1- letters

4.8K 83 1
                                    

10 years later


Sabi nila umuusbong daw ang first love sa mga teenager, not all says that but actually I believe in first love dahil kay Mama. Pero bakit sakin parang mahirap ikwento ang first love ko. feeling ko meron ako nun, kaso parang nakalimutan ko lang.😅

Wala kasi akong matandaan sa mga oras na bata pa ako.

Maybe because of the accident. And nagkaroon ako ng amnesia.

And I promised to my mother na studies first ang priority ko at wala munang boylet na mahahalo sa buhay ko. Syempre I have no choice dahil I have so many protective man around me.

My Papa, brothers, Lolos, titos, cousin's All my family. Kaw ba naman ipanganak na nagiisang babae sa inyong lahi.

👸🏻feeling princess, di naman.

Serves me right? Madaming lalaki sa buhay ko kaya nga walang nagbabalak na lumapit sakin para manligaw. Para silang allergic pagnakikita ako. Yung tipong gustong magtago o tumakbo kasi nga nakakahawa.

Pangarap kasi ni mama na makatapos muna kami ng pag-aaral bago magkarelasyon sa kung sino mang itinitibuk ng puso namin, dahil di niya daw naenjoy yung mga time na dapat nagaaral siya sa edad namin. Believe me when I say I don't really have a boyfriend since birth. Yun yung pagkakatanda ko. Alangan namang kumerengkeng na ako pagkalabas ko sa sinapupunan ni Mama.

And it was for our sake kaya siya istrikto sa bawat oras. Pero si Papa siya yung tipong easy easy lang. Basta daw walang mananakit samin good na siya dun, kung san kami masaya susuportahan niya kami, we're only human that committed mistakes diba?
But I know he's a very over protective Father in his own way without us knowing. He loves us more than anything else.

'When it comes to the history of Montague clan apo we're loyal to our one and only love.'
Sabi ni Grandadie samin. 'And no one messed up with our family. they will be punished. If anything happens, they'll see hell. Pagpapatuloy niya. Minsan napapangiwi ako sa huli niyang mga salita. Sino ba namang tao ang gustong makita ang impyerno. Satanas malamang, pero hindi ang tao.

So, ganon lagi ang madalas niyang ikwento samin kapag bet niyang magstory telling. Lalo na sa mga apo niyang lalaki ah,
He wanted na only one at wag mananakit ng puso ng iba. He learned from his mistakes daw before, about the relationship of my own parents na parang Romeo at Juliet. Sus!!! Porke Montague apilido Mala Romeo Juliet na ang Peg ni Grandadie.

Actually mahirap makarelate sa mga kwento ni grandadie samin kasi wala pa talaga akong experience nga diba. And besides kung meron man ano naman kaya ang irereaksyon ko?hmmm

Pero feeling ko parang nagkaroon na ako ng something in the past. Siguro sa past life ko malamang diba?

But I can say na sa Crush ay hinahayaan kami ni Mama. kaya halos mapuno na ng picture ng mga Artista ang aking silid.
kala niyo? Hmmm

I have my freedom to have a crush naman sabi ni Mama,
'it's normal anak dahil lahat ng babae ay may crush o nagkakacrush sa atin. Kahit nga ako noon nagkacrush din ako, Abnormal daw kasi yung walang crush anak. basta ingatan mo lang yang puso mo ah?."
Sabi ni mama yan sakin na naokray naman ni Papa dahil siya lang daw ang naging crush ni mama kahit naiba pa ang puso niya ay siya paring itinitibok nito. Sometimes sweet sila na nakakakilig tignan. pero kung magLQ daig pa nila yung mga teenager. Saklap mag LQ promise, pati ako nadadala. Hahaha

Haleer!!! Mag-eighteen years old na kaya ako almost 19 years narin silang magasawa. Pero di na ata maiwasan ang konting tampuhan sa mag-asawa e no?

The Billionaires obsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon