Prologue

37 1 0
                                    

Pagpasensyahan at inedit ko nanaman hihi :DD So, eto na talaga.

...

~PROLOGUE~

"Naramdaman ko na lang na nakahiga ako at tinatakbo. Gusto ko nang tumayo pero hindi ko magawa. Hindi ako makagalaw. Ang sakit ng katawan ko. Naririnig ko na lang ang ingay at may sumisigaw ng pangalan ko...

At kasabay ng masakit kong katawan, ang nagdurugong puso.

At ito ang araw na simula ng lahat.

Ang simula ng malaking pagbabago sa buhay ko.

Ang dating maayos, buo at napakasayang pamilya ko,

bigla na lang naglaho sa isang iglap.

Masakit man pero wala ng magbabago.

Nangyari na ang nangyari.

Nawala na ang nawala.

I just need to accept, move on and stand up.

But how? Paano? Paano nga naman kung hindi ko na alam kung paano magsisimula ulit? Lalo pa't sabay-sabay lahat ng masasakit na pangyayari.

Paano na 'ko? Makakaya ko pa kayang itago na lang ito?

Magiging masaya pa ba ako at maaayos ba ulit ang lahat?"

Ako nga pala si Jezxie Kezxia Gavanezx. At ito ang kwento ko.

*****

READ, VOTE, COMMENT and BECOME A FAN ^^

Until Time Heals PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon