Chapter 1

267 8 0
                                    

CHAPTER ONE

ITINIGIL ni Blue ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada. Umagaw ng kanyang pansin ang kulay asul na bulaklak. Nahagip lamang iyon ng kanyang mga mata ngunit labis na ang pagkahumaling niya sa bulaklak. Umibis siya mula sa kanyang kotse at tinungo ang banda kung saan niya nakita ang bulaklak. Napangiti siya nang malapad. Binusog niya ang kanyang mga mata sa pagmamasid sa paligid.  Pumitas siya ng tatlo at bumalik na sa kanyang sasakyan. Inamoy-amoy niya iyon.

Goodness! It smells like heaven! anas niya nang maamoy niya ang mabangong amoy ng bulalak. Hindi niya alam kung anong klase ng bulaklak iyon. Hindi naman siya mahilig sa bulaklak. But blue flowers was the only exception.

Natigilan si Blue nang may tatlong lalaki ang papalapit sa kotse niya. Bigla na lamang siyang kinabahan nang makita ang mukha ng mga ito. Hindi naman ito mukhang mga rapist kaya hindi siya dapat kabahan, ngunit iba ang kaso niya. May trauma siya sa uri ng mga tao. No'ng siyam na taong gulang pa lang kasi siya ay ninakawan sila ng kanilang kasambahay habang nasa business trip ang mga magulang niya. Wala siyang ibang nagawa no'n kundi ang umiyak nang umiyak habang nagtatago sa ilalim ng kama niya.  No'ng mag-labing-anim na taon naman siya ay kamuntikan na siyang ma-kidnap nang minsan siyang sumakay sa isang public bus. Tumakas lang kasi siya no'n dahil balak niyang bumili ng mani sa pakengke. Weird as it is but she loves peanut more than any food. Kung naging droga lang ang mani, tiyak na matagal na siyang natokhang.

Napakurap-kurap siya nang may marinig siyang katok mula sa bintana ng kotse niya. Nakatulala na pala siya. Agad na namang sumibol ang takot sa puso niya nang makita niya ang tatlong lalaking nakapalibot sa kotse niya. Tumikhim siya at nanginginig na binuksan niya ang bintana ng kotse.

"Ano po'ng kailangan nila?" magalang na tanong niya sa mga ito.

Malikot ang mga matang pinasadahan niya ang mga ito ng tingin. Actually ay wala naman sa mukha ng mga ito ang pumatay. Naka-tuxido pa nga ang mga ito. Mukhang mga business man. Pero pinanghahawakan niya pa rin ang kasabihang looks can be deceiving. At isa pa ay nakakapagtakang naligaw ang mga ito sa daang ito na napapaligiran ng nagtataasang puno.

"Excuse us, Miss. Pero may nakita ka bang lalaking dumaan dito kanina?" matigas ang mukhang tanong ng lalaking nasa gitna. Hindi niya mawari kung anong tono iyon.

"Wala po akong nakitang lalaki kanina," maikling sagot niya. Umiling pa siya. Sa wala naman talaga siyang nakitang lalaki kanina.

"Sige, salamat na lang." Gumilid ang mga ito kaya pinaandar na niya ang kanyang kotse at pinaharurot ito palayo sa mga ito. Marahas siyang napabuga ng hangin.

Whew! Kamuntikan na ako ro'n. Akala ko ay pagtutulungan ako ng mga ito tapos... tapos matatagpuan ng lang ng pamilya ko ang walang buhay kong katawan sa susunod na araw! Kinilabutan siya sa naisip. Pinahid niya ang namumuong pawis sa kanyang noo. Nang tingnan niya ang mga ito sa side mirror ay wala na ang mga ito ro'n. Kung anu-ano na ang naiisip niya kanina habang kinakausap siya nito. Para bang isang maling tanong lang ay puputok na ang kanyang bungo. Walang plano si Blue na mamatay sa kalagitnaan ng pagbababiyahe niya papuntang vacation house niya. May kabundok pa siyang manuscripts na tatapusin. She's  a contract writer sa isang sikat na publishing house. Ilang araw na rin siyang hindi maka-pukos sa pagsusulat dahil palagi na lang siyang kinukulit ng mga kapatid niyang mag-beach. Kaya ang ginawa niya ay nagpaalam siya sa kanyang mga magulang na magbakasyon sa vacation house niya na nasa tutok ng bundok. Funny it is, pero nasa bundok talaga ang townhouse niya. Nature lover kasi siya kaya mas gugustuhin niyang manatili sa isang mataas na lugar kung saan kita niya ang nagtataasang mga punong kahoy. Gusto niya rin ang preskong hangin na nalalanghap sa bundok. At isa pa'y namimiss na niya ang falls na nasa likuran lang ng kanyang vacation house. No'ng una ay tutol ang kanyang mga magulang sa kanyang desisyon na magtayo ng bahay sa isang bundok, pero nakumbinsi niya naman ang mga ito nang mag-hire siya ng isang profesional  engineer at architect na gagawa ng vacation house niya. Mas safe raw ang magiging bahay-basyunan niya kung gano'n.

Blue's  Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon