3-Amnesia

2.6K 63 13
                                    

Hapon na ng ako'y dumating sa bahay nina Grandadie at Grandmamie. Nagdrop by pa kasi yung mga bruha kong kaibigan. Matapos kong banggitin yung nasa sulat todo iwas silang lima.

Hay!!!

Kasalanan to nung nagpapadala ng sulat pa mysterious type pa. Pagnakita ko talaga yung may gawa ng sulat sakin ipapalapa ko sa buwaya.

Dagdag pa tong traffic.
basta sa Pilipinas dito na yata nakatira ang Hari ng trapiko.

Kahit san ka dumaan makakasalamuha mo'y trafic lalo na sa EDSA. Overpopulated na nga kasi pati ang hangin na malalanghap mo'y dadami pa ang kulangot mo sa ilong, lalo na pagnaglakad ka sa sidewalk.
Tsk!

Di ko alam ang dapat kong maramdaman sa ngayon, for short badtrip ako. As in Nega ako ngayon. Yung parang si Goblin na uulan pagmalungkot ako. Kaso hindi naman umuulan pag ako.

K-drama,

Para bang laging may kulang sa buhay ko kapag iisipin.

Feeling ko lang.

Di naman lingid sa kaalaman ko ang minor amnesia ko. Pero ilang taon na wala parin akong maalala sa sampong taong nagdaan. Lalo na sa aksidenteng nangyari.

Hello???

Sabi ng doctor MINOR AMNESIA lang. Pasasaan eh sampong taon na nakalipas. Minor parin ba yun?

Wala akong tanong na ayaw sagutin ng mga bruha kong kaibigan. But it hurts me dahil sa ayaw nila akong sagutin sa tanong kung ano bang nalalaman nila before the accident that took my childhood memories.

Anong nililihim nila? Ayaw ba nila maalala ko yung childhood namin?

"It's not our place to tell you about it Noreen. You need to figure it out on your own. Besides bago kami dapat pamilya mo muna ang magsabi sayo."

Sabi ni Shelley na for the first time tinawag niya ako sa buo kong pangalan. Expect ko naman ayaw nilang magsalita dahil para daw sa protection ko. Lalo na ang mga pamilya ko, feeling ko nga may tinatago sila sakin. Sasabihan ka lang na it's for your own protection.

Haller!!!

Protection?

Duh! di ko nga alam kung kanino eh, kanino nga ba?

Ang tanda ko na pero daig ko pa ang bata kung protektahan nila.

Tsk!!

I remember Papa and Grandadie argued about it noong nasa hospital pa ako. Pagkagising ko kasi yun agad ang narinig ko sa kanila.

Flashback:

Paggising ko ay nasa hospital na ako at may mga nakakabit sakin na kung anu-anong apparatus. But the worst thing wala akong maalala kung bat ako nasa hospital.

At ang una kong narinig ay ang pagtatalo ni Papa at Grandadie sa loob ng hospital room. Kala nila siguro tulog pa ako. And that time di ko pa sila marecognize kung sino.

Pero di kalaunan ay nakilala ko rin sila dahil sa memoryang unti-unti ring bumabalik.

"She's been two months here Dad, for Heaven's sake! Gusto mo bang mawala satin ang apo mo? Sapo ni Papa ang batok niya na waring may highblood siya. Pero si Grandadie halos mapalo na niya si Papa dahil sumasabat ito, kaya hahampasin na sana niya si Papa gamit ng tungkod niya kung di lang nakahawak sa braso niya si Grandmamie na humihikbi at pinipigilan siyang maging bayolente kay papa.

The Billionaires obsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon