Chapter 1.

24 0 0
                                    

~CHAPTER 1~

"Babbbyyyyyyyyyyy!!!!!" bungad ni Ate Juzxtin at Kuya Alex sabay yakap ng mahigpit sa'kin. Grabe ha? Ganito nila ako namiss? haha

"Aw! Saglit nga! Hindi na ako makahinga niyan sa inyo eh!" ang higpit ha?

"AHAHAHAHA! Wala ka paring pinagbago bunso!" sabi ni Ate Juzx.

"AAWWWWW!" sabi ko. Hayan nanaman kasi eh! Tama ba namang panggigilan nanaman ni ate pisngi ko! Amf!

Pero nakakamiss rin pala sila. Isang taon ba naman akong mahiwalay sakanila. Kararating ko lang kasi galing America. Ewan ko ba. Nagising na lang ako na nandun na ko. Nga pala, apat kaming magkakapatid. Si Ate Juzxtine "Juzx" Nicole ang panganay, second si Kuya Paolo Alexzander "Alex", third si Kuya Jozxeph Paolo at syempre, AKO, si Jezxie "Jezx" Kezia Gavanezx, ang bunso! haha Teka nga, nasan si Kuya Jozxeph?

"Uhm.. Nasan na nga pala si Kuya Jozx?" tanong ko habang tinignan ang buong paligid. Baka kasi tinaguan nanaman ako eh.

Nagtinginan sila na para bang may something. "Ahh.. ehh.. baby, wala na siya." Sabay nilang sabi. Anong meron? Bakit parang nauutal sila?

"Anong wala na siya? Siguro naglakwatsa nanaman! Andaya talaga nun." hayy.. hindi ba ko namiss nun? amp!

"Ahh oo." tipid na sagot ni Kuya Alex.

"Oh tara na! Alam kong pagod ka na." singit naman ni ate.

Sumakay na kami sa kotse. Ang ingay ko lang. Ang dami dami kong kwento. Sobrang nag-enjoy kasi ako sa America. Sa 7 hours na biyahe na yun(Manila to Baguio), hindi ako natulog. Hindi ako makatulog eh. Excited lang siguro akong pumasok sa bago kong school bukas. So eto, 4th year na pala ako. Ang bilis lang ng panahon.. hayy...

---

"Iha, welcome home!" bati ni manang sabay yakap sakin. Aw! Sobra ata nila akong namiss? haha syempre siguro ang tahimik dito nung wala ako.

Pumasok na kami sa loob. Aw! Namiss ko 'tong antique naming bahay! Grabe ang daming nagbago. haha Kumain na kami at dumeretso na sila Ate at Kuya sa kwarto nila para matulog. Anong oras palang ba? 2:45 am palang pala! hayy.. nagpalit na ako. Sila manang, bumalik ulit na matulog.

Umakyat na ako sa kwarto ko at nagpalit. Sinubukan kong matulog pero ayaw talaga eh. Ewan ko pero hindi naman ako inaantok. Kaya naman naglibot libot muna ko sa bahay.

Nagpatuloy na akong mag-ayos. Nandito pa kasi yung mga nakakalat kong gamit nung huling nandito ako. Hindi to inayos ni manang kasi alam niyang ayaw ko. Gusto ko kasing ako nag-aayos eh.

O.O nagulat ako sa nakita ko. Isang necklace. (Picture sa gilid ------->)

Parang biglang may nagflashback pero hindi ko masyadong malaman. Ang naaalala ko lang, may isang lalaking nakamaskara na nagbigay sakin nit--SIYA NGA!

Siya din ata yung lalaking pinabigyan ko ng pinakaimportante kong necklace?! Yung necklace na hinahanap ko pa sa America na bigay sa'kin ni Kuya Jozxeph tapos binigay ko lang pala? Lagot ako kay kuya niyan eh. Hayy.. Bakit ko ba binigay yun? Eh hindi ko naman kilala.

7:00 am na pala. Naligo at kumain na ko. Nagpalit na 'ko. At dahil pwedeng hindi muna mag-uniform, kung anu ano na lang sinuot ko.

Nandito na 'ko sa school ngayon. Nakakalito lang. Ang laki kasi talaga nitong private school na 'to. Ang daming entrance na puro ang daan eh bridge. Ang bongga lang nito! Nagustuhan ko agad.

naglalakad ako papunta sa unang entrance...

"Girls look! natalbugan na tayo."

"Oo nga eh! Ang cool niya"

"Infairness ang ganda niya"

"Simple but coooooooool!"

"Perfect!"

Kanina pa paulit ulit akong nakakarinig ng ganyan at kanina pa ko pinagtitinginan. Oo na! Ako na! haha dejoke. Ano nga ba kasing outfit ko? Nakahalos whole black ako na parang ang dating, rocker haha \ m / naka-black akong 3/4 pants na may yung parang kadena sa gilid gilid, naka-black shirt na sando na may style, black na converse at naka-earphones lang naman ako. Tapos yung bag ko, black din na ang liit liit na jansport. Oh emo ba? haha trip ko nga kasi! Tsaka yung hair ko, octopus yung style tapos may pagkacurl sa baba at syempre, hindi mawawala yung bangs kong may pagkacurl din. Hindi rin mawawala yung eyeliner ko. Pero hindi ako nagmemake up ha? Hayy.. Ganito na talaga akong pumorma eh. Hindi ako mahilig sa mga girly. Oo, masyado na 'kong emo \m/

"Tol! Chicks! Ang assstiiiiggg!" sabi ng isang lalaki sa mga kabarkada niyang nakaharang sa daanan at napatingin silang lahat. Na para bang gumilid para padaanin ako sabay may isang lalaking naiwan sa gitnang cool! Pagkaharap sa'kin biglang nagpacute! haha

nang naglalakad na ko sa gitna, parang yung napapanuod ko lang sa movies. Na si cinderella at si prince charming? gwapo yun lalaki pero, mukhang bad boy / playboy eh. mahirap na. Tapos bigla niya akong pinicturan.

"Hi miss!" bati niya

"Hi!" at dahil friendly ako? nag-hi na lang ako tsaka deretso na sa paglakad

"Uhm.. I'm Jaycee. and you?" tanong niya. Sinundan pa pala ako? hayy. busy pa man din akong tumitingin tingin sa bawat room number.

"Oh, nice meeting you! Bye!" sabi ko sabay smile ng wagas. Hindi ko sinabi pangalan ko. Ayaw ko nga! Hindi ako yung babaeng agad agad noh! haha

"Bye agad? Miss, pangalan mo muna." pagpipigil niya sa'kin. Nagsmile lang ako at nagpatuloy parin sa paglalakad.

"Miss! Hindi kita titigilan!" sabi niya. Nandito na siya ngayon sa harap ko.

At para tumigil na may naisip ako! Wahaha! "Okay. I'm BEBANG!" sabi ko. Pinipigilan kong tumawa. Para naman kapani-paniwalang ako talaga si bebang diba? ahahah

"Are you serious? Yung totoo!" natatawa niyang sabi. Hahaha enebe! Nakahawak parin siya sa magkabilang balikat ko.

"Hi Kuya Jaycee!" sabi ng mga babae sa gilid namin. Kinikilig pa? Talaga namang hearthrob eh! Siya naman, kinindatan niya. Hayy naku! Mga playboy nga naman..

"Yup! Hindi ka ba makapaniwala? Akala mo siguro..." hindi ko na tinuloy. Ngumiti na lang ako. Natatawa na talaga ako. Buti na lang sanay akong umarte wahaha

"Uhm.. Sige bye. Nice meeting you ulit" sabi ko. Hindi na siya nakapagsalita.

[Jaycee's POV]

"Uhm.. Sige bye. Nice meeting you ulit" sabi niya. Hindi na ako nakapagsalita. Bebang? Wahaha ang ganda ganda niya tapos ganun pangalan niya?

Grabe lungs! Ngayon lang ako tinanggihan ng isang babae.

Ako nga pala si Jaycee Ramirez. Masasabi ko namang napakaswerte ko't napakasaya sa family and friends. Pero pagdating sa love, wala na! Minsan na rin akong nainlove pero nawala din. Kahit ilang oras lang kami nagsama, masakit sakin yung nangyare. Namatay siya agad ng hindi ko man lang nalalaman pangalan at hindi nakikita mukha niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until Time Heals PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon