Chapter 4
Surprised
Hindi na ako nagtanong pa dahil alam ko na kung saan kami papunta. Tahimik na lamang akong nagmasid sa labas at tiningnan ang bawat bahay at mga taong nadadaanan namin.
Papunta kami ngayon sa subdivision nila Kyle. Malayo ito sa apartment ko kaya pakiramdam ko inabot na kami ng isang oras sa pagbyahe.
Ang alam ko nagrenta rin daw itong katabi kong lalaki ng isang apartment malapit lang sa may apartment ko. Pero hindi ko alam kung saan exactly doon, minsan lang kasi magkwento ang isang ito.
Ang alam ko din puro lalaki lamang ang pinapaupa doon. Kung nalaman niya nga lang daw ng mas maaga na may bakante pa palang unit sa inuupahan kong apartment ay doon daw siya umupa.
Natawa na lamang ako dahil doon. It was him, always brightening our mood. Kahit dati ganyan na siya. Kaya rin siguro kami naging close dahil sa ugali niya.
He was friendly. He is almost perfect and a Ideal man to be exact. Pero hindi ko makita kita sa kanya yung tinatawag nilang spark. Hinahanap ko yun syempre, hindi naman maiiwasan yun lalo na at babae ako pero wala talaga e.
Ang tingin ko lang talaga sa kanya ay kaibigan lang at alam kong hindi na hihigit pa iyon dahil ayokong mawala siya.
Kapag naman naging kami ay alam kong posibleng mangyaring magbreak kami at hindi na magpansinan pa after kaya hindi ko na itatry na mas maging malalim pa ang relasyon naming dalawa.
Pero hindi ko naman iniisip na magkakaroon ng kami, I mean what I'm saying is kapag nawala siya baka hindi ko talaga kayanin lalo na at wala nga ang tatlong babae sa tabi ko dahil lumipat na sa manila.
Alam kong may gusto siya sa akin noon pa hindi ako manhid. Pero pinapahiwatig ko naman sa kanya na hindi ko nararamdaman ang nararamdaman niya para sa akin.
Alam kong nahahalata niya yun pero hindi niya pa rin ako iniwan. Dinamayan niya pa rin ako at umabot pa ng dalawang taon.
Ayokong masira ang pagkakaibigan namin lalo na ngayong hiwa-hiwalay na kaming lima.
Nakita ko sa labas ng bintana na papasok na kami ng gate ng kanilang subdivision. Kilala siya ng guard kaya pinagbuksan agad siya nito. Bumusina pa ang katabi ko at ngumiti kahit hindi kami kita sa loob.
"Bakit tayo nandito?" Tanong ko sa kanya. He just shrug at nagpaliko-liko ng street hanggang sa tumigil siya sa isang malaking bahay.
I can't call it a mansion kasi hindi naman sobrang laki ng bahay nila.
Hindi kagaya ng bahay namin na mansion talaga na malapit lang sa lugar na ito. Bumaba siya bago umikot at pinagbuksan ako ng pinto.
Gentlemen. Nginitian ko siya at ngumiti rin siya pabalik. Nilock niya ang kotse niya bago kami pumasok sa loob.
Wala atang tao sa loob ng bahay dahil nakasarado ang pinto at sobrang tahimik sa loob. Pero pagbukas ni Kyle ng pinto ay bumakas ang ilaw at nagsigawan ang mga tao.
"SURPRISE!" Nagulat sila ng makita ako sa tabi ni Kyle. Halata mong kumpleto ang pamilya nila. I just smiled shyly at them. Kitang kita ko ang hindi makapaniwala pa ring expression sa mga mukha nila ng papasukin ako ni Kyle.
Binasa ko ang nakadikit sa pader na Happy Birthday Kyle. Typical Surprises of people. Tumahimik sila at hindi makapagsalita pero lahat sila ay nagtitinginan.
Napabaling ako bigla kay Kyle at sinamaan siya ng tingin ng mapagtanto kung ano ang mahalagang okasyon ngayong araw.
"It was your birthday today." Pinanliitan ko pa siya ng mata. He just laugh at nawala na naman ang kanyang singkit na mata.
YOU ARE READING
The Monster
Mystery / ThrillerHighest rank: #115 IN MYSTERY/THRILLER What if you suddenly unfolds your true identity? Na yung mga kababalaghan pala na nababasa mo lang sa libro ay nangyayari pala talaga sa tunay na buhay. You we're part of those mysteries that everyone wants to...