upuan sa tabi ni Kylie.

"Oo sige, salamat." Nakangiting sagot niya tsaka umupo sa tabi ni Kylie. At tong si baklang Kylie naman namumulang nag iwas ng tingin. Napangisi nalang ako sa mga kinilos niya. Pero umamin na siya kagabi eh. May gusto siya ng konti pa sa konti kay Blake, pero may pagmamahal pa din daw sa pownyetang si Mac nayun! Hindi man lang nakalimutang isingit yung ugok na yun.

"Huy, Kim eto na yung sushi. Ano bang iniisip mo lutang ka oh!" Mahinang bulog ni Kylie pero alam naman niyang maririnig ng mga kasama namin ang tanga niya talaga!

"Kim, napano ka? Kanina kapa namin tinatawag eh." Sambit naman ni Noah.

"Ahh, wala ano ba kayo. Tara kain na tayo!" Pagiiba ko nalang ng usapan at tumango naman sila at nagsimulang kumain. Masyadong nakakabingi ang katahimikan. "Wala nga pala kaming pasok ni Kylie mamaya, kayo ba?" Pagbabasag ko ng katahimikan at nag angat naman sila ng tingin.

"Wala din kaming pasok mamaya." Sambit ni Blake.

"Gusto niyo bang mamasyal muna?" Biglang sabat naman ni labs. Este ni Noah! Oo si Noah!

"Oo, sige! G na g ako diyan! Ikaw Kylie? Sasama ka?" Tanong ko kay Kylie.

"Sige." Walang emosyong tugon niya. Tss wala man lang ngiti kahit konti napaka talaga!

"Pagkatapos nating kumain punta tayo ng quantum dun sa 3rd floor." Sambit ni Blake.

"Sige." Sabay sabay naming sagot sakanya.

Pagkatpos nga naming kumain ay pumunta na kami agad ng quantum. Ang mga boys ang naglalaro ng basketball arcade. At kami naman ay nanonood lang ganun. Trip ko naman tong mga ganito sadyang wala lang ako sa mood na maglaro ngayon.

BLAKE's POV.

Napansin kong hindi masyadong umiimik si Kylie. Kaya nagpaalam na muna ako kay Noah at Kim na kakausapin ko muna siya sandali.

"Kylie. Okay ka lang ba? May problema ba?" Nag aalalang tanong ko sakanya at tanging iling lang ang nasagot niya.

"Hey, tell me is there something wrong?" Tanong ko ulit habang nakahawak sa dalawang braso niya.

"Wala naman, Blake. Wala lang talaga sa mood." Pilit ngiting sambit niya.

"Uhm. Kylie may sasabihin sana ako eh.." napakamot pa ako sa batok ko ng biglang lumabas yun sa bibig ko.

"Oh. Ano yun?" Nakangiting sagot niya. Natural na ang ngiti niya ngayon hindi katulad ng kanina.

"Ano kasi..may gusto na ata ako sayo." Pahina ng pahina ang boses ko habang sinasabi ko yun sakanya.

"Ano?" Naguguluhang tanong niya.

"Oo eh. Can i court you, Kylie Gonzales?" Nahihiyang sambit ko pero wala na akong magagawa nasabi ko na eh.

"Okay?" Sagot niya.

"Uhmm, tara na." Pagiiba ko ng usapan at pinauna ko muna siyang maglakad tsaka pumunta kung nasaan sina Noah.

Lumapit ako kay Noah. "Pre, nasabi ko na na gusto ko siya at liligawan ko siya." Nakangiting bulong ko.

"Oh? Eh, ano namang sabi?" Bulong din niya.

"Oo daw!" Nakangiting bulong ko parin.

"Woah. Haha ang bilis ah. Good for you."

"Tara na pre. Uwi namuna tayo. Gusto ko ng magpahinga atsaka bibilhan ko pa ng bulalak at chocolates si Kylie." Sambit ko. Tsaka nakami nagpaalam kina Kylie at Kim.

"Sige, una na din kame." Nakangiting sagot ni Kylie saamin.

"Bye!" Tugon ko. Tsaka lumabas ng mall at pumuta ng parking lot then umuwi nalang ako tsaka nagpahinga ng konti at nagshower tsaka natulog.

KYLIE's POV.

Nang makauwi kami ng bahay ni Kim, bago ako magpahinga ay kinausap ko na muna siya.

"Kim." Tawag ko sakanya.

"Oh?" Sagot naman niya.

"Liligawan daw ako ni Blake. Sinabi niya lang kanina nung nasa quantum tayo." Sambit ko.

"Ano!?" Gulat na gulat talagang tanong niya. Tch! OA talaga!

"Liligawan daw ako ni Blake. Sinabi niya lang kanina nung nasa quantum tayo." Paguulit ko at naasar naman siya.

"Leche! Oo narinig ko!" Sigaw niya.

"Oh, bat nagtatanong ka pa?"

"Ano namang sagot mong gaga ka?"

"Okay?"

"Oh yun naman pala eh. Edi okay tapos? Bakit mukhang problemado ka?"
Ayan na si Madame Question! King inang yan!

"Wala, trip lang gumanon." Nakangiwing sambit ko nalang tsaka pumasok sa kwarto ko at nag shower at nagpatuyo ng buhok. Pagkatapos no'n ay natulog na ako.

To be continued.

Hello! Kung may nagbabasa man. Don't forget to VOTE and COMMENT guys! Hope you like it guys!♡

LOVE LOTS! ♥♡♥

-KOOKIE.♡

Am I really meant for You? [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon