Chapter 4

54 4 4
                                    

KYLIE'S POV.

Paggising ko ay dumaretso na ako ng banyo as usual maliligo para pumasok. Pag tapos kong mag handa ay dinala ko nayung paper bag na bigay ni Blake. Lumabas na ako para makapag almusal. Ayon naka handa na yung pagkain sa mesa. Lagi naman kasing nauunang nagigising sakin si Kim pero pag tapos niyang kumain ay doon muna siya maliligo kaya hindi kami sabay minsan.

Kumain na ako pag tapos ko ay doon muna lumabas si Kim. Tinanguan ko lang siya tsaka ako pumasok ng kwarto at nag tooth brush. Kinuha ko na yong bag ko at yung paper bag tsaka lumabas. Wala na si Kim nasa garage na siguro. Mukhang wala sa hulog yung kaibigan ko ah? Hayy..

Pumasok na ako ng kotse ko pagkatapos. Agad din akong nag tungo papuntang BIS. Dumaan muna ako sa Canteen para bumili ng maiinom. Tsaka ko hinanap si Kim nandun siya sa garden malapit sa canteen. Nakaupo sa ilalim ng puno habang nag ce-cellphone.

Pinuntahan ko siya habang sinisimsim yuny binili ko. Alam kong napansin niya ako at alam kong alam niya na nadito ako sa harap niya pero hindi parin niya ako pinag aangata ng tingin.

"Kim." Bati ko sakanya. Hindi niya parin ako pinansin. "Hoy! Kim!" Sigaw ko. Irita siyang nag angat ng tingin sakin at pinag tasaan niya pa ako ng kilay. Tsk!

"Oh!?" Inis na tanong niya.

"Problema mo bes?" Seryosong tanong ko, hindi niya ako sinagot. "Sabihin mo nga sakin. Galit kaba sakin, ha?" Nag uusisang tanong ko talaga.

"Tampo. Siguro? Tch." Natigilan ako sa sinabi niya. Tampo? Ano namang ikakatampo nito? May relasyon ba kame? Tsk.

"Bakit naman?" Takang tanong ko.

"Halos hindi mo na nga ako pinapansin eh! Lagi ka nalang si Blake ganyan ganito. Eh ako? Tch!" Paliwanag niya at talagang natawa ako! Napaka OA talaga niya!

"Yun lang yon?" Tawang tawang sambit ko.

"Anong nakakatawa do'n!?" Inis na sambit parin niya.

"Ang babaw mo talaga! Amp! Dinaig mo pa yung 2 ft na swimming pool!" Hindi ko talaga mapigilan ang tawa ko. Kahit na may dumaan at mukhang diring diri sa pagtawa ko ay wala akong pakialam.

"Leche! Bahala ka diyan!" Tsaka niya ako tinalikuran at pumunta ng room. Hinabol ko siya.

"Kim." Tawag ko.

"Mag riring na din yung bell niyan pumasok kana. Buset!"

"Ayan na nga eh! Papasok na. Una kana. Pano ako papasok kung nandiyan ka!?" Papasukin ba naman ako nang naka harang siya? Tsh.

Pumasok na siya at umupo doon sa pwesto niya. Sumunod nalang ako at maya maya ay sabay ang pag ring ng bell ang pagdating ng lec.

Matinik pa to sa tilapia eh. Talagang saktong sakto aa oras ang loko. Tss. Oo kinakausap ko ang sarili ko minsan pero sa isip lang baka kasi pag kamalan pa ni akong baliw ng iba kong ka schoolmate eh. Tsk.

"May quiz tayo ngayon. Get a one whole sheet of paper." Sambit niya. Putek. Hindi man lang nagsabi na may quiz kame. Bute nalang talaga at matalino kami ni Kim at madalas mag advance reading.

Tsaka na siya nag salita sa harap nag tanong ng nag tanong. Bute nalang talaga at may chooses.

Nang matapos siya ay agad na kaming nag pasa ng mga paper tsaka na ako lumabas para mag lunch. Oo ganon katagal yung quiz namin. Umabot ng lunch hindi man lang kami pinag break kahit 10 minutes lang man. Gusto niya laging tuloy at walang halong pa bitin bitin.

Am I really meant for You? [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon