Can We

979 34 7
                                    

(magaling magtagalog si James dito since in this AU, dito siya lumaki sa Pinas. 😂)

Naupo si Nadine sa kama niya nang nakacross-legged, habang nakatitig sa maliit na book sa harapan niya na para bang siya ay ininsulto nito. Journal niya ito. Ang journal niya na dalawang araw na rin niyang hinahanap and it turns out, nasa kanyang kababatang si James pala.

Hindi niya talaga maintindihan kung pano nangyari yun.

Napapikit si Nadine ng maalala niya yung nangyari kanina. Sobrang nahihiya lang talaga siya. Na kay James yung journal niya for at least a day.

"Chantal asked me to return this to you." Yun ang sabi ni James sa kanya kanina.  To say she was surprise na pumunta pa si James sa university nila para ibigay lang yung journal niya would be an understatement. Really, just to give her her journal?? Hindi niya talaga alam kung pano iinterpret yun.

Sabagay matagal naman na talagang mabait si Jaye… naisip naman niya. Pwede rin na nasa area lang siya ng university niya kaya naisip na niyang dumaan.

Nagbuntong hininga si Nadine at hinilot-hilot ang temple niya. Isa lang namang reason nang pagpunta ni James sa university niya ang kinatatakutan niya.

'What if he read that entry..? What then??' Nakakunot yung noo niya nung tinatry niyang isipin kung ano mangyayari kung yun ang dahilan. Sobrang namomortify siya, iniisip pa lang niya.

"Namention niya si Chants..." Sinabi ni Nadine ng pabulong. Di niya namalayan na nagsasalita na siya. "Si Chantal siguro… Siya siguro ang kumuha ng journal ko… Pumunta siya dito nung weekend... But why..? Wait, did she read the entry??" She half screamed. "She must have! And she must have shown it to Jaye!" Sinabi niya at napatayo. Napapa-English ng di namamalayan sa sobrang mortification.

Gusto na lang talaga niya umiyak. Knowing Chantal, talagang pwedeng gawin niya yun. And wala siyang ni isang reason to believe na hindi niya gagawin yun.

'Jaye is decent, though.  Hindi naman niya siguro babasahin yung journal ko nang walang permission, di ba?' Naisip naman niya, feeling a little hopeful, but it was gone just as quick as it had come. 'Pero kung pinakita ni Chantal sa kanya yun nang di sinasabi na journal ko yun then…' Muli siyang nagbuntong hininga, at feeling lang niya sobrang pagod na siya at defeated.

'Kung nabasa ni Jaye yung entry na yun...just please someone just give me some carbon monoxide and let me sleep forever.' She thought, a little dramatically.

Tumingin uli siya dun sa journal niya at sumimangot, as if it'd suddenly tell her na napapraning lang siya.

Mustering up her courage, kinuha niya yung journal niya at binuklat. Hinanap niya yung kaisa-isang entry na naglalaman ng lahat-lahat.

Nung nakita na niya, tinitigan niya yung page. She didn't know what she expected, some sign of it being read or something? But there was nothing...

Hindi siya mapakali at di niya rin alam kung anong gagawin. Pano ba niya malalaman kung nabasa niya? Hindi naman pwedeng itanong niya. Nag-tsk siya tapos lumipat sa susunod na pahina. Dun siya napasigaw. May nakasulat sa susunod na page. At kilala niya kung kaninong sulat iyon.

Napapikit siya as she felt her heart plummet. Sulat yun ni James.

'He really did read it...' Naiiyak na uli siya. Gusto na lang niya magkulong sa kwarto niya forever. Hindi na niya mahaharap si James kahit kelan. Tinignan niya uli yung page. She was a little confused because she realized it wasn't a letter, like she expected, but a journal entry. She felt her heart beat faster as she started reading.

--

August 29

 

Naddie. I'm going to meet her later so I can return her journal. I didn't know na nakita pala niya ko. Hindi naman siya bumati. I wish she did. I really miss her.

Down Memory Lane (JaDine AU)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon