Chapter 8

108 4 0
                                    

CHAPTER EIGHT

"'YONG Violet sa akin! Ano ba!" Ang nag-aagawang kambal ang bumungad kay Blue nang mauwi siya bahay nila sa Maynila. Si Purple at Violet ay may hawak na isang Channel bag. 

"Fine! That's yours. But this ticket is mine!" nakangising asar ni Purple sa kakambal. May itinaas itong maliit na papel. Nakita ni Blue ang panlalaki ng mga mata ni Violet. Hindi niya tuloy maiwasang pagmasdan ang mga ito.

Pinakrus niya ang kanyang mga braso at sumandal sa bukana ng front door nila.

"No way! That ticket is mine!" tili ni Violet.

Akmang hahabulin nito si Purple pero nauna nang kumaripas ng takbo ang huli. Ang kinalabasan ay naghabulan ang dalawa sa loob ng sala.

"Ano ba, Purple! Fine! Sa 'yo na ang lahat ng mga bags na nasa maleta. 'Yong trip to Paris na lang sa 'yo. Akin 'tong papuntang Korea, okay?" malambing na kausap ni Violet sa kambal.

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig.

What? Korea? Paris? The hell!

"Nah, ah. Korea is the best! I'm going to meet my Jin Young in there," tila'y nananaginip na sambit ni Purple. Naningkit naman ang mga mata ni Violet.

Kilala niya ang sinasabi ng kapatid niya. 'Yon 'yong Koreano na kaagaw ng prinsepe sa mahal niyang prinsesa sa KDrama na Love in the Moonlight. Alam din niyang baliw na baliw ang kanyang kapatid sa Koreanong 'yon.

"Ano ba! Give that one to me, Purple! Bakit? Ikaw ba ang nagpakahirap? Duh! I cried and even lied to Ate Blue just to have that ticket!" busangot ang mukhang sumbat ni Violet kay Purple.

Kumunot ang noo niya. Hindi niya naiintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa. But one thing for sure ay wala naman talagang nagyaring masama sa mommy nila. Naningkit ang kanyang mata. Just because of the ticket? Kaya niyang ipasyal ang mga ito sa Korea. Iyon nga lang ay limited lang ang pera niya. Ni minsan ay hindi siya nanghingi ng pera sa daddy niya. May gusto siyang patunayan. Ang besides, she have a job. May sarili siyang ipon.

Humalukipkip siya at ilang minuto pang pinagmasdan ang dalawang kapatid na nagbabangayan pa rin. Tumikhim siya upang agawin ang atensyon ng dalawa.

"What's  the meaning of this, young ladies?" taas ang kilay na tanong niya sa dalawa.

Halos matawa siya nang makita niyang natuod ang mga ito. Parang natuklaw ng ahas. Sabay na napalingon ang dalawa sa gawi niya. Aba! May nalalaman pa itong slow motion. Agad na nanlaki ang mga mata nang mga ito nang makita siya ng mga itong matamang nakamasid.

Dumapo ang tingin ni Blue sa ilalim ng mesa. No'n niya lang iyon napansin. Sandamakmak na shopping bags ang nakalagay ro'n. May dalawang kulay violet din na maleta ang nasa gilid ng couch. Mas tumindi ang hinala ni Blue sa dalawang kapatid.

"A-ate Blue!"

"Ate," ani Purple.

Pilit ang mga ngiting lumapit ang dalawa sa kanya.

Yumakap ang dalawa sa kanya. Ginantihan niya ang mga ito ng yakap. Nang kumalas na ang mga ito sa kanya ng yakap ay do'n na niya tiningnan ang mga ito ng nagbabantang tingin.

"Where's Mom and Dad?" tanong niya sa dalawa.

Nagkatinginan ang dalawa at tila nag-aalinlangang tumingin ulit sa kanya.

"You won't  give us mega sabanuot naman, Ate Blue, 'di ba?" kinakabahang tanong ni Blue.

"Ano ba kasing nangyayari?"

"Mom and Dad is still on the other country," nakayukong amin ni Purple.

Naningnkit ang mga mata niya nang marinig niya ang sinabi ni Purple.

Blue's  Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon