Chapter 3
Following Me
Alas dyes na ng umaga ako nagising. Ginawa ko ang morning routine ko bago nagluto ng lunch. Sinigang na baboy ang niluto ko at dalawang tinapay na may palaman na cheese lang ang inumagahan ko.
Pagkatapos kong ibalot ang mga pagkaing hinanda ko ay nagbihis na ako ng pang-alis. Simpleng isang maroon v-neck shirt at jeans. Nakasneakers na kulay puti.
Sinuot ko rin ang kwintas na buwan na regalo sa akin ni Mom nung magpitong taong gulang ako. Paborito ko itong isuot dati, kaso nang mawala si Mom ay madalang ko na itong isuot. Mas naaalala ko lang ang mga memories namin dati tuwing sinusuot ko ito.
Nang matapos na ako sa lahat ay tsaka ako umalis ng apartment. Meron akong dalang kotse, regalo ito sa akin ni Dad ng magsweet 16 ako kamakailan lang.
Marunong na naman akong magdrive dahil tinuturuan ako lagi ng kaibigan kong si Kyle. Siya lang ang makakasama ko sa University dahil doon din niya naplanong mag-aral pagkatapos ng junior highschool.
Nitong mga nakaraang araw ko lang rin nalaman ng tumawag siya sa akin.
Papaliko na ako at tanaw na tanaw ko agad ang abandunadong mansion. Nagulat pa ako ng makita ang matandang babae na naglalock ng gate ng mansyon na iyon. Mukhang kagagaling niya lamang sa loob ng mansyon.
Hindi na ako tumingin pa sa matanda, Ngunit nakita kong tumingin siya sa sasakyan ko, kita ko iyon sa peripheral vision ko. Alam kong makikita niya ako dito sa loob dahil hindi nakatinted ang sasakyan ko.
Dire-diretso ako atsaka tumingin sa rear view mirror. Kita ko doong nakatingin pa rin sa akin ang matanda. Umiling-iling ito bago tumalikod.
Kumunot ang noo ko bago hinarap ulit ng tingin ang kalsada. Medyo malayo layo rito ang sementeryo kung saan si Mom nakalibing, siguro aabutin ako sa pagmamaneho ng kalahating oras.
***
Nang makarating ako sa sementeryo ay lumabas agad ako at nilibot ang tingin sa buong paligid.
Walang pagbabago. Tahimik at relaxing pa rin ang paligid. Binuksan ko ang pintuan ng backseat atsaka kinuha ang isang malaking nakatuping tela at ang basket kung nasaan ang aking dalang pagkain.
Sinaraduhan ko ang pinto at pinindot ang lock button ng remote key ng kotse.
Nagsimula na akong maglakad patungo sa puntod ni Mom. Malayo layo pa lamang ay kita ko na ang mga bulaklak sa tabi ng lapida niya.
Napangiti ako. Marami pa rin palang bumibisita at nakakaalala kay Mom. Si Dad kaya? Naalala rin siya?
Bumuntong hininga ako at tumigil sa paglalakad ng nasa harap na ako ng kanyang lapida.
Georgina Laye Hamilton
Born: March 17, 1980
1980-2007There are three angels designed om her grave. I frown as I remembered requesting that to Dad. Noong una ay ayaw niya pero pumayag rin siya kalaunan.
Malungkot ako noon at laging nagdadasal na sana ibalik ng mga anghel at ng Diyos ang Nanay ko pero walang nangyari, walang bumalik.
Inalis ko ang tupi ng tela at inilatag iyon malapit sa puntod ni Mom. Pinatong ko sa tabi ang basket. Ayaw ni Mom ng flowers dati pa lang at ang natatandaan kong gustong gusto niya ay sinigang na baboy. Ayun lang ang naaalala ko.
Pumikit ako atsaka umupo sa tela. Lagi ko itong dinadala kapag napunta ako dito. Minsan hihiga ako dito at magkukwento kay Mom at siguro gagawin ko na yun ngayon bago kumain.
YOU ARE READING
The Monster
Mystery / ThrillerHighest rank: #115 IN MYSTERY/THRILLER What if you suddenly unfolds your true identity? Na yung mga kababalaghan pala na nababasa mo lang sa libro ay nangyayari pala talaga sa tunay na buhay. You we're part of those mysteries that everyone wants to...