Kaya Pala...

26 4 0
                                    

'KAYA PALA BIGLA KA NALANG NAWALA NG PARANG BULA'

"Picture tayo, babe!" Masayang sabi niya. "Ngiti ka ha!" Dagdag pa niya.

Siya? Siya ang babaeng pinakamamahal ko. Ako? Ako ang lalaking sobrang minamahal siya.

*click*

"Sabi ko ngiti ka eh!" Reklamo niya.

Napansin nanaman niya sigurong di ako nangiti sa picture namin.

"Ang unfair mo naman kasi, babe eh!" Reklamo ko rin habang nakasibangot na nakatingin sa kaniya.

"Bakit?" Nagtatakang tanong niya habang nakataas ang isang kilay at naka pamaiywang.

"Ikaw lang lagi nakaka-kita ng picture natin eh." Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kaniya.

"Eh? Kasi nga panget ako sa mga pictures natin.. Wag ka ng magtampo, please?" Sabi niya habang nagpapa-awa.

"Tsk! Alam mo namang di kita matitiis diba?" Nangiti naman siya pag-sabi ko niyan di ko na rin tuloy napigilan ang ngiting kumakawala sa labi ko.

"I love you, babe." Malambing na sabi niya.

"I love you too, babe." Sabi ko sabay halik sa noo niya.

***
Dumaan ang 1 linggo, lagi kaming ganoon.

Katulad nalang ngayon nagya-yaya nanaman siyang mag-picture.

Selfie-Lord ata ang tawag sa mga katulad ng gf ko.

***
After 3 weeks

Ganoon ata talaga ang routine namin. Pagkagising di pa ko nakakapag-toothbrush nagaaya ng mag-selfie. Palibhasa maaga siyang nagigising at pagising ko nakapaghilamos na siya.

"Babe, luto ka." Minsang sabi ko sa kaniya pero agaran din siyang umiling.

"Wag.. Promise, baka pagbukas ko ng stove paniguradong masusunog ang kusina mo."

Napabuntong hininga nalang ako at tumayo sa sofa at nagsimulang magluto.

After 30 minutes...

Natapos na kaming kumain-- ako lang pala.. Sabi niya kasi kumain na daw siya at di daw siya nagugutom.

Lagi naman eh.

***
Natapos ang pasukan ganun pa rin ang routine.

***

After 2 years, 2 weeks and 3 days...

08-14-** 9:10 a.m.

Nagising ako ng wala siya sa tabi ko.

"Babe?" Walang sumagot.

Wala nanaman siya. Nito kasing mga nakaraang araw madalas na siyang mawala pero pag uwi ko naman galing sa eskwela nandiyan na siya.

"Babe!" Parang akong binunutan ng tinik nang makita ko siya sa sofa na naka-upo.

"B-babe?" Nagpanic ako nang mapansin kong nanghihina siya nung kinawayan niya ako.

"May sakit ka ba, babe?" Nag-aalala kong tanong sa kaniya.

"W-wala ah." Tanggi niya at humarap sa akin.

"Oh? Bakit?" Umiling lang siya at hinalikan ako sa labi.

"I love you." Mahina niyang sabi.

Kahit nagtataka ako sa mga kinikilos niya, nginitian ko siya. "I love you too." Sabay halik sa noo niya.

Kaya Pala...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon