2

139 107 103
                                    

Chapter 2

Shadow

Araw araw kong nakikita ang anino pero hindi ko na iyon pinapansin at pinagsawalang bahala ko na lamang. Hanggang hindi niya ako sinasaktan ay hindi ko siya papakielaman.

Pero kinakabahan rin ako. It was my first time to encounter this whole thing. Hindi ko alam ang gagawin ko sa tuwing nararamdaman ko siyang nakatingin at nakikita ko ang anino niya.

Minsan bumibilis ang paghinga ko at kung minsan naman ay parang wala lang, kumbaga parang natural na lang sa akin na nakikita ko siya. Wala pa naman nangyayaring di maganda sa akin at nagpapasalamat talaga ako na hindi niya ako pinakekeelaman.

Ngayong kumakain ako ng lunch sa maliit na dining table na may dalawang dining chairs.

Sa ngayon ay hindi ko siya nararamdaman kaya tahimik lang akong kumakain at pinakikiramdaman ang paligid.

Isang linggo na lang at meron na akong pasok. Grade 11 na ako, syempre panibagong environment na naman. Wala na akong kasamang mga kaibigan kagaya dati kaya mas lalong nakakapanibago.

Wala akong kilala sa lugar na ito kaya pinili ko din ang lugar na ito. Pero alam ko naman ang pasikot-sikot sa lugar dahil madalas kami dati ng mga kaibigan ko dito.

Sa Maynila na nagsi-aral ang mga kaibigan ko, sabi kasi nila mas maganda raw doon at maraming magagandang paaralan kesa rito at mas gusto rin daw ng parents nilang doon sila pag-aralin dahil matatalino naman ang kaibigan ko at malaking opportunity daw na nakakuha sila ng scholarchip doon.

They are one year older than me, kaya hindi kami magkakasabay. Gusto ko sanang doon rin mag-aral ngunit ayaw ng aking step mom kasi delikado daw sa maynila. Mahihirapan daw ako doon dahil iba ang mga tao doon hindi kagaya dito.

Alam ko naman kahit papaano na may malasakit sa akin ang step mom ko lalo na dahil anak ako ng inasawa niya.

Subukan niya lang akong pakitaan ng masama niyang ugali. Nako makikita niya talaga si satanas pagnagkataon.

Alam ng Dad na kayang kaya kong gawin yun dahil sa akin ni Mom pinangalan lahat ng pag-aari niya ng alam niyang malapit na siyang mamatay.

Nakakapagtaka lang dahil hindi ko alam kung anong dahilan ng pagkamatay ni Mom.

Ang sabi sa akin may malubha raw na sa sakit ito kaya namatay ngunit hindi pa rin sapat sa akin ang impormasyon na iyon dahil parang may hindi lagi tama tuwing nababanggit ko yun kay Dad.

Halatang iniiwasan niya rin lagi ang topic na iyon kapag nagtatanong ako at pansin ko ring sobrang ingat niyang sumagot. Paulit-ulit rin ang sagot niya kapag tinatanong ko ito.

Ngayon ay hindi na ako ulit nagtatanong dahil nararamdaman ko namang ayaw niya talagang pag-usapan ang topic na yun. Kahit kating kati minsan ang dila ko sa pagtatanong ay hinayaan ko na lang, alam kong balang araw ay siya mismo ang magsasabi sa akin kung ano talaga ang nangyari kay Mom.

Kailangan ko lamang talagang maghintay dahil mukhang wala pa talagang balak sabihin ni Dad sa ngayon.

Natigilan ako sa pagkain ng mapadako ang aking tingin sa may bintana ng sala.

Nasa labas ang anino at nakatingin sa akin. Kahit wala man siyang mukha alam kong sa akin siya nakatingin.

Tinitigan ko rin siya at pinakitaan ng mukhang hindi natatakot. Bigla naman itong nawala na parang bula.

That shadow is creepy. It was always staring at me whenever I can feel it, as if it's trying to check on me time to time.

Umiling ako bigla at bumuntong hininga. Bakit nga ba ako hindi gumagawa ng paraan para layuan ako ng anino. Ilang beses ko yang tinatanong sa sarili ko ngunit hindi ko masagot sagot.

The MonsterWhere stories live. Discover now