KYLIE's POV.
"Kylie..." Mahinang tawag sa'kin ni Kim na aking kaibigan.
"Ano?" Malungkot na tanong ko sakanya.
"Kailan ba aayos ang buhay mo!?" Naiiritang sagot nanaman niya.
"Konting konti nalang Kim, makakalimutan ko din siya."
"At kailan naman!? Kylie! Move on! Matagal ka nang kinalimutan ni Mac!" Iritang iritang tugon niya.
"Oo na! Kakalimutan na nga eh!" Kunwaring pabirong sagot ko.
"Oh! Maligo kana magkatapos mo ay ako naman, bilis bilisan mo ah!" Hinagis niya ang towel sakin. At agad naman akong pumasok sa banyo. Agad naman akong natapos at paglabas ko inis na inis akong sininghilan ni Kim.
"Babae ka! Malalate na nga at lahat amg bagal pa ding kumilos!"
"Ang bilis kona nga eh!"
"Ah basta magbihis kana! Leche!" Malakas na sigaw niya nang makapasok siya sa banyo.
Agad naman akong nagbihis nag lagay ng konting pulbos at naglotion. at pagkatapos ko ay lumabas na ako ng kwarto. At dun ko lang nakita si Kim na kalalabas lang ng banyo.
"Ngayon sabihin mo sakin sino ang mabagal kumilos!?" Nangiinis kong tugon at pinagdilatan niya lang ako ng mata at pumasok sa kanyang sariling kwarto.
"Kim! Dalian mo mag a-alas-siyete na leche ka!" Sigaw ko nang mapansin kong medyo matagal na siya sa loob.
"Oo andyan na!" Sigaw din niya. At maya maya pa ay lumabas na din siya ng kwarto.
Actually first day nanaman to ng pasukan at nasa 4th year high school nakami.
"Tara na Kylie!" Tawag niya at lumabas sa dorm na may dalang susi ng kotse niya. Agad ko namang kinuha ang aking susi ng kotse at susi nung dorm. At lumabas na ako at linock y'on. At paglingon ko sa garahe ay wala na ang kotse ni Kim.
"Maka tara naman yung babaeng yun, iiwan ka din pala." Mahinang bulog ko atsaka pumasok sa loob at pinaandar na ang kotse ko papuntang School.
AT BIRCH INTERNATIONAL SCHOOL.
"Kim! Tara na dali!"
"Oo yan na nga eh."
At nagmamadali kaming parehing pumunta sa room namin. Bigla akong kinabahan nang may makita aking nakatayong medyo may edad na ding lalaki na nasa harap.
KNOCK, KNOCK, KNOCK. Sabay kaming kumatok ni Kim. At pinagbuksan naman kami nung nakita ko kanina. Mukhang siya at Lecturer namin! Pakshet! Mukha pa namang terror ang loko. Tsk!
"Why are you late!? Miss Gonzales and Vellarde!?" Mukhang galit na ang loko. Tsk tsk pano bayan serr??
"Sorry Sir we're late." Pagdidiin ko pa sa mismomg mukha niya. At pumasok nalang at umupo sa bakanteng lugar sa likod.
"Loko ka talaga Kylie." Mahinang bulong na parang natatawa pang tugon ni Kim. Umupo siya sa tabi ko at buti nalang ay wala pang nakaupo doon. At bigla nalang nagsalita ang Lec namin na mukhang magpapakilala na.
"Students, my name is Carlo Panganiban Santiago! At ako ang Lecturer niyo sa Math! At ngayon palang sinasabi ko na sainyong ayaw ko ng late! Kung hindi Drop out agad! Pinagbigyan ko lang kayo dahil first day of school kawawa naman kayo kung wala paman ay Drop out na agad diba!? Okay lets start!" Dire-direstong tugon niya. At dumakdak nanaman sa harap.