Chapter 1
Red Eyes
Staring outside while inside my car driving on the quite street of San Lahar, I can see the big mansion at the left side of the road.
It was old and mysterious. A creepy mansion with a golden double door, pero nakakapagtaka ang buong kulay ng bahay. It was an old dark brown wooded wall. Bakit kaya ganoon ang pintuan ngunit bumagay naman iyon sa mukhang matibay na wooded wall ng mansyon, malayuan pa lang alam nang matibay talaga ang pagkakagawa sa bahay kahit kahoy lamang ang pader na iyon.
Mahahalata mong high ceiling ang dalawang palapag ng mansion at sa kalumaan nito, makikita mo rin dito sa labas pa lamang ng property ang mga malalagong damo sa malawak na bakuran nito. Mukhang mayaman ang dating nagmamay-ari ng mamahaling abandunadong mansion na ito.
Napatigil ako sa pagdadrive at saktong tumigil pa sa may tapat ng malaking gate ng mansyon.
May matandang babae na nakatayo doon at nakatitig sa malaking abandunadong mansion. Agad itong napatingin sa kotse ko dahil sa biglang pagtigil ko.
Agad din naman itong umiwas ng tingin bago tumalikod at nagsimula ng maglakad palayo.
Nakakatakot ang matanda dahil sa sobrang haba niyang bistidang kulay itim at itim ring balabal na nakapalibot sa leeg niya. Sumama pa ang kanyang malanyebeng buhok na umaabot hanggang sa kanyang bewang.
Agad akong napatingin sa malaking mansion pabalik sa matanda ngunit nagulat ako ng wala na ang matanda sa direksyong tinahak niya kanina.
Kinilabutan ako bigla at binalik ang tingin sa malaking abandunadong mansyon. Pero ang mas ikinikilabot ko ay ang pagtama ng tingin ko sa may bintana, bandang gitna nito.
Ang pinakamalaking bintana sa harap ng mansion.
May dalawang pulang ilaw na na nanggagaling doon at huli na ng mapagtanto kong mga mata pala iyon. Nakatingin siya banda dito. I was dumb struck at first pero hindi ko na napigilang mapapikit na lamang bigla at nagmulat ulit.
Nagbabakasakaling naghahallucinate lang ako sa aking nakita. Nang tingnan ko ulit yung bintana ay wala na. Wala na yung dalawang pulang mata. Bumuntong hininga ako at humarap sa windshield ng kotse ko.
Agad kong pinaandar ang sasakyan at pinatakbo ng mabilis patungo sa lugar kung saan ako patungo.
Paulit-ulit nagrereplay sa utak ko ang pangyayari, simula sa matanda hanggang sa pulang mata hanggang sa hindi ko napansin na nakahinto na pala ang minamaneho kong sasakyan sa apartment na nirentahan ko.
Malapit lang ito sa abandunadong mansyon at isang kanto lang ang lilikuan mo kaya makakarating agad dito. Ngunit sa aking pagpasok sa gate ng apartment na inupahan ko ay nakita ko ang matandang babae.
Tinitigan ako nito mula ulo hanggang paa at nginitian ng pilit bago ito tumalikod. Pandaliang nanigas ang tuhod ko at sinundan ng tingin ang matanda.
Pumasok ito sa pinakadulong unit. Napahawak ako ng mahigpit sa mga susing nasa kamay ko ng makita ko siyang pumasok.
Nakaramdaman ako bigla ng panlalambot ng tuhod at pagbilis ng aking paghinga. Kumapit ako sa railings ng gate at hinawakan at tiningnan ko rin ang bandang dibdib ko.
Nang makakalma ako ay naglakad ako ng kaunting hakbang papunta sa tapat ng pangalawang unit.
Pito lahat ang unit sa apartment na ito. Ang unang unit ay studyante raw ang nakatira na nag-aaral rin sa pinapasukan kong school at sa pangatlong unit naman ay wala daw nakatira at bakante daw iyon sabi sa akin ng landlady ng apartment.
YOU ARE READING
The Monster
Mystery / ThrillerHighest rank: #115 IN MYSTERY/THRILLER What if you suddenly unfolds your true identity? Na yung mga kababalaghan pala na nababasa mo lang sa libro ay nangyayari pala talaga sa tunay na buhay. You we're part of those mysteries that everyone wants to...